kabanata 5

336 24 1
                                    

PAGKATAPOS ng pagsisiyasat ng mga pulis sa tahanan ng mga Villarica... nagpasya na agad si Irish na umalis. At dahil nag-aalala si Redeemer sa kaligtasan nito napagpasyahan na lamang nitong ihatid ang dalaga. Hindi rin naman ito tumanggi.

Redeemer looked in the side mirror to see his two bodyguards riding in Irish's car. Ibinalik rin niya agad ang kanyang paningin sa harapan. “Paano mo pala natalo ang lalaki kanina? Napatay siya.”

“Sinusugod niya ako nang makahawak ako ng bakal sa gilid ng pader n‘yo,” sagot ni Irish. “Hindi ako marunong gumamit ng baril saka nabitawan ko rin ito.”

Tumango-tango si Redeemer. Halata itong kumbinsido sa sagot ni Irish. Niligtas siya ulit nito at pati rin ang mahal niya sa buhay, walang dahilan para hindi siya maniwala dito.

“Anyway, may CCTV ba ang bahay n‘yo?”  tanong ni Irish. “You know for investigation. Kailangan n‘yong ipainbestiga ang mga nangyari.”

“Sa labas... meron pero sa loob, wala,” sagot ni Redeemer. “Don’t worry, It's under investigation.” Sumulyap siya kay Irish, naabutan ito ng kanyang paningin na tumango-tango.

Mas pinabilisan ni Redeemer ang pagpapatakbo ng sasakyan papunta sa apartment  ni Irish. Pagdating nila doon, humarap siya sa dito at naabutan ng kaniyang mga mata ang natutulog na dalaga. Inalis niya ang cap na nasa ulo ni Irish. Nalaglag ang mahaba at kulot nitong buhok na palaging nakatago sa sumbrero.

NAIMULAT ni Irish ang kanyang mga mata. Umupo siya sa kamang kinahigaan, at sapat na ang amoy ng k‘warto para malaman niyang wala siya sa kwarto niya.

May nakita siyang dalawang pintuan. Naging pasalin-salin ang kanyang paningin sa mga ito, hindi alam kung saan dito ang papunta sa labas. Bumaba siya sa kama at lumapit sa nasa kanang pintuan. Napatakip na lamang siya sa kanyang mga mata sa nakita.

“Fuck! What are you doing? Gusto mo ba akong panuorin habang naliligo?” Tanong ni Redeemer  na nasa loob ng bathroom. Naka-boxer short lamang ito at basa ang buong katawan.

Hindi nakapagsalita si Irish. Naaramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi. Dali niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang mga palad. Ngunit dahil nakaawang ang gitna sa mga daliri niya kitang-kita niya pa rin ang kabuuan ng katawan ni Redeemer.

“Nambubuso kana ha! Gusto mong sumama sa akin dito? Come on, you're free to join me here,” nakangising sabi ni Redeemer.

Hindi nakasagot si Irish. Parang hindi niya narinig ang sinabing iyon ng binata. Para siyang naging istatuwa sa kinatatayuan. Redeemer turned on the shower kasunod hinila niya si Irish sa baywang papasok sa kinaruruonan saka isinara ang pintuan.

Sa pagkabigla napakapit si Irish sa bawat balikat ng binata. Sinandal siya nito sa malaming na pader habang nasa ilalim ng shower. Nag-init ang pisngi niya nang makitang ilang dangkal na lamang ang mukha ni Redeemer sa kanya.

She closed her eyes while clenching her fist. “A-ano bang ginagawa mo?” Hindi nakikita kung gaano kalapit ang mukha ng lalaki sa kanya, pero ramdam na ramdam naman niya ang presensya nito.

“Kung gagawin ko kung anong gusto ko, hahayaan mo ba ako?” balik tanong ni Redeemer gamit ang britonong boses.

Ang sunod na naramdaman ni Irish ang malambot na labi ng lalaki na dumampi sa kanya. Gumalaw ito na kinaramdam ng dalaga ng kakaibang pakiramdam na una niyang naramdaman sa buong buhay niya. Bahagya niyang itinulak si Redeemer pero mas lalo siya nitong ipinako sa pader. Hindi niya kayang gumamit ng dahas para lang makawala dito dahil baka maghinala ito sa kaniya.

Kumawala si Redeemer sa paghalik niya sa dalaga. Tinitigan niyang maigi ang mukha nito na nakapikit-mata pa rin. Her pointed noise and pinkish lips making him smile. Binuksan ni Irish ang kanyang mga mata, at nagkasalubong ang kanilang mga paningin.

“A-anong ginawa mo sa akin?” biglang tanong ni Irish.

Kumunot ang noo ni Redeemer. “What?” he didn't get what she mean.

Bahagyang tinulak ni Irish ang lalaki at daling lumabas sa bathroom. Sinirado niya ang pintuan nito at napaisip sa naramdaman niya habang kahalikan niya ang binata.

Dumeretso si Irish patungo sa isang pintuan, na__ siya sacorridor. Dahil hindi niya kabisado ang pasikot-sikot sa malaking bahay, naglakad siya ng walang dereksyon. Hanggang sa nakababa siya ng hagdanan at napadpad sa sala. Umupo siya sa mahabang sofa, hinihintay ang pagbaba ni Redeemer.

After thirty minutes, bumaba rin si Redeemer. Napatayo si Irish habang papalapit ang lalaki sa kanya. Kumabog ang puso niya sa hindi alam na kadahilanan.

Tumayo si Redeemer sa harapan ng dalaga. “Akala ko umalis ka na,” nakangisi nitong sabi.

Naiilang na inilihis ni Irish ang paningin niya. Tumikhim siya bago nagsalita. “Ang mga gamit ko. Saan mo nilagay?”

"Basa ka, kailangan mong magpalit dahil baka magkakasakit ka," pag-alala ni Redeemer.

“H'wag kang mag-alala sa akin Redeemer, okay lang ako. Nasaan mga gamitin ko?” balik tanong nito.

“Sasabihin ko sayo after magbihis.” Dinampot niya ang kamay ng dalaga saka hinila ito paakyat ng hagdanan at dinala ito papasok ulit sa kanyang kwarto.

Naging tahimik ang sunod na ipang minuto. Nakahalikipkip si Irish habang nakatingin kay Redeemer na abala sa pamimili ng susuotin niya. Nasa bandang likuran sa nito. She was on the way for coughing to shatter the silence when he abruptly spoke.

"Basa ba ang underwear mo?" Kumpurtableng- kumpurtableng tanong nito.

Dumilim ang mukha ni Irish sa naging tanong ni Redeemer sa kanya. Binatukan niya sa ulo ang lalaki sa kinuha ang damit nakasikbit sa balikat nito.

"W-what? Nagtatanong lang naman ako. May masama ba?" ani Redeemer na nakakunot ang noo.

Tinuro ni Irish ang dereksyon ng pintuan. "lumabas ka dito," mando nito.

"Pwede namang dito lang ako. Promise tatakpan ko lang ang mata ko. Hindi ako sisilip," pabiro niyang sabi. At tulad ng sabi niya tinakpan niya nga ang kanyang mga mata gamit ang kanyang palad.

“Aalis ka o hindi?” Inaksyonan niya itong batukan.

“Hindi naman mabiro.” Humakbang si Redeemer papuntang pintuan. “Ito na, lalabas na, your honor...”

Nang marinig ni Irish ang pagsira ng pintuan hinubad agad na siyang nagbihis. Nasa gitna siya ng paghuhubad ng t-shirt na suot nang pumihit ang pintuan. The sudden sound of the door knob startled her. Halos mapunit niya ang t-shirt na bigay ni Redeemer sa pagmamadali na maisuot ito habang nakikita sa gilid ng kanyang mga mata ang umawang na pintuan.

“You're done? Pasok na ako ha!” ani Redeemer.

“I'm not done! Puta ka talaga Redeemer! Putang-ina mo talaga!”

Irish felt her cheeks burning because of irritation. Tumawa si Redeemer na halatang sayang-saya siya sa panunudyo sa dalaga.

“Hintayin kita sa sala,” sabi niya sa papalayong boses.


Itutuloy...

Assassin's Heartbeat Where stories live. Discover now