Kabanata 19

1.2K 47 0
                                    

Malungkot ako ng magising ako kinabukasan kasi naisip kong iiwasan ko na naman si Alec ngayon. Kahit wala pa man ay nagui-guilty na ako at nasasaktan. Hirap naman nito.

Matamlay ako ng maligo at makapagbihis ng simpling blue dress. Ayoko munang magtrabaho ngayon bilang waitress at sa office lang ako para hindi ko makita si Alec. Hindi rin ako nagbonet at tanging cellphone lang ang dala.

Sabay kami ni Cola pumunta sa restaurant at nakita ko na naman si Alec sa labas. Hindi ako lumabas ng kotse at nauna si Cola. I know what she'll do.

Nilapitan niya si Alec at may sinabi. Napatingin pa si Alec sa sasakyan ni Cola pero tinted 'to kaya alam kong 'di niya ako makikita. Ilang sandali pa ay malungkot na sumakay si Alec sa kotse niya at nag-drive paalis.

Malungkot din akong bumaba ng kotse at mabilis na pumasok sa restaurant. Dumiretso ako sa office ko at umupo agad sa upuan ko. Hindi ko yata kayang ganito ang gawin araw-araw. Kanina nga na nakita kong lumungkot ang mukha niya ay gusto ko nang takbuhin at yakapin siya lalo na sa mga susunod pang araw.

Nag-effort siyang pumunta kanina dito kahit ang aga-aga pero hindi ko siya hinarap. Tao pa ba ako sa ginawa ko? Nasasaktan ako para sa kanya. Ugh! Ayoko ng ganitong buhay!

Dumating ang lunch at hindi pa rin ako lumalabas ng office. Wala akong ganang kumain kahit dinalhan ako ni Cola kanina. Pumikit ako at inalala ang mukha ni Alec kanina habang sumasakay sa kotse niya. I really don't know what to do. I hate myself for avoiding him.

Hanggang sa dumating ang hapon ay nasa office lang ako. Paikot ikot at walang magawa. Bored.

Ayokong lumabas kasi natatakot ako. Hanggang sa pumatak ang alas sais ay napilitan na akong lumabas kasi kailangan ko nang umuwi baka mapagalitan na naman ako ni Mommy. Pagkalabas ko ng office ay nakasalubong ko si Cola.

"He's here."

Hindi ko na kailangang itanong kung sino dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Kinabahan agad ako. Wrong idea 'to! Babalik na sana ako sa office ng hawakan ni Cola ang braso ko.

"Face him and tell him to stop."

"What?No! I can't do that, Cola. I can't hurt him like that!" Wala akong pakialam kung malakas ang boses ko.

"And you think you're not hurting him by avoiding him?"

"It's because you want me to," marahas at pailing na sagot ko..

"Nako naman, Cilla! I said that to try if you're a woman who's true to her feelings. Ginawa ko 'yun para makita kung ipaglalaban mo ba na mahal mo siya!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin—ibig sabihin sinubukan niya lang ako? Nanlaki ang mata ko.

"You only acted last night, didn't you?" gulat na tanong ko.

"I need to para malaman kung gano'n mo ba talaga siya kamahal para ipaglaban sa 'kin."

"Cola, you shouldn't do that." Umiling ako. "You know I value you so much kaya 'di kita kayang suwayin!" reklamo ko.

"I know and I thought mas lamang ang pagmamahal mo sa kanya para ipaglaban siya."

"You're unbelievable!" singhal ko at tumakbo palabas para puntahan si Alec.

Wala na siya sa loob kaya tumakbo ako palabas. Nagpalinga-linga ako at nakita ko ang kotse niyang kakaandar lang. Tumakbo ako para harangan iyon. Mabuti na lang at naabutan ko pero muntik na niya akong mabangga. Mabuti na lang at nakapag preno siya agad.

"Alec, let's talk..."

Bumaba siya sa kotse niya at bumaba ng kotse para harapin ako. Galit ang mukha niya at mabilis ang paghinga niya.

"Are you trying to kill yourself, Cilla?" sigaw niya.

"Ah, no?" kumunot ang noo ko. "Gusto lang kitang makausap."

"You can talk to me without blocking my way with your body, Cilla!" sigaw niya."Paano kung 'di ako nakapag preno agad edi nasagasaan kita?"

Naglakad ako papunta sa kanya na nakanguso. Hindi siya umatras kaya mas lamapit ako.

"Gusto ko lang namang mag sorry kasi iniwasan kita ngayong araw."

"Pa'no nga kung nasagasaan kita, Cilla? Don't divert the topic! Ah!"

"Edi mamamatay ako?"

"Na ikakamatay ko rin! Didn't I told you to take care of yourself? Pero bakit ngayon plano mo pa atang magpasagasa sa 'kin?"

"Sorry na... Sorry." Nguso ko.

"Sorry?!You're getting on my nerves, Cilla!"

"Sorry na nga,'di ba? Hindi ako nasugatan o nasagasaan kaya kumalma ka! At saka kung nagkataon ako naman ang masasaktan e—"

"Ah! You really think kung nasagasaan ay gano'n lang 'yon kadali tanggapin? Pagkatapos mo 'kong iwasan ngayong araw sasabihin mong ikaw naman ang masasagasaan kung natuloy 'yon? Are you even thinking of me? Of what I am going to feel if it happened?"

"Sorry na hindi na ako nakapag-isip, eh. Sorry talalaga. Nag-alala ka ba?"

Ngayon ko lang na-realize, ang hirap pala niya suyuin

"I love you. Is that enough answer to your question?"

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Walang akong naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"A-Anong sabi mo?" gulat na tanong ko.

Humakbang siya palapit sa 'kin na ikinaatras ko. Hinawakan niya ang bewang ko kaya natigil ako sa pag-atras at mas napalapit sa kanya.

"A-Ano bang ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko.

Matangkad siya sa 'kin kaya nakatingala ako sa kanya. Ngumiti siya ng magpang-abot ang tingin namin. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa 'kin hanggang sa isang agwat na lang ang natitira.

"I love you..." bulong niya at hinalikan ako..

Hindi ako naka-react agad. Napadilat ako ng hindi ko na maramdaman ang labi niya.  Ngumiti agad siya at niyakap ako.

"Don't do that next time, please. You're gonna be the death of me."

Natawa ako sa sinabi niya. Medyo exagge 'yon pero baka totoo kaya hindi na ako nag komento. Hindi pa rin kasi ako maka move on sa pagsabi niya ng I love you.

Parang lahat ata ng ugat ko sa katawan sumasayaw kapag naaalala ko ang halik niya at kung paano niya sabihin ang I love you.  Kinikilig ba ako?

Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ang pisngi ko.

"Cola said  I need to court you so I will. Starting in this minute, I am Alec Santos courting you, Cilla Cagan." Ngumisi siya.

"What? I mean Cola really said that?" gulat na tanong ko.

"Not to me but to my brother and my brother told me so yeah." ngiwi niya.

"A-Ah..a-ano hindi naman na kailanga—"

"Kailangan. Liligawan kita, okay? At sisimulan ko na 'yon ngayon. Kaya tara, date tayo."

Turning Him Into A ManWhere stories live. Discover now