Chapter 1
"Pero ang sabi mo babalikan mo kami ng anak mo, Ramon. Walang araw na hindi ko pinanghawakan ang pangako mong 'yon..." Madamdaming utas ng aking ina nang minsan naming pinuntahan si daddy sa bahay nila.
Nasa labas kami ngayon ng mansiyon ng mga De Silva, para kaming kriminal na nagtatago sa gilid ng pader at iniiwasang makita ng kung sinuman.
"Cassandra, mahal kita at ang anak natin.... Pero alam mo ang obligasyon ko ngayon, hindi lang kay Avah at sa anak namin, kundi pati sa buhay ng mga magulang ko.... Kaya para mo nang awa, ayokong makita pa kayo ng asawa ko rito at kung anong magawa niya sa inyo." Si daddy na halatang hindi mapakali dahil sa maaaring maging reaksiyon ng kaniyang asawang si Tita Avah.
"Pero Ramon, alam kong hindi mo talaga mahal si Avah.... Alam mo 'yan. " Naluluhang tugon ng aking ina.
"Hindi ko siya mahal, pero mahal ko ang anak at mga magulang ko.... May ipinangako akong buhay sa kanila at obligasyon kong tuparin 'yon, Cassandra. Alam kong naiintindihan mo ako." May pagsusumamo ang pagbigkas ni daddy sa bawat kataga.
"Kung mapagmahal kang ama, bakit hindi mo rin kami kayang piliin ng anak mo? Alam kong mahal mo ako, at ang anak mo.... Magiging masaya tayo kung buo tayo. Diba pangarap natin 'yon? Diba pangako mo 'yon sa akin, Ramon? Kahit na anong mangyari, kahit sino man ang humadlang hindi ka bibitaw sa relasyon natin, pero bakit hindi mo mapanindigan?" Tuluyan ng namalisbis ang luha ng aking ina sa kaniyang mga pisngi. Ramdam ko ang bawat salita.
"Mommy, umalis na tayo...." Aya ko sa kaniya dahil alam kong nasasaktan nalang siya sa mga naririnig at maririnig niya dito.
"I'm sorry, Cassandra.... Mahal kita, pero—" Naputol ang anumang sasabihin ni daddy nang biglang may humatak sa buhok ni mommy na ikinagulat naming tatlo.
Ilang segundo lang ang kinailangan bago tuluyang maproseso ng utak ko na andito na ang asawa ni daddy at ilan pang mga katulong.
"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Alam mo ikaw, ilang araw na akong nagtitimpi diyan sa kakatihan mo!" Sabi ni Tita Avah sabay tulak kay mommy sa may pader.
"Aray ko!" Inda ni mommy sa sakit na natamo dahil sa ginawa ni tita Avah.
"Tama na po!" Sabi ko sabay hila sa kamay ni Tita Avah pero hindi niya ako pinansin.
"Avah, ano ba! Nakakahiya ka." Sabi ni daddy sabay awat sa asawang naghaharumentado na sa galit.
"What do you expect me to do, Ramon?! Magpaparty dahil bumalik dito ang desperada mong kabit?" It's her and dad who's arguing now.
"Pabayaan mo na sila, wala naman kaming ginagawang masama." Kalmadong sabi ni daddy.
"No, that mistress is here to get a chance.... Chance na baka mapikot ka ulit at sumama sa kanila ng anak niya dahil alam nilang tanga ka. Madali kang mauto, Ramon! Konting landi lang sasama kana." Halata ang galit ang pait sa bawat bigkas ni Tita Avah ng mga salita.... Halatang hindi sila nagkakaunawaan ni daddy.
"Huwag mo 'kong maliitin ng ganiyan, Avah. I have my reasons, you fool!" Dinuro pa ni daddy ang asawa niya. Hindi na nabawasan ang tensiyon rito kaya pinili kong daluhan si mommy habang iniinda parin ang sakit ng pagkakatama ng likod niya.
"Mommy, umuwi na tayo." Aya ko kay mommy dahil ayoko ng makita pang magsagupaan ulit sila rito, pero hindi siya mapigil.... talagang mapilit siya.... Hindi parin nagpapaawat.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
