Pero may Ilan din namang tama. Medyo Common na sya. Pero mas lumalamang talaga sa mga librong yan ang mga Mali-mali. Lintek talaga ang nagmamay-ari o sumulat ng librong yan. Pahamak. Tss!

"Celestial Magic Academy?" patanong kong basa sa librong katabi lang ng Histort of Agenhor. Kukunin ko na sana ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na Free Time na ng mga studyante.

Huminga nalang ako ng malalim saka Ibinaba na ang aking kamay. Hindi ko na tuluyang kinuha yun. Babalikan ko nalang siguro yun bukas? Kasi baka may Class pala kami. Pero free time naman diba? Wala kaming class, kaya pwede na sigurong makuha ang librong yun? Hindi din pwede. Baka hinahanap na nila ako. Lalo na yung lintek na babaeng yun. Tss!

Kinuha ko na ang ID ko sa Librarian. Nalaman ko ang pangalan nya nang hindi tinatanong. Simpleng basa ko lang sa Isip nya ay alam ko na kaagad. Sya si Krizylle Brown. Same age ni Mrs Carcido and Mr Carcido. Tita Tine and Tito Neyb. Matagal na sya sa posisyong yun. 16 years ago.

Pagkaliko ko sa hallway ng Library ay may bigla nalang akong nabangga. Halos sabay kaming nag-sorry. Pero mas dumami ang sorry nya ng makilala ako. Paulit-ulit syang humihingi ng 'Sorry' at paulit-ulit na yumuyuko. Hindi din sya makatingin sakin ng maayos. Punyeta! Ayoko talaga sa mga ganyan.

"Hey..." hinawakan ko ang balikat nya para matigil na sya sa kaka-Bow. "... Hindi mo na kailangang gawin yan." sabay tapik ko sa magkabilang balikat nya. Nginitian ko sya ng tipid bago tinalikuran na.

Her name is Yuyu Rose. Middle Class student. Kakapasok nya lang 1 Month ago. Sya ang pinaka-Low sa Ranking ng Class nila. Tahimik lang din sya. Naiilang sa paligid. Kagaya ni Diane sa weirdong panaginip ko kung saan ay nasa Middle Class din sya.

Ang bata nya pa...

Nagsimula na akong umalis nang hindi na siya nililingon. Pero ewan ko sa sarili ko kung bakit bigla nalang akong napahinto nang makatatlong hakbang ako. Huling sorry nya ang narinig ko. Nang lingunin ko sya ay palayo na sya ng palayo sakin. Likuran nya nalang ang nakikita ko.

Yuyu Rose...

Susundan ko na sana sya ng makarinig akong may tumawag sa pangalan ko. "Catarina!" boses ni Sophia. Tss!

Bumuntong hininga nalang ako at hindi na sinunod ang sinasabi ng sarili ko. Bakit ba gusto kong sundan ang babaeng yun? Interesado ba ako? Pero... Alam ko na parang nagsasabi ng tama ang sarili ko.

"Nanggaling ka ba sa Libraring yan?..." tanong nya. Tumango naman ako. "... Kanina pa kami naghahanap sayo. Specially Diane..." napatitig ako sa kanya. "... Hindi ko masabi kung okay na sya, but... I guess medyo okay-okay na." napatingin ako sa likuran nya. Mula doon ay naglalakad palapit samin sina Jessel and Diane.

"Ohh! Here's your Aria. Tsk!" mataray na wika ni Jessel sabay irap sa ere.

"Ate Aria!" medyo nabigla ako ng niyakap nya ako. Hindi na sya umiiyak. Nakangiti ang kanyang labi na may bahid na lungkot.

Nagugulat padin ako sa twing may yumayakap nalang bigla sakin... Tss!

"Hmm?" hinahaplos ko lang ulit ang kulay Itim na may Asul nyang buhok. Napapansin ko din ang mga studyanteng napapahinto sabay titig samin. Ang Iba ay nagtataka, ang Iba naman ay namamangha, ang Iba ay natulala. Tss!

"Payakap po kahit Isang Minuto lang, Ate Aria. Please." tumango naman ako sa request nya.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Where stories live. Discover now