W.A*b2 - 2

3.8K 101 2
                                    

"The secret of getting ahead is getting started." – Mark Twain

CHAPTER TWO

***

Delly

NAPATINGIN ako sa babaeng hawak-hawak ni Celen ngayon. Siya ang babaeng unang minahal ni Winston at siya ang dahilan kung bakit ginusto ni Winston na magpakamatay noon, dahil hindi ito sumipot sa kasal nila. Siya pala, nakaramdam ako ng konting selos pero asawa na ako ngayon ni Winston at magkakaroon na kami ng anak. Ang pwede ko lang ngayong gawin ay ang magtiwala sa asawa ko.

Nasa thirties na ito pero bata parin ang mukha nito na hindi man lang nadagdagan ng edad ang hitsura nito. Nakita ko narin noon ang picture niya pero hindi ko akalaing ngayon pa ako dadapuan ng selos kung kailan isa na akong Mrs. Singson.

I stood up and walked closer to her. "Anong kailangan mo sa asawa ko?"

She stared at me. "Kukunin ko lang ang matagal ng akin, hija. Do you really think na mahal ka ni Winston? Nagkakamali ka, dahil sigurado akong ginamit ka lang niya!"

I laughed. "Kawawa ka naman, wala ka ng kukunin dahil hindi mo siya pag mamay-ari, Madam. Hindi lang ako basta-bastang babae ni Winston—I am his wife. Itatak mo yan sa pinakamaliit na ugat sa utak mo!"

Napasipol si Andrew.

"Babe, baka mapano ka," si Winston. "Let me talk to her para matapos na, Do you trust me, right?"

I sighed and nodded. "Yes, pero sa babaeng yan, wala!" inirapan ko ito. "Nurse, my ass!" iniwan ko na sila at dumeretso sa kusina para kumuha ng maiinom, naninikip ang dibdib ko! Sumunod sa akin sina Belle at Alice para kalmahin ako.


Winston

Sumunod sa akin si Jael kung saan kami makakapag-usap ng kami lang. Gusto ko na ring makalaya sa alaala niya, at para narin matuldukan ang ano mang merun kami at galit dito sa puso ko para sa kanya. Ang daming katanungan sa isip ko na hindi nabigyan ng kasagutan noon. Nakaabang naman sila para magbantay sa mga hakbang ni Jael.

"How are you, Winston?" she started.

"I'm fine with my life now. Bakit ka bumalik, Jael? Anong dahilan mo? At binalak mo ba talagang patayin kami ng asawa ko?"

"Hindi ako ang naglagay ng bomba at hindi rin ako ang nagbigay ng regalo para sa inyo ng asawa mo," Tinabihan niya ako sa pagkakatayo habang nakatingin kami sa paglubog ng araw. "Alam ko namang ako ang hindi sumipot at ako ang unang nanakit sayo noon. Ako ang umatras sa kasal natin, pero galit ako sayo dahil hindi mo sinubukan na hanapin ako at alamin ang nangyari sa akin. Ang dahilan ko kung bakit hindi ako nakarating sa kasal natin. Kung bakit bigla nalang akong nawala na parang bula," pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti.

"Wala akong ibang minahal maliban sayo Winston, wala akong pinangarap kundi ang maglakad sa altar at maging asawa mo, maging ina ng mga anak mo, at magkaroon ng masayang pamilya. Sabay tayong tatanda, sabay nating aalagaan ang mga magiging apo natin," she chuckled. "Pareho tayo ng trabaho, at alam ko ang panganib sa mga buhay natin at sa magiging pamilya natin kung saka-sakali."

"Cut it off," hinarap ko siya. "Kung hindi ikaw ang nagpadala ng regalo sa amin, bakit mo alam ang tungkol sa bomba at ikaw mismo ang tumawag sa akin kanina?"

"Nakakalungkot isiping tuluyan mo na akong binura diyan sa puso mo," muli siyang humarap sa dagat. "Narinig ko ang pag uusap ng mga waiter kanina tungkol sa black box na niregalo para sa inyo, kaya kita tinawagan para ipaalam sa'yo ang tungkol doon. The seekers, they want to shut down the WEDA, nalaman na nila ang tungkol sa pakikipagsabwatan niyo sa Black Dragonss kaya ngayon tinuturing kana rin nilang mortal na kaaway. Hindi lang ang The Seekers pati na rin ng ibang pribadong agency."

Wild ANGELS 2: The Lost Identities (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon