“Gusto mo bang pumasok tayo sa loob ng simbahan?” Tanong saakin ni Zayd, tumango lang ako at hinawakan nya ako sa may pulsuhan at tsaka hinila ako papunta sa likod ng simbahan. Kahit ilang beses na akong nakapunta sa simbahan na ito ay parati parin akong na a-amaze sa ganda nito. Lalo pa itong gumanda dahil napapalibutan ito ng madaming magaganda at makukulay na bulaklak.

Inilagay ni Zayd ang camera sa may malapit sa altar.

“Pwede bang lumakad ka mula roon sa may pinto papalapit dito saakin sa altar? Pwede ba yun malayah?” Pakiusap nya saakin at agad naman akong tumango. Nasa harap ng altar ang lalaking pinakamamahal ko at nakangiting hinihintay ako doon.

Nasa may malapit na ako ng malaking pinto ng simbahan. Kaming dalawa lang ni Zayd ang tao dito sa loob.

Pumikit ako at inimagine ko na nakasuot ako nang maganda at kulay puting wedding gown sa imagination ko ay mayroon akong hawak na napakagandang bulaklak.

Nang imulat ko ang mata ko ay naguunahang tumulo ang luha ko.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa altar...

Kada hakbang ko ay sakit at pait ang nararamdaman ko.

Patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko...

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng altar. Inilahad ni Zayd ang kamay nya sa harap ko at malugod ko itong tinanggap.

“I'm sorry, I c-can't fulfill my promise to you anymore.”

“S-sana, hindi nalang a-ako nalasing nung a-araw na yun...” Panimula nya nakita ko pa na nag babadyang tumulo ang luha nya.

“... Edi s-sana ikaw yung maglalakad p-papunta saakin bukas. I-I'm sorry M-malayah. Sorry kasi nagkamali ako... Sorry kasi hindi na kita kayang piliin... Patawarin mo ako hindi ko na m-matutupad yung lahat nang ipinangako ko sayo.” Basag na boses na sabi nya patuloy na umaagos ang luha sa mata ko. Sabay na tumutulo ang luha naming dalawa.

May dinukot sya sa bulsa nya at nung makita ko kung ano iyon ay mas lalong tumulo ang luha ko. Inilabas nya ang porselas na ibinigay ko sakanya nuong anniversary namin.

“Gusto ko man na makasama ka habang buhay pero hindi na pwede. Hindi man ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar pero ikaw naman ang babaeng minahal ko at patuloy kong mamahalin, walang makakatumbas sayo Malayah.” Naluluhang sabi nya at hinawakan ang kamay ko tsaka hinalikan ito bago nya isinuot saakin ang porselas.

Niyakap ko sya nang sobrang higpit.

“N-napatawad na kita Zayd. A-ang hiling ko lang Z-zayd ay maging masaya k-ka pa din kahit di na a-ako yung kasama mo.” Sabi ko sakanya, pilitin ko man na maging akin sya ay hindi ko magawa.

“H-hindi... Hindi ko k-kaya yang h-hinihiling mo Malayah. Hindi porque na papakasalan ko sya ay magiging masaya na ako. Papakasalan ko sya kasi may responsibilidad ako sakanya.” Matigas na sabi ni Zayd.

“Zayd naman, diba napag usapan na natin 'to. Subukan mong buksan yung puso mo para sakanya. Subukan mong buksan yung puso mo para sa magiging ina ng mga anak mo. Kalokohan ang mahalin ako, isang pagkakamali ang palalimin natin ang meron tayo.” Pagkumbinsi ko sakanya. Pinilit kong maging kaswal lang ang boses ko dahil alam kong magiging mahirap ito para sa kanya.

“Ano kaya kung tumakas tayo malayah? Dahil natin ang anak ko? Ako nang bahala sa lahat?” Sabi nya at umiling iling ako dahil kasalanan sa diyos ang gagawin namin na iyon.

“Hindi pwede yang sinasabi mo Zayd, kahibangan yang sinasabi mo. Alam mong hindi pwede. Kailangan nating bitiwan ang isa't isa, patuloy paring masusulat ang storya natin pero magkaibang akda na.” Sabi ko sakanya at hinalikan sya sa pisngi.

“... Lagi mong tatandaan na mayroong Malayah Galleria na minsang nagmahal sayo. Hanggang dito nalang tayo Zayd.” Sabi ko at tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Hindi nya ako hinabol...

Parang tubig na dumaloy ang luha ko dahil patuloy itong rumaragasa pababa sa pingi ko.

Bukas nakatakda ang pag kikipag isang dibdib ng taong pinaka-mahal ko...

Siguro nga dito na magtatapos ang lahat saamin, hiling ko ang kasiyahan nya.

Dito ko lang napatunayan na kahit na gaano mo pa kakilala ang isang tao,kahit na gaano pa kalalim ang pinagsamahan ninyo kung hindi kayo ang para sa isa't isa ay gagawa ang diyos ng paraan para tuluyan ngang paghiwalayin kayo ng landas. Magkaibang landas na ngayon ang tatahakin namin, kailangan naming bitawan ang kamay ng isa't isa para makapagpatuloy kami sa landas na amin pang tatahakin.



Sa laro ng pag-ibig talunan ako.


-T H E  E N D-

Love is a Losing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon