"Tara na, ano pang nginingiti ngiti mo dyan?" Sabi niya at naglakad na, hindi man lang ako hinintay



Nang mapantayan ko na siya ng lakad bigla itong nagsalita



"Anong gusto mong movie na papanoorin natin?" Tanong niya



"THE ROAD" Agad kong sabi dahil lagi ko itong nakikita sa Facebook, pero trailer lang ang napapanood ko



"The r-road? Is it scary?" She asked. Halata sa muka niyang ayaw niya panoorin, pero syempre ipipilit natin yan. Tignan natin mamaya kung matatakot siya



"Medyo nakakatakot lang naman at mukang makapigil hininga" I sarcastically laughed



"Bakit? natatakot ka?" Dugtong ko



"Hindi ah, Baka ikaw yung matatakot mamaya" Walang emosyong sabi niya



"Tignan lang natin" Bulong ko nalang. Nandito na kami sa loob ng Mall at papa akyat palang kami sa pinaka last na floor dahil doon ang sinehan



Pasakay na kami ng escelator. Hindi na kami nag elevator kasi ang daming sumasakay, mukang tatagal lang kami



"Dahan dahan lang, baka mahulog ka... Sakin" Alalay sakin ni Jaydee at sumakay ng escelator. Sasakay na nga lang bumanat pa siya



"I already did" I said with no emotion. Kunwari hindi ako kinikilig, nakita kong namula ang dalawa niyang pisngi



"Nawa'y lahat" Rinig kong sabi ng nasa likod ko kaya natawa ako, pero hindi ko pinahalata



Nakailang sakay na kami ng escelator pataas at nandito na kami sa bilihan ng ticket



"Dalawang seat po Ma'am, pwede po ba sa gitna kami umupo sa hindi medyo malapit sa tv?" Rinig kong sabi ni Jaydee sa babae, dahil nandito lang ako sa likod niya



"Pwede po Ma'am, eto na po yung ticket. Nan'dyan na din po yung Seat Number na uupuan niyo po" Abot nung babae kay Jaydee ng ticket



"Okay, thank you miss" Abot ng bayad ni Jaydee sa babae. Kahit ayaw ni Jaydee na mag ambag ako sakanya, pinipilit ko talaga siya dahil hindi pwedeng siya lang ang laging gagastos kapag nag dedate kami. Nagagalit ako kapag ayaw niya akong mag labas ng pera



"Here" Bigay ni Jaydee sakin ng ticket naming dalawa. Kinuha ko ito at binasa



"3:00 pm the movie will start" I whispered to my self. Tinignan ko ang Silver watch ko kung anong oras na. It's already 2:35 pm, may 25 minutes pa. Naisip ko naman na bumili ng mga chips para may makain kami mamaya



"Let's go to the grocery. Let's buy some chips" Agad kong hinila si Jaydee at papunta na kami ngayon sa grocery na malapit dito



"Anong oras ba mag s-start yung movie?" Tanong ni Jaydee habang hila hila ko siya



"3pm pa, may 25 minutes pa tayo" Agad kong sabi. Tumingin ulit ako sa Silver watch ko



"23 minutes nalang, dalian mo" Hila hila ko pa din siya habang nag hahanap ako ng malapit na grocery dito



Nakahanap na din ako, sa wakas. Agad kaming pumasok sa grocery at kumuha ng basket si Jaydee



Pumunta kami doon sa naka pakal na puro Snacks. Kumuha ako ng malalaking Cheetos, Pic-A, V-cut, at Piattos. Iyon lang naman ang gusto ko kaya iyon lang kinuha ko at nilagay sa basket na dala dala ni Jaydee



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now