"Oh" sabay abot ko ng tubig sakanya.

"Ano? Kamusta?" Tanong ni ate Abby.

"May problema lang sa tape pero naayos din naman agad" sabi nya habang umiinom ng tubig.

"Magpahinga ka muna saglit dito, mamaya na tayo umakyat" sabi ni Ate Alice.


























Dana's POV

After ng kwentuhan umakyat na kami at nagtungo sa CR katabi ng sinehan. Walang tao kaya sakto nagayos na kami ng mga sarili namin. Lumabas na kami at pumila sa mga maglalakad sa red carpet. Nagsimula ng maglakad yung mga casts na kasama sa pelikula, sumunod yung mga artista na manonood sa pelikula.

Nagulat ako dahil mas umingay yung mga tao sa loob, kaya pala eh. Nagsimula na maglakad yung dalawang bida, agad akong yumuko para hindi makita kung gaano sila kasweet sa isat isa. Naramdaman ko nalang na tinapik ako sa balikat ni Lara saka sya ngumiti, ngumiti nalang ako para sakanila. Nagsimula na kaming maglakad at mas triple pa yung naging hiyawan ng mga tao dito sa sinehan.

Bukod sakin na kilala bilang Direktor at artista wanna be, etong mga kasama ko sikat tong mga to eh. There's Gabb and Abby na tanyag yung langalan ng mga company nila, although Gabb hindi pa hawak negosyo ng fam niya. Syempre kung sino sinong mga lalake at babae ang gustong jowain sila pero walang nagtagumpay.

Alice is the best pediatrician dahil hindi nya lang nasagip yung buhay ng isang bata dahil sa paggagamot nya, she's all over the news noong nasagip nya ang isang bata na muntik ng barilin ng sariling tatay. Also, she's a neurosorgeon before sya naging pedia. Cole is the lowkey type na smart and nerd pero in reality, she's a badass teenager. Paano binagsak sya ng teacher nya sa isang subject dahil hindi sya pumayag makipagdate sa teacher nya, nagtrending yun and its all over social media. In the end napatalsik yung teacher at grumaduate sya.

Syempre si Lara, the famous Pilot that catches everyone's heart. Cold man sa paningin ng iba, once na mainlove to sobrang clingy neto. Everyone attempts to be with her or atleast date her, but no one succeeds. Not until Sayaka came, she met her daw sa isang subway sa Japan nung may flight sya. But then again, she failed and almost got married. Sobrang devastated si Lara nun after nya malaman, nandadamay yan sa kalasingan nya araw-araw.

As we walked on the red carpet nakita ko naman na nakatingin si Jem saken habang nakangiti, nakita kong humigpit ang hawak ni Stell sa bewang nya kaya umiwas nalang ako ng tingin. Huminto kami sa gitna para magpicture magbabarkada at solo shots ko. After that pumasok na kami sa loob ng sinehan. Were all settled, katabi ko sila Jem at Stell na kanina pa sweet dito kaya naiirita ako. Yung mga fans naman nila makahiyaw akala mo may kinasal na.

Nagstart na yung movie at syempre as usual ang ganda ng reviews nagpalakpakan yung mga tao sa loob ng sinehan. Tumayo na kaming mga cast para pumunta sa stage at syempre naghawak kamay kami, sinadya kong tumabi kay Francine Diaz para hindi ko makatabi si Jem. Pero nagulat ako ng kumakaripas ng takbo si Jem papunta sa tabi ko sabay agaw ng kamay ko, nagbow na kami at nagpalakpakan naman ang lahat.

After interviews and syempre speeches sa mga dumalo at mga fans lumabas na kami ng sinehan. Sinabihan ko nalang si Dian na sya na bahala sa lahat dahil di maganda pakiramdam ko. Sabay sabay na kaming magbabarkada na pumunta sa isang private bar dito sa Makati, pagmamay-ari to ng isa pa naming kaibigan. Deretso kami sa VIP room dahil kilala na kami dito, nagorder na din kami ng drinks.

"Evans!! Congrats sa red carpet!!" Sigaw ng kung sino sabay yakap sakin.

"Gia!"

"Ate Gia!!"

"Salamat Gia" sabi ko sabay yakap sakanya pabalik.

"How are you guys?" Tanong nya.

"Okay naman ate, ikaw kamusta na kayo ni Akin?" Tanong ni Gabb.

"Okay naman kami ng Ex mo" ngiting sagot ni Gia.

"Alagaan mo yun ha?" Sabi ni Gabb sabay inom.

"Oo naman, ikaw kamusta kayo ng pinsan ni Abby?" Tanong ni Gia.

"Okay naman ate, bantay sarado ako ni ate Abby" sabi nya.

"Kamusta red carpet? Kayo ni Mimah?" Tanong nya sabay akbay saken.

"Tangina mo" malutong kong mura sakanya, tumawa naman silang lahat.

"Easy Evans, sige na mauuna nako. Kung may kailangan kayo nasa may counter lang ako ah? Dumating na kase yung mga new wines na inorder ko galing Italy, habol nalang ako mamaya" sabi nya sabay labas ng room.

"Guys cheers!!" Sigaw nila.

Naginuman at kwentuhan lang kami hanggang sa maging sober na yung mga tama namin, evebtually naubos namin yung isang bucket ng redhorse at dalawang bote ng whiskey. May san mig pa yan. Syempre puno ng kwentuhan at asaran yung buong inuman, bumalik naman agad si Gia samin at nakisali sa inuman at kwentuhan. Sila Ecka lasing na at kanina pa sila nagkakantahan ni Abby. Mga nagbebeerpong naman sila Lara, Gia, Gabb, at Cole. Nagkwekwentuhan lang kami ni Alice dito habang umiinom.

After that its 3:40am na ng madaling araw nang makauwi ako sa unit ko. Sobrang pagod na pagod nako dahil full sched ako bukas dahil kakalabas lang nung movie at kaliwat kanan na yung mga interviews at guestings. Nagshower muna ako saka nagbis ng boxers at sando saka humiga sa kama. Nagcheck muna ako sa messages ko at nakita kong kanina pa pala nagtetext at tumatawag si Jem. Nagcharge nako ng phone saka natulog.

















I had enough.. too much Jemimah Caldejon in my mind.

48 ParallelWhere stories live. Discover now