01

83 1 0
                                    


"Celine! Wait please, hear me out."

Napa-irap ako dahil tinatawag na naman ako nitong lalaking ito akala ko after 30 minutes okay na siya, nag iinom lang naman kami e tapos momol tapos okay na, ang gago 'di naka move on.


"Wait, celine!" tawag na naman niya sa akin.


Hindi ko siya pinakinggan tuloy lang sa lakad, at letche sino ba si celine? nakaka irita sa tenga pag galing sa kaniya, wala akong balak na kausapin siya.


"Hey, I told you I'm rich, I can give anything you want?" Pagyayabang niya nang maabutan ako at hinuli ang braso ko.


"Exactly! 'yon na mismo ang rason ko kung bakit ayaw ko sayo, mayaman ka at hindi ako at wala kang ibang dapat na makatuluyan kundi ka uri mo lang, huh? now get your hands off me,"


Naguguluhan siyang tumingin sa akin saka unti unting binitawan ang braso ko. Tinalikuran ko siya.


"Anyare?" tanong ni dakota.


"Mayaman daw siya, tangina edi lamunin niya pera niya. Tangina mukha ba akong sugar baby?" sagot ko't napa irap saka tumungga ng alak sa baso.


"Asan sila?" tanong ko kay DK, wala dito sila eylin saka niki.


Agad akong kinabahang makitang wala sila, lumingon-lingon ako sa paligid ko pero shit wala talaga.


"Hoy! asan yung dalawang yun?"


"Ayun oh, may ginagapang yung isa, yung isa naman gumagapang," turo niya kung nasaan yung dalawa.


Tinignan ko si niki nakikipag landian sa lalaki nakikipag tawanan lang naman, sunod naman si eylin tumingin ako sa comfort room.


"Ay hala gago ka talaga, bakit hindi mo sinamahan yun?" Nag lakad ako papalapit a comfort room pero may nabangga ako.


"Aray!" masama ko siyang tinignan pero mukhang hindi man lang natinag, tumawa pa nga.


Tumuloy ako sa pag lalakad ko papuntang comfort room, naabutan ko si eylin sa loob, nag pupunas ng labi.


"Hoy! bakit hindi ka man lang nag pasama ha?" tanong ko sa kaniya habang ako na ang nagpupunas ng labi sa sobrang kalasingan.


Umiling siya habang naka pikit ang mga mata, wala na 'to kailangan na ito i-uwi.


"Halika na, uuwi na tayo..." aya ko sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niya.


"Masama ba akong anak?" biglang sabi niya kaya napahinto ako sa pag lalakad.


Humarap ako sa kaniya at saka ko siya hinawakan sa balikat, napaka daming pinoproblema nitong isang to, sa aming apat ito ang hindi pala salita kaya walang nakaka alam ng nangyayari sa kaniya kung hindi kami lang, minsan nakikipag hulaan pa kami, ako sa aming apat ang malapit kay eylin, dahil narin siguro sa problema namin sa pamilya namin, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya dahil hindi ko alam ang eksaktong salita para sa tanong niya, buong buhay ko ay tinatanong ko din iyan sa sarili ko e.

Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now