KABANATA 18

262 13 0
                                    

"Ayokong pag talunan natin ito Amaris"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ayokong pag talunan natin ito Amaris"

"Hindi ba't napag-usapan na natin ito?" Nag pipigil na galit na untag nito.

Nawawalang pasensya siyang napairap sa hangin bago  nag lakad papunta sa kanyang kama kung nasan ang damit na susuotin.

"Ang napag-usapan natin ay tungkol sa hindi ako masasaktan ngunit hindi natin pinag-usapan na hindi ako sasaka sa mga Ulfhednars para mag patron sa labas ng Pack."

Madaling araw pa lamang ngayon, at nakatakda silang umalis para mag patron kasama ang nga Ulfhednars ngunit hindi pa man siya nakakapag handa ay kinatok na siya ni Amaris at pinipilit siya nito na huwag na lamang sumama. Akala niya ay nag kakaintindahan na sila kahapon na sasama siya ngunit hindi dapat siya masasaktan. Kaya naman niya ang bagay na iyon, hindi naman siya mahina.

Nais niya talagang mag patron kasama ang mga Ulfhednars para na din makita kung may mahuhuli silang Lycans, at baka maka  tyempo sila, makita nila ang pumatay sa anim na lobo. Gusto niya din alamin kung tutuo ang sinabi ng tatlong lobo sa kanila kahapon.

"Dito ka lang Leuruna" Giit pa nito. Hindi niya maiiwasan na maiinis dahil parang ginagawa siya nitong mahina at hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Nais din niyang makatulong sa pack at nais niya din maka balik sa pagiging Alphas.

Hindi niya maiiwasan isipin na na-dissapoint niya ang kanyang mga ninuno na dumaan sa pagiging Alpha at luna, sila na lamang ni Leo ang natitira sa mga Dregrins , ngunit siya ang nag pababa ng kanilang apilyido, nakahanay sa matataas na pwesto ang kanyang pamilya, siya lamang ang naging talunan at bumababa. Isa siyang disappointment kaya gagawin niya ang lahat para maging maayos ang buong Pack at bumalik na siya kung saan siya nararapat. Hindi man siya maging Alpha dahil kapatid niya iyon, hindi din niya kukuhanin ang pwesto ng Luna dahil gusto niya na ang Mate ng kapatid niya ang uupo sa pwesto na iyon.

"Kaya ko ang sarili ko Amaris" Angil niya. "Kailangan kong makabalik sa pagiging Alphas at kailangan ako ng Pack, alam mo ba ang nararamdaman ko nung napunta ako sa pagiging Beta? Bumababa ang tingin ko sa sarili ko, isa akong disappointment kaya gagawin ko ang lahat para mabalik ako sa pagiging Alphas at para na rin sa Pack, pero sinigurado ko sa iyo na hinding hindi ako uuwi na may saksak o kahit anong sugat"

Nag buga ito ng isang mabigat na hininga at wala sa sariling napahilot sa sintido animo'y nag titimpi. "Sige sasama na akong sumama ka sa amin" Panimula nito. Napangiti siya kaagad dahil dito. "Ngunit kapag nasaktan ka Leuruna sinasabi ko sa iyo, ikukulong kita sa kwarto" Pag babanta pa nito. "At isa pa, Leuruna. Aalways remember that you are not a disappointment"

"Paano kong hindi iisipin na hindi ako isang disappointment kung ganon ang pinaparamdam mo sa akin ay parang hindi ko kayang harapin ang mga Lycans?"

"Hindi ganon ang ipinararating ko, Leuruna"

"Ngunit ganon ang rating sa'kin" Puno ng prustasyon ang boses niya.

"Huwag mong masamaiin ang ginagawa at sinasabi ko sa iyo Leuruna, ang nais ko lang naman ay maging ligtas ka. Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko. You're my treasure, you're my gem"

Alpha's plea Where stories live. Discover now