Nasayang lang yung perang pinambayad ko para makapunta rito.


Humarap akong muli sa bar at nahagip na naman ng mata ko yung lalaki kanina na naninigarilyo na ngayon, tumuon ang titig n'ya sakin saka bumuga ng usok pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay at dahan-dahang lumapit sa 'kin dahilan para manlaki ang mga mata ko.


Handa na sana akong sumigaw at manghingi ng tulong nang bigla niyang itapon ang kalahati ng sigarilyo nya na tumama sa may bandang bewang ko, dahil nga naka-tube ako napaso ito at ilang segundo lang ay unti-unti na akong nakaramdam ng hapdi mula roon.


Masakit!

"A-anong problema mo, ha?!" Hindi ko mapigilang singhalan iyong lalaki na titig na titig sa mga mata ko kaya lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ang dibdib n'ya.


Ang sama ng ugali!


"I just don't like your outfit," Aniya at tumalikod pero bago iyon sinipa ko sya mula sa likuran at dahil siguro lasing sya napadapa sya sa sahig dahilan para magsinghapan ang mga nakakita.


Unti-unting tumayo iyong lalaki na tinulungan ng isang lalaki na kaibigan nya siguro.


Nang umakto akong tatalikod na ay saka ko naman narinig ang bulungan ng tatlong babae na nasa gilid ko.


"Ang lakas ng loob sipain si Zihyun!"


"Sinabi mo pa, mabuti at hindi nananakit si Sir kapag lasing!"


'Hindi nananakit? Ano naman yung ginawa niyang pagtapon ng sigarilyo sa 'kin kanina?'


"Isang Zihyun Jeon,ang kinalaban nya mabuti nalang at mabait ito kahit na may pagka-suplado ang aura."


'Yon ang huling narinig kong bulong nung isa bago ako makalayo doon sa bar at pumara ng taxi na dumaan.


PAGKARATING ko palang sa condo unit ni Martha ay agad akong naghanap ng first aid kit para magamot ang paso sa bewang ko dahil sa Zihyun na 'lyon kanina. Agad ko naman itong nakita sa ilalim ng coffee table kaya sinimulan ko na itong gamutin.



Impit akong napasigaw nang dumampi ang cotton na may betadine sa sugat ko kaya agad ko din itong nilayo.



Paniguradong magmamarka 'to, mabuti sana kung may pera ako pambili ng ointment para hindi ito maging peklat pero kailangan ko'ng tipirin ang pera ko para makahanap ng trabaho dito at may mai-padala kanila Tatay sa probinsya.


Bakit ba kasi sa dinami-dami ng bar sa BGC, doon pa talaga tumambay ang lalaking 'yon. Ako pa tuloy ang napag-trip-an.


Matapos gamutin ang sugat ko ay napagdesisyunan kong tawagan si Ma'am Zianna na s'yang may-ari ng isang flower shop na pag a-apply-an ko.


"Yes? This is Zianna Lim Jeon, speaking..."


Jeon? Tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lang dahil sa pagka-inis ko sa lalaking nagngangalang Zihyun kanina? Oh kung hindi man guni-guni siguro ay coincidence lang na magkaparehas sila ng apelyido lalo na at common naman ang Jeon na surname sa Korea.


"Hello po Ma'am! Si Dianara Gil po ito...may gusto lang po sana ako'ng itanong kung hiring pa rin po ba kayo?"


Sana oo...


Marked By The PainWhere stories live. Discover now