bigla akong hinatak ni Keil papunta ulit ng backstage. "ANG PANGIT MO HAYOP KA! LANDI MO! KAPAL NG LIPSTICK MO! DINIKITAN MO NG GERMS PISNGI NG BOYFRIEND KO! PWE!" Sigaw ko pa rin hanggang makapasok kami sa backstage.

"Lunch break." sabi ni Direc. mula sa labas.

"Selosa pala ang girlfriend ko." sabi ni Keil. Binatukan ko naman siya.

"Nag pakiss ka naman! Peste ka!" sabi ko at nag walkout.

***

Nagpadeliver na lang kami ng pagkain, "Ahm, Keil ito o." bigay ni Monique ng ulam kay Keil. Binato ko naman sa sahig yung ulam na nilapag niya sa plato ni keil.

"Sean." pagcocorrect ko kay Monique. Nagtaka naman siya. "Sean ang itatawag nyo sakanya. Ako lang may karapatan tumawag sakanya ng Keil." sabay irap ko.

"Ito D oh, kainin mo." bigay ko sakanya ng ulam.

"Parehas lang naman yung ulam na binigay ko tsaka yung ulam na binibigay mo ah! Bakit tinapon mo yung akin?" sabi ni Monique na parang nanlulumo.

"Magkaiba yun. Yung binigay mo, galing kasi sa basurang katulad mo." sabi ko at tumaray.

After minutes. . . 

"Sean, mahilig ka ba sa ice cream?" tanong ni Monique

"Ah oo." sagit ni Keil

"Keil mahilig ka ba sa plastic?" tanong ko,

"Hindi ma."

"O Monique hindi daw. Lumayo ka na sa boyfriend ko, tsaka umiwas ka na sakin. Fresh pa ko galing impyerno, Gusto mo masunog?"  sabi ko.

"I.. I can't take it." sabi ni Monique at umalis.

"I can't take it, I can't take it, I can't take it, pwe! Kala mo bagay. Muka namang isang taon pinag aralan." 

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon