PROLOGUE

26 1 0
                                        

AUTHOR'S NOTE: I WROTE THIS OUT OF BOREDOM. SO ALL CHARACTERS, PLACES & EVENTS ARE JUST FICTIONAL AND ARE LIVING IN THE AUTHOR'S HEAD ONLY. MAY INCLUDE RATED PG / SPG SCENES SO IF YOU AIN'T READY FOR THAT, THEN THIS STORY IS NOT FOR YOU. char.


Happy reading, berries! <3


——————————————————————————————————————————————————


"Hoy, Poks! Nakita mo ba 'yung nakadikit doon sa bulletin board natin?" Salubong sakin ni Adie.


Papunta kami ngayon sa cafeteria dahil na-late kami kanina kaya hindi na kami nakakain. Sa iisang condo lang kami nagsstay kaya minsan sabay din kaming pumapasok.


Adie's my cousin. Rae Adrianna Ferrer for short. Hhhh.


"Syempre hinde. What about it?" Tugon ko.


"May pa-Battle of the Bands ang La Musique Org next month! Diba gusto mo nang kumanta ulit? It's your time to shine again, mamsh!" Dumiretso kami sa pila ng cafeteria para umorder ng kakainin.


"Gags. Gagawin ko 'don? Battle of the BANDS. San na banda q? Ate, isang Samgyupsilog, please."


"Ako rin po, Ate. Tungaw! Isasabak ba kita sa gyera nang walang armas? Tinext ko na si Rylee kanina pa. Papunta na siguro 'yon dito."


Umupo kami sa may table malapit sa pilahan para mabilis naming mahahagilap si Rylee kung sakali mang dumating.


"At ano namang mapapala ko 'dun? Next month na finals natin baka nalilimot mo."


"That's the point! Ang sabi sakin ni Rylee kapag nanalo daw sa BOTB, may plus points sa finals!"


Dali dali kong kinuha ang ballpen ko at sinungalngal ito kay Adie, charot. "O, e ano pang hinihintay mo isulat mo na pangalan ko!"


"Hahahaha. Savier Amanda Ferrer, alam na alam ko talaga ang kiliti mo. Thank me later." Sabay kindat with matching flying kiss pa ang bruha.


"Hey!" Sa 'di kalayuan naman ay may nakita kaming bobong kumakaway na kakapasok lang ng cafeteria. Syempre, pag bobo, si Rylee 'yon.


"Hey hey ka pa dyan para kang tanga. Wag ka ngang mag-english, super cringe." Natawa naman si Rylee sa sinabi ni Adie at umupo sa harap nito.


"Sus ang Raeby, nagsusungit nanaman." Pang-aasar nito. Inirapan lang siya ni Adie at bumalik na ulit sa pag-kain ng silog.


"Nga pala, Save, ano? G ka ba sa BOTB?"


"Mas ready pa 'ko sa lola mo, Rylee."


"Yono. Hahaha. 'Yan gusto ko sayo. Kaso bhie may problema tayo nang kaunti eh..." Napakamot siya sa ulo, "...umalis na si Kurt kanina lang papuntang States, biglaan. Kaya wala tayong drummer, as of now."


By the way, Rylee has a band called "Fix it, Felix" because his full name's Felix Rylee Uy. O'diba tunog pang-bobo talaga? Wag na kayong mag-doubt. Oo, sa Wreck it, Ralph niya nga nakuha iyan.



"Count me in. My cousin's a drummer," Napalingon kaming lahat sa nagsalita and to our surprise...


"Madz?!" We all said in unison. Wow, speech choir 'yarn?

"Heeeyyy girls! Omg, i miss you boooth!" Excited na sabi ni Madz at bumeso pa saaming dalawa ni Adie.


"Ako, walang beso?" Sabay harap ng pisngi ni Rylee kay Madz na 'yun namang sinampal ni Adie.


O, bobo. HAHAHAHAHA. Hawak siya sa pisngi niya ih.


"Ahaaawch! Joke lang, Raeby. 'To naman selos agad?" Pang-aasar muli nito.


"Hoy, Felix. Tigilan mo nga ako. Pati 'yang pa-raeby raeby mo! Tunog aso amp!" Sabay irap.


"Hoy Madz, kelan ka pa nakauwi!!!" Singit ko.


Maddison Ortega— The "kween bhie" of the squad. Siya lang naman ang anak ng may-ari ng school na 'to. Ang ate mo, sa sobrang kaartehan, pumunta pa ng SoKor para lang mag-move on sa ex niyang walang kwenta. Kaya eto, gulantang kami sa biglaang pag-uwi niya kasi kakaalis niya lang 1 month ago. Ano teh, akala mo tinatae lang ang pera ha?! Chos.


"I just got here, duh! I asked manong driver to make baba me here sa school to inform you guys dahil hindi kayo sumasagot sa mga calls ko! And since sa cafeteria lang walang signal, that's when I thought you're here."


"So, how's SoKurt? I mean– SoKor HAHAHAHA."


"Fook you, Rylee."


Yep, you heard that right. Kurt is Madz' ex. Sakto ang uwi ng bruha at wala na ang tarantadong 'yun.


"So as I was saying, my cousin's a drummer. And luckily, he's studying here too! Kaso it's been 2 years narin since he stopped playing. Buttt I'll pilit him to be your drummer for the BOTB, don't worry!"


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Huh? I didn't know you have a cousin who studies here too."



"Of course you don't kasi kakalipat niya lang dito ngayong semester. Duh."


"Aight, so it's all set, then. Let's meet again nalang after class to discuss other things." Pagpuputol ni Adie.


Niligpit na namin ang pinagkainan namin at pumunta na sa kanya kanyang class.


————————————————————————————————————————————————————————

Heart Beats. (La Musique Series)Những tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ