Walang tao...


Putang ina.... gago minumulto na ba ako? tangina wala akong ginawang kahit na ano ha.


Dahil sa nangyari nagising bigla ang diwa ko at naglakad ako palabas para silipin kung may tao sa hallway, pag hakbang ko may nasipa ako, tumingin ako sa baba. May box na red at may flower din, daisy flowers.


Kanino ito galing? nag mamadali ko ng binitawan lahat ng ito at tumakbo sa hallway baka sakaling maabutan ko pa siya. Ikaw na ba ito?


Ilang araw pa ang lumipas at paulit ulit itong nangyayari, habang nasa flight o after man ng flight ko ay may random people na bigla akong bibigyan ng daisy flower, oh god.


"Ganda naman ng pokpok na yan," pang-aasar sa akin ni jasper, hinaplos pa ang pisngi ko. he's a gay and one of our pilots.


May nag bigay na naman kasi ng bulaklak sa akin e, hindi ko kilala hindi nag pakilala.


"Sorry kayo, celestine lang natin yan hahaha," gatong naman nitong babaeng si issa isa sa co-flight attendant ko.


"Tara na, nandiyan na sevice," aya naman ni lucine sa amin.


Tatlong leg lang ang lipad namin ngayon, manila to tokyo then tokyo to incheon then incheon to manila. Uuwi na kami agad dahil napag usapan na namin na bukas nalang gumala since walang pasok, pero 'di pa ako sure kung sasama ako sa kanila may labas din kasi kami ng mga tropa ko naman nung nag-aaral pa ako mula high school to collage hanggang ngayon. O baka dahil gusto kong hanapin yung lalaking nag papadala sa akin ng bulaklak na halos i-araw araw na niya, ewan ko ba sa taong ito, buhay pa naman ako, yung condo ko puno na ng bulaklak dahil dito.


"Hoy! baka umitim iyan sa kaka-stare mo sa kaniya ah," pangloloko gray sa akin isa pang pilot namin.


"Hoy mga pokpok, balita ko ah, may lilipat na apat na bagong pilot dito sa atin," chismosang sabi ni issa napatingin naman ako a kaniya, hindi ko alam yun ah.


"Oh? sana may maging jowa na ako dun badtrip naman, sana may yummy," malanding sabe ni jasper, gago talaga ito.


"Tahimik ka ah, ayos ka lang?" tanong ni lucine sa akin. Tumango lang ako saktong dumating naman ang service namin, nang maupo ako ay agad kong pinahinga ang mata ko, wala akong pahinga kakaisip sa taong ito.


Hindi ko na gustong ginagamit utak ko eh.


"Hey, wake up na, nandito na tayo." agad akong kumilos para makuha ang maleta ko.


Sandali pa kaming nag kape at saka na pag desisyunang magsi uwi, palibhasa walang trabaho kinabukasan lakas ng loob mag puyat.


Pumunta agad akong parking lot at nag maneho pauwi, nag palit ako ng damit saka nahiga sa sofa sa living room, tinitigan ko ang mga bulaklak na nandoon sa lamesa ko, sunod ko namang tinignan ang bracelet ko, kung ikaw man ang may pakana ng lahat ng ito... pero bakit?

Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now