"Ano?!" Gulat na tanong ko.
"Kuya!" Saway ni Jazlyn sa lalaki.
Kumunot muli ang noo ko. "K-kuya?" Nauutal kong sambit. "He's your brother? S-siya yung...."
"Oo, kapatid ko siya. At ikaw daw yung bestfriend niya, yung bestfriend niya na pinagpapalo ako kagabi at pinalayas sa sarili kong kwarto kaya sa sofa ako natulog. It's my first night here in the Philippines since I came back from UAE, tapos hindi ko man lang nagamit yung kwarto ko para matulugan?" Pumalatak ang dila ng lalaki. "Anyways, Jazlyn tell her kung ano ang napag-usapan kagabi. Make sure to prepare her for tonight." Ani ng lalaki at tuluyan ng umalis sa kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Jazlyn sa kwarto. Napatulala ako kay Jazlyn dahil hindi ko mawari kung para saan ang sinabi ng kuya niya.
"W-wait.... So nalasing like I'm wasted kagabi tapos dito ko natulog? And then, I woke up seeing your brother half naked in front of me.... Tapos sasabihin niya na iprepare mo ako for tonight? For what?" Nagugulumihanang tanong ko.
Umirap muna ang kausap ko bago sumagot.
"You'll be having a blind date tonight because you asked for it. You asked my kuya to find you someone na pwede mong idate because you are trying to move on from your ex! Yes, talagang kinulit mo pa si Kuya. Pinipigilan kita kagabi pero ayaw mong paawat, kaya sige ayan napapayag mo naman siya. Pinagpapalo mo pa nga nung una kasi ayaw makinig sayo, pero nung pumayag pinalayas mo sa sariling kwarto niya at natulog ka sa sariling kama niya at ngayon nanlalaki ang mga mata mo dahil hindi ka makapaniwalang ginawa mo ang mga kagagahang yon kagabi." Aniya saka sarkastikong tumawa.
Hindi ko namalayang nanlalaki na nga ang mga mata ko dahil sa mga narinig.
"So I'm having a date tonight? Wait, alam ba ni daddy?" Tanong ko muli.
"Oo nga. At huwag kang mag-alala dahil sinabi ko na kay tito na dito ka natulog. Hindi ko sinabing nagpakalasing ka kaya huwag mo ng isipin 'yon. Ang isipin mo nalang e kung anong isusuot mo mamaya dahil kahit ako hindi ko alam kung saan at sino ang magiging kadate mo. Only kuya knows." Aniya saka hinila ako palabas ng kwarto ng kuya niya.
"W-wait, saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Hinahanap ka ni mama, bumaba ka na at kakain na tayo." Aniya.
Nagpatianod naman ako sa bestfriend ko hanggang sa nakarating kami sa dining area. Everyone is there, Tito Lorenzo, Tita Jazelle, yung maid nilang kaibigan ni Tita, Lawrence, and a stunning lady na hindi ko kilala pero kamukha ni Jazlyn maybe a relative?
"Hija, gising ka na pala. Kumain na tayo, nagluto ako for breakfast halos wala ng natirang pagkain mula sa catering kagabi mukhang gutom na gutom ang mga bisita." Natatawang sambit ni Tita.
"I like your dress hija, unique." Ani Tito Lorenzo na naging dahilan kaya ako napatingin sa damit na suot ko.
Shucks! Ito parin yung suot ko kagabi, para akong galing prom or club na hindi mo malaman. Nakakahiya.
"Oh, sorry po.... Hindi po kasi ako nakapagdala ng damit kahapon hindi ko naman po kasi alam na makakatulog ho ako dito." Nahihiyang sabi ko.
Napatingin ako sa lalaking diretsong nakatingin sa akin. Nakangisi siya at parang ang sarap upakan dahil nang-aasar ang mga tingin niya. Sinipat pa niya ako mula ulo hanggang paa saka umiling nang hindi ko alam ang dahilan. Kung hindi ka lang talaga anak nila Tito Lorenzo at Tita Jazelle, kanina kopa sinipa to.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 5
Start from the beginning
