Pababa na kami ng sasakyan at dala dala ang mga gamit namin at bag. Hindi naman kami mukang naglayas, medyo lang



Pumasok na kami sa buiding at pumunta na sa unit nila.



"Mukang wala dito si Jaydee sa unit niya" Bulong ko kay Coleen



"Baka nan'don kila Amanda. Pumunta munta tayo sa unit niya" Sabi ni Coleen at naglakad derederetso papunta sa unit ni Amy. Hindi naman malayo dahil magkatabi lang



Hinawakan ni Coco ang doorknob at inikot, hindi naman naka lock kaya binuksan niya na



Napaawang ang labi ko sa nakita ko. Magkayap si Jaydee at Madie? Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil tumatawa pa sila Amy. Mukang nagulat din si Coleen sa nakita niya



Agad silang kumalas sa pagkakayap nilang dalawa nang makita kami at tumayo sila Amy sa couch



"Anong g-ginagawa niyo?" Tanong ko dahil biglang kumirot ang puso ko. Agad pumunta si Jaydee sa kinatatayuan ko at kinuha ang mga bitbit kong bag at nilagay sa tabi



Agad siyang tumingin kay Amy na parang nanghihingi ng tulong kung anong isasagot sa tanong ko



"Naglalaro kami ng p-paper dance?" Patanong na sabi ni Amy. Biglang sumabat si Laney



"Oo, p-paper dance ang nilalaro namin" Sabi niya at tumingin kay Madie



"Bakit walang papel?" Tanong ni Coleen sakanila. Agad na lumingon sa mini table si Amy, at kinuha niya yung Manila Paper na nakalagay doon, habang ako tulala pa rin. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nila



"Nag pra-practice palang kami sa gagawin, kaya wala pang papel" Sabi ni Amy habang hawak hawak ang Manila Paper. Lumingon ako kay Jaydee na tahimik lang



"Ano yung totoo Jaydee?" Tanong ko sakanya, pakiramdam ko parang babagsak na ang luha ko



"Tama yung sinabi ni Amy" Sagot niya sakin, halata sa mga mata niya na natatakot siya



"Jaydee, ayoko sa lahat yung sinungaling!" Medyo tumaas ang boses ko sa sinabi ko. Naalala ko naman kahapon yung pag uusap nila ni Madie sa phone



"Frances, nagsasabi kami ng totoo. Wala ka na dapat ipag alala" Mahinahong sabi ni Madie sakin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Tumingin ako kay Jaydee na nakatingin lang sa'min. Agad naman akong kumalas sa pag kakahawak sakin ni Madie, pagkatapos niyang sabihin iyon



Ayokong makita nilang galit ako. Kaya dali dali akong lumabas ng unit, hindi ko alam, bigla nalang tumulo ang mga hula ko



"Frances, Wait!" Rinig kong sabi ni Jaydee at hinawakan ako sa kamay. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya at tuluyang tumakbo sa hallway. Hindi ko alam bakit hindi ko kayang magalit, kaya dinadaan ko nalang sa ganito



Nararamdaman kong nakasunod sakin si Jaydee. Mas mabilis ang takbo niya sakin kaya naabutan niya ako



"Frances!" Kasabay ng paghawak niya sa braso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa mga simpleng ganon lang, sobra na akong nasasaktan



"Bakit, Jaydee? Ano pang gusto mong sabihin?" Sabi ko ng mahinahon dahil sumasakit ang lalamunan ko



"Nagsasabi ako ng totoo Frances, alam mo namang hindi kita kayang saktan diba?" Sabi niya habang hawak parin ang braso ko



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now