CHAPTER 10

126 8 1
                                    

CHAPTER 10

February 6, 2019

This day is very special for me...

Ito na kasi ang huling araw namin ni Zayd as mag girlfriend and boyfriend.

Bukas na kasi ang araw ng kasal...

So, today ay mag e-enjoy lang kami. Kasi nga ito na ang huling araw na mag jowa kami.

Lumapit sakin si Zayd at hinalikan ako sa pisngi napansin ko din na may hawak syang camera.

“Bakit may dala kang camera?” Tanong ko sakanya habang nakatingin sa hawak nya. Itinaas naman nya ito.

“Gusto kong irecord yung gagawin natin ngayon, kung saan man tayo dahil ng mga paa natin ngayon... T-tapos araw-araw ko ito panunuodin. Gusto kong alalahanin ang araw na ito kung gano tayo k-kasaya.” Basag na boses na sabi nya. Nag babadyang tumulo ang luha sa mata pinipigilan ko itong huwag tumulo pero hindi ko kaya. Naiisip ko palang na mag wawakas ang araw na ito ay para akong pinanhihinaan ng loob.

“Don't cry, my malayah... I h-hate seeing you crying.” Utal na sabi nya at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

“Tara na nga mag enjoy nalang tayo ngayong araw.” Cheerful na sabi ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na malakas at masigla ako para talagang ma-enjoy namin ang araw na ito.

“Saan mo gustong pumunta?” Tanong nya saakin, maaga pa naman 8 palang ng umaga kaya sure ako na marami pa kaming mapupuntahan.

“Kain muna tayo ng mami.” Sabi ko sakanya.

“Dun tayo sa mamihan ni kuya olan.” Tukoy nya doon sa paburito naming mamihan. Masarap kasi ang mami nila kuya olan ang asawa nyang si ate hyna ang nag luluto nun at meron na silang maliit na pwesto sa may kanto. 24 hours ang mamihan nila, madami din kasing kumakain doon e.

Magkahawak kamay na tinungo namin ang mamihan.

“Ate dalawa nga pong large bowl ng mami. Samahan nyo narin po ng dalawang softdrink.” Order ni Zayd ng pag kain namin.

“Yun lang po ba sir?” Nakangiting kasabi ng babae na nag seserve. Wala ang may ari ng mamihan umalis daw sila sayang nga e di man lang nakapag kwentuhan.

“Yes yun lang, thank you.” Pag papasalamat ni Zayd.

Nang umalis ang babae ay binuksan ni Zayd ang Camera nya at itinutok nya ito mukha ko.

“Zayd ano ba? Grabe naman yung lapit sa muka ko. Baka mamaya ay duling ako diyan sa video ah.” Reklamo ko kay Zayd at narinig ko pa ang pag tawa at sigurado akong narinig iton sa video kung video man ito.

“Magandang duling ka naman.” Sabi nya at pareho kaming natawa.

“Mahal mo naman.” Sagot ko sakanya at lumapad naman ang mga ngiti nito sa labi. Kay sarap pagmasdan ang mga ngiting iyon.

“Kahit na maging manok ka ay mahal pa din kita... Kahit nga maging maging lisa ka pa e. ” Sabi nya at pinamulahan naman ako ng pisngi. Dapat akong mairita dahil ikinukumpara nya ako sa manok at lisa pero bawal mag reklamo.

“Kahit kailan talaga Zayd ay gago ka.” Sabi ko sakanya at hinampas sya dahil mag katabi lang naman kami.

“Napaka sadista naman ng mahal ko.” Sabi nya at biglang dumating ang pagkain namin.

Masaya kaming naguusap habang nakain, lahat ng ginagawa namin ngayon ay naka film. Nang matapos kaming kumain kung saan saan kami nag punta. Itong araw na ito ay tatatak sa puso ko.

Huling destination namin ay ang simbahan kung saan gaganapin ang kasal bukas. Nakasarado ito marahil ay inaayos at pinapaganda ng husto ang loob bago gamitin.

Love is a Losing GameWhere stories live. Discover now