Coffee Lover

677 19 1
                                    

There's a guy na palaging bumibili ng kape sa coffee shop namin. 'Yong coffee shop namin ito ang iniwang negosyo ni Papa bago siya mamatay. Laging andito si Mama ako naman tuwing sabado at linggo lang nakaka punta dito, dahil nga may trabaho rin ako.

"Hi, it's me again," nakangiting usal niya.

"Ohh, hi Sir! What's your order?" magalang na sambit ko.

"One espresso. Atsaka, Kevin na lang masyado ka namang pormal hahahaha!"Ayan nanaman ang mga tawa n'yang nakakatunaw.

Hindi naman masama ma-inlove sa customer diba? Huhu.

"Hey miss? Bakit ka natulala?" Nagising ang diwa ko ng bigla ulit siyang nagsalita.

"H-Ha? Wala Sir, ipapaserve ko na po ang kape niyo." Tinype ko kaagad sa computer ang order niyang espresso. Focus, Sidney!

Halos tumalon ang puso ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sabi ko Kevin na lang diba? And if you're sick you can rest muna." Hindi ko alam pero may pag-aalala sa boses niya.

Ito na Sidney! Lakasan mo ang loob mo na magtanong!

"Ahh ano uhm, Kevin? Nagtataka lang ako ha? Sa lahat ng coffee shop bakit dito ka madalas nagkakape?"

Ngumiti siya at binasa ang sariling labi gamit ang dila. Shet, dilaan mo din ako. Char!

"Andito kase sa coffee shop yung babaeng gustong gusto ko," usal niya at kinindatan ako.

Hindi man ako nakatingin sa salamin pero alam kong pulang-pula ang mga pisnge ko!

Anong ibig niyang sabihin?

Ang gwapo gwapo niya talaga. Nadadala ako sa mapupungay niyang mga mata.

"Ma'am Sidney ito na po yung espresso! Paki-check naman po kung tama ang ginawa ko baguhan lang po ako eh."

Haaaaay, Kevin? Kailan ka kaya mapapa sa 'kin?

"Ma'am Sidney?"

Lord, kung siya talaga ang para sa 'kin. Huhu! Sana siya na talaga!

"Uy, ma'am Sidney!"

"Ay, kalabaw!" Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ng isa sa mga staff namin.

Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Bakit ka ganyan Kevin!

Agad akong lumapit sa table niya at sinerve ang kape na in-order nito.

"Ano nga ulit pangalan mo?" diretsong tanong ni Kevin.

"S-Sidney Gonzales."

"Beautiful name. Pero mas ga-ganda siguro yan kapag dinugtong ang apelyido ko sa dulo ng apelyido mo." Ngumiti siya at kinindatan nanaman ako! Agad akong tumalikod para pumunta sa counter.

Waaaaaaaaah! Sandaleeee! Buhusan niyo ako ng kape please!

"Sidney anak?" Kumalma lamang ako nang tinapik ni Mama ang aking balikat.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo na mag-aasawa ako uli—" Hindi ko na pinatapos si Mama at hinampas hampas ang balikat niya.

"Go, Mama! Support ako!"

"Talaga, anak?!" May tuwa sa mga mata ni Mama.

"Oo naman po! Deserve niyo sumaya!"

"Sige anak ha? Sandali!"

20 years nang patay si Papa siguro naman time na para magmahal ulit si Mama.

"Anak!"

"Po?"

"Siya si Kevin, ang magiging stepfather mo!" Naibagsak ko ang kapeng hawak ko dahil sa sinabi ni Mama.

"Sabi ko naman sayo mas lalong ga-ganda ang pangalan mo kapag dinugtong ko ang apelyido ko. Pero syempre mangyayare lang 'yon pag kasal na kami ng Mama mo."

HA?! LORD, JOKE BA 'TO?

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now