Agad niyang pinindot ang doorbell. Agad namang may nagbukas, kasambahay ata ito dito sa bahay.



"Pasok na po kayo" Sabi nung Kasambahay sa'min at yumuko pa ito.



"Thank you po!" Napangiti ako sa sinabi ni Jaydee. Nginitian ko lang yung kasambahay dahil medyo nahihiya pa ako.



Papasok na kami sa dalawang magkadikit na wooden door, doon ata ang main door ng bahay.



Kumatok si Jaydee ng tatlong beses.  Agad namang may nag bukas, Kasambahay ulit. Ga'non ba ka-mahal ang mga gamit dito at ang daming kasambahay.



Pumasok na kami at nakahawak parin si Jaydee sa kamay ko. Ang laki ng bahay. Nilibot ko ang paningin ko, halos yung mga gamit dito puro Gold tsaka mga wine na nakalagay sa Shelf. May mga Frame din na malalaki na nakasabit bawat sulok.



Wala pa sa kalahati ang nalalakad namin, may sumalubong na agad kay Jaydee na batang lalaki. Sa tingin ko 4 years old palang siya at baka kapatid siya ni Jaydee.



"Ate!" Sigaw nung bata. Tumakbo siya papunta kay Jaydee.



Binitawan na ni Jaydee ang kamay ko at lumuhod. Sinalubong niya ng yakap yung batang lalaki, siguro kapatid niya iyon.



Ang cute nilang dalawa. Feeling ko tuloy may anak na kami ni Jaydee, charot!



"A-ate i-miss y-you" Sabi nung bata kay Jaydee at pa utal utal pa itong nag salita, ang cute niya.



"i missed you too" Balik na sabi ni Jaydee at humiwalay na sa pagkakayakap nila.



Biglang may papalapit sa'ming babae at medyo kamuka ni Jaydee, Mommy ata ni Jaydee ito. Nakatingin siya sakin habang nag lalakad, hindi ko maiwasang kabahan


Tumayo na si Jaydee at nakatingin doon sa Mommy niya. Sinalubong niya din ito ng yakap.



Humiwalay na si Jaydee at tumingin sakin, nagsalita din agad siya.


"Mommy, Si Frances po pala. Your future daughter in law" Pagpapakilala ni Jaydee sa Mommy niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan sa sinabi niya.



Pinanlakihan ko si Jaydee ng mata,l napatingin sakin yung mommy niya ng seryoso. Bigla akong kinabahan.



Ganito pala ang feeling pag pinapakilala ka sa parents. Ayoko na puputok na puso ko sa kaba.



Hindi man lang binawi ni Jaydee ant sinabi niya kaya medyo kinilig ako.



"Hindi mo naman sinabi nandy na kasama mo siya ditong pupunta. Edi sana pinadamihan ko pa yung hinandang pagkain ngayon" Sagot ng Mommy ni Jaydee kaya napangiti ako, pero hindi ko pinahalata.



"Kumain na ba kayo? Kung hindi pa tara na, sabay sabay na tayo" Aya samin ng Mommy ni Jaydee. Tumalikod na siya at nag lakad.



Sinenyasan naman ako ni Jaydee na sumunod at hawak hawak niya yung kamay ng kapatid niya, ang cute nila talaga.



"Wag ka mahiya, Mabait yun si mommy, Tsaka tita na ang itawag mo sakanya"
Bulong muna sakin ni Jaydee bago kami magkalad, tumango lang ako at ngumiti.



Nandito na kami sa Dining area nila.  Nagulat ako dahil sa mga nakapalibot na pagkain at ang dami.



Paano pag sinabi ni Jaydee kay tita na kasama niya akong pupunta dito, edi mas marami pa ito?



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now