"I know, isa 'yon sa mga namiss ko nung nasa UAE ako ate. Pero sorry to say may lakad kasi kami mamaya diba Jaz?" Si Rence iyon.
"Yeah, sorry ate Reeze. May date kasi si Val mamaya." Ani Jazlyn.
"Date?" Tanong ni tita. "Sinong kadate mo Valerie?" Dagdag na tanong nito.
"Hindi ko po kilala e." Sagot ko.
"Blind date?" Tanong ni Ate Reeze.
"Yes, she requested for it." Si Rence naman iyon. "Last night, she went up to me saying these things about her ex boyfriend—"
"Lawrence!" Sigaw ko sa lalaki. He looks shocked because of my sudden exclaimed. Ilang segundo pa ng napagtanto kong natigilan rin pala ang lahat dahil sa sigaw ko. "I-i'm sorry.... But you shouldn't say that out loud. It's.... embarassing." Sambit ko at yumuko pagkatapos.
"Next time, you should choose the right person for you, so you won't end up talking to someone and requesting to set you up for a blind date in order for you to forget about your freaking ex." Seryosong sabi nito.
"Lawrence..." Si Ate Reeze iyon mukhang nagulat rin sa sinabi ng lalaki.
"Ayusan mo siya, Jazlyn. Make sure she looks decent later, I'll call my friend to confirm if he can make it tonight well I'm sure he can." Ani Rence saka tumayo. "Excuse me." Anito saka lumabas dahil mukhang may tatawagan sa telepono.
"You have dress for later, hija?" Si Tita Jazelle ang nagtanong. Nagulat ako dahil akala ko ay pagsasabihan niya ako dahil sa mga nagawa ko at sinabi ni Rence kanina.
"Wala pa po, tita." Sagot ko. "Hindi po ako nakapagdala ng damit."
"You can borrow my dress, meron akong nadala from my previous flight." Si Ate Reeze iyon na nag-alok ng damit na meron siya.
"Oh, okay po Ate. I'll look for it later." Sambit ko.
Matapos noon ay nagpatuloy na kaming kumain, bumalik narin si Rence after ng halos bente minutos. Ang tagal ng usapan nila noong kaibigan niya pero hindi kona tinanong. As much as possible ayokong pag-usapan yung nangyari sa amin kagabi dahil nahihiya ako. Matapos nitong blind date set-up na'to, hindi ko na ulit kakausapin itong kuya ni Jazlyn dahil mukhang hindi kami magkakasundo. He's a bully, annoying, straightforward but handsome guy. Gwapo sana, kaso nakakaasar nga lang. Ibang iba sa ugali ni Jazlyn.
--
"Bagay ba?" Tanong ko kay Jaz at Ate Reeze habang nagsusukat ako ng dress na ipinahiram ni Ate Reeze sa akin.
She lend me her red sexy backless satin dress. The dress is above my knee and looks so elegant. Hindi ko alam bakit niya ito dala dala sa flight niya, bonggang party ata ang pinuntahan niya doon.
"Perfect!" Si Ate Reeze iyon. "Bagay sayo. I think comfortable ka naman sa ganyang type ng dress since yung dress mo kagabi is kind of revealing din ng kaunti." Dagdag pa nito.
"Bagay sayo, kaso hindi ba masyadong revealing sa likod? Baka pagalitan ako ni mama diyan." Sabi ni Jazlyn.
"Akong bahala kay tita, at kung hindi yan ang susuotin niya may option kapa ba?" Si Ate Reeze iyon.
"Uuwi po ako, kukuha ako ng dress sa bahay." Sabi ko.
"Sinabi ko kila tito mamaya ka na makakauwi eh, may pupuntahan daw sila nila Tita Avah at ate Allison mo kaya mamayang gabi rin sila makakauwi. Baka wala kang datnan sa bahay niyo?" Sabi ni Jaz.
"Sila Yaya Astrid andoon naman." Sabi ko. Pero sumingit muli si Ate Reeze.
"That's fine na! Ilang oras pa yon bago kayo makauwi ulit dito. It will take time pa, yung oras na yon gamitin nalang natin to fix you up, diba?" Suggestion niya.
"Sabagay." Sabi ni Jazlyn. "Basta ikaw bahala kapag napagalitan ako ha!"
"Akong bahala." Sabi ni Ate Reeze.
After a little conversation, nagdecide si Ate Reeze na siya daw ang mag-mamake up at hairstyle sa akin. Nalaman ko na Flight Attendant pala siya so may kauntig background siya on how to fix hair and put make-ups. Sinabi ko na yung ate ko is also a flight attendant and nalaman ko na pumasok rin pala siya sa airlines na pinasukan ni ate dati bago magtransfer at magtraining si ate sa SkyAsia. Hindi daw siya familiar sa name ng ate ko kahit nasa iisang airlines lang sila noon dahil hindi padaw niya namemeet at baka daw sa ibang lugar nakadestino si Ate. Sinabi niya rin sa akin na baka daw mag-iba narin siya ng Airline at mag aapply for training since mayroon daw talaga siyang Airline na gustong pasukan, hindi kona tinanong kung ano.
"What time is it na ba?" Tanong ni Ate Reeze kay Jaz na inaayos ang damit na susuotin ko.
"Mag-3:45pm na." Sagot ni Jaz.
"Anong oras ba yung date?" Tanong ni Ate Reeze.
"Hindi sinabi ni Kuya anong oras basta sabi niya gabi." Sambit ni Jaz.
Nakita kong napairap si Ate Reeze. "Baliw talaga yang si Rence, bakit hindi sinabi? Ano huhulaan natin?" Naiiritang sambit ni ate Reeze.
Habang patuloy na nagrereklamo si Ate Reeze at inaayusan ako, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jazlyn. Nakita naming pumasok si Rence doon with his pambahay shorts and white t-shirt. Parang kakagising lang niya dahil namumungay pa ang mga mata.
"By 6pm nasa restaurant na kayo ha, I'll send you the address, Jaz." Anito sa kapatid. "And ahm.... Valerie?" Tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at napatingin ng diretso sa mga mata niya.
"I'm sorry about earlier." Aniya saka ngumiti. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ako nakapagsalita. "See you, later." Dagdag niya saka umalis na.
Natawa ng kaunti si Ate Reeze. "Told yah, hindi siya gago." Sabi niya pa.
Napangiti ako dahil sa narinig. He's nice, sometimes.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 5
Start from the beginning
