T W E N T Y - T W O

Start from the beginning
                                    

Now I couldn’t help but wonder why this handsome guy chose to court me when there are tons of girls out there who will probably look good with him. But then, who am I to question his decision, right? I should be glad.

Marahan kong tinapik ang mukha niya. “Ville, woy gising. Bumalik ka na lang muna doon sa kwarto at ipagpatuloy mo ang pagtulog mo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na akong magluto,” wika ko.

Napabuntong hininga ako nang hindi siya sumagot kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya. Medyo nahirapan ako dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at mahigpit ang yakap niya sa bewang ko.

Nang makaharap na ako sa kanya ay agad kong sinalo ang bigat niya sa katawan ko. Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa bewang ko saka mas lalong isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Muli ay marahan kong tinapik ang pisngi niya. “Ville? Ville? Hoy, gising, hindi kita kayang buhatin papasok sa kwarto. Masyado kang mabigat.”

Muli ay wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya kaya kinurot ko ang bewang niya. Kita ko ang pag-igtad niya at mas inilapit ang katawan ko sa katawan niya saka umungol. Napailing na lang ako saka tinitigan ang ulo niya.

“Paano ako makakapagluto nito kung nandyan ka?” wika ko kahit alam kong hindi naman ako sasagutin ng gagong attorney.

“Ville? Ville? Hoy ano ba?!” Asik ko saka sinundot ang bewang niya na nagpaungol muli sa kanya.

“Hmm?” Ungol niya. Napairap ako.

“Kapag ako nainis sayo, pramis bibitawan kita para lumagapak ka diyan sa sahig. Tingnan lang natin kung hindi ka maggising,” wika ko.

“Hmm,” sagot niya.

Aba, tangina!

Inis kong hinampas ang braso niya para maggising siya pero wala pa rin talaga. “Hoy, sabihin mo nga! Nagtutulog-tulugan ka bang gago ka! Bitaw nga!” Asik ko.

Mas lalo niyang isinubsob ang mukha sa leeg ko at biglang dumapo ang kaliwa niyang kamay sa kanan kong dibdib. Napatigil ako at napatitig sa kamay niya. Aalisin ko na sana ito nang bigla niya na lang itong pisilin ng mariin kaya napaigtad ako at mabilis siyang pinaghahampas sa braso.

“Gago! Sabi ko na nga ba gising ka, eh! Tangina ka talagang lalake ka!” Tili ko saka pinaghahampas siya.

Narinig ko naman ang mga kunwari niyang pag-ungol at mararahan niyang tawa. Inis kong hinawakan ang kamay niya para tanggalin sa dibdib ko pero ang gago ay hindi natinag at patuloy lamang sa pagpisil sa dibdib ko. Napatili ako sa inis saka tinadyakan ang paa niya dahilan nang pag-aray niya saka napabitaw sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Galawang hokage ng gagong attorney.

“Awts!” saad niya saka ngumuso ngunit kita naman ang pagpipigil niya ng ngiti.

Inirapan ko siya saka lumapit na lamang ulit sa counter para magsimula nang magluto. Habang siya naman ay naupo sa harap ng counter saka nakapangumbaba na pinanood akong magluto. Kita ko na antok na antok pa siya kaya nagtaka ako kung bakit? Tila hindi ito nakatulog.

“Bakit ba parang hindi ka nakatulog kagabi, ha? Antok na antok ka pa, oh,” wika ko.

“Hmm. Hindi lang ako nakatulog kagabi. I was just cherishing the moment while you were asleep beside me. I got scared that all of a sudden I would wake up and everything was just a dream,” sagot niya kaya napangiti ako.

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now