JAYDEE'S POV


Masaya ako ngayon dahil wala ng masyadong gumagambala sa buhay ko. Masaya din ako na may Frances na nag iisa sa buhay ko.



Nan'dyan din sila Amanda at Laney para suportahan ako sa mga gusto ko at saming dalawa ni Frances, lalo na si Madie. Hindi kami mag kaklase pero grade 12 lang din siya.



Lagi na kaming magkakasama nila Amanda at Laney, lalo na si Madie. Laging nasa unit ko si Madie, pero bestfriend lang talaga kami.



Hindi na ako sa unit ni Amanda tumutuloy, pero magkatabi lang ang unit namin para kapag pumunta ulit si Daddy sa unit ni Amanda ay wala ako doon. Nahihiya na din ako kay Amanda dahil si tito Armando ang nagbabayad sa unit namin at wala din akong ambag.



Magkakasama kaming apat ngayon at papalabas na nang gate.



"Par! sila Frances oh." Turo ni Amanda kila Frances at Coleen na nasa fishball vendor at kumakain.



"Tara puntahan natin." Aya ko kaagad at pumunta na kami sakanila.



FRANCES POV


Papunta na sila Jaydee dito sa pagitan na'min ni Coco, tapos na din kaming kumain ng fishball.




Agad akong niyakap ni Jaydee pagkarating nila dito, niyakap ko din ito pabalik. Napansin kong nakatingin si Madie samin, lumapit ako sakanya at niyakap siya, yumakap naman siya pabalik at ngumiti sakin.



Nakatingin lang silang lahat sa'min at parang nagtataka, wala namang mali sa ginawa namin diba? Bakit ganyan sila makatingin.



"Frances, Sembreak na sa monday,  gusto mo bang sa unit ko mag-stay ng isang linggo?" Ngusong tanong sakin ni Jaydee, parang duda ako doon ha.



"Oops! syempre kasama ako. Diba Jaydee?" Singit ni Coco sa'min.



"Ay! pangdalawahan lang yung kama ko, gusto mo sa couch ka nalang matulog?" Tawang tanong ni Jaydee kay Coco. Umirap si Coco bago sumagot.



"Sasama ako. Kay Amanda ako matutulog," Sagot ni Coleen na pa-baby talk.



"Pwede na rin, malaki naman yung kama ni Amanda. Kasya tayong apat doon nila Madie." Singit ni Laney.



"Mag linis ka ng unit mo bhie ah!" Dugtong pa ni Laney at natawa.



"Tara na agad bukas!" Sabi ni Madie ng nakangiti.



"Bukas agad. Sa Monday nalang, hindi pa kami nakakapag laba ni Frances" Singit ni Coco, tama naman para may madala kaming damit.



"Ay sige sa monday nalang, maglalaba din ako" Sabi din ni Laney.



"Deal nayan ha! wala ng atrasan" Sigaw ni Jaydee sa'min na umiinom na nang palamig. Hindi ko napansing bumili pala siya.



"Deal na kayo?" Sunod na tanong sa'min ni Amanda.



"Deal!" Sabay sabay naming sagot.



"Tara na uwi na tayo, mag gagabi na" Sambit ni Amanda sa'min at umakbay pa siya kay Laney na naka akbay kay Madie at naka akbay din sakanya si Madie.



"Sige, tara na Frances" Aya ni Coco sakin na nakanguso.



"Frances. Ingat kayo sa pag uwi, pupuntahan kita baka sa Sunday" Paalam ni Jaydee at tinapon na ang lalagyan ng palamig niya kanina. Lumapit siya sakin at yumakap.



"I love you," Bulong niya sakin. I'm smiling right now



"I love you too," Bulong ko rin sakanya.  Sobra na akong kinikilig rito sa kinatatayuan ko.



"Ehem! Ehem!" Sabay-sabay nilang kunwaring ubo kahit si Madie.



"Respeto po sa mga kasama ano po!" Sabi ni Amanda na nakatingin sa'min.
Natawa kaming lahat at humiwalay na kami ni Jaydee.



"Bye, see u!" Sigaw ko sakanila.



"Madong tara na, Amy, Laney" Aya ni Jaydee at sinenyasan niyang sumunod sila sakanya.



Naglakad na din kami ni Coco at papunta na kung saan niya pinark ang kotse niya.



Nang makapasok na kami sa kotse niya agad siyang nagsalita.



"Close na close na si Jaydee tsaka si Madie no?" Sambit ni Coco, hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano sa sinabi ni Coleen. Napatulala lang ako dito.



Siguro naman hindi magagawa sakin ni Jaydee itong mga nasa isip ko ngayon. Alam kong mahal na mahal ako ni Jaydee at mahal na mahal ko rin siya.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now