AIYB 67: Last Part

55 4 0
                                    


“The moon is pretty tonight, huh?” takang napatingin sa kalangitan si Stellar. “Yeah, maganda nga.”

Napangiti lang si Shanlex sa sinabi nito. “So as you.”

“Bolero. Tss” tinapik ni Shanlex ang tabi nito at sinenyasan si Stellar na maupo doon. “Upo ka dito.” walang nagawa si Stellar kun‘di sundin ito.

“Bakit palagi mo akong iniiwan? Tss” natatawang hinarap lang ito ni Shanlex. “Para matuto kang habulin ako. Charot. HAHAHAH nahihiya lang talaga ako at the same time, hindi mapakali.” anito nang hindi ‘man lang makatingin sa mata ni Stellar.

“Hindi ako mapakali kapag nasa tabi kita. Pakiramdam ko kasi sasabog ang puso ko.”

“Amp.” tipid na sagot ni Stellar. Natawa lang silang pareho.

“Anong masasabi mo ngayon?” napatikhim lang si Stellar bago sinagot ang tanong ni Shanlex. “Wala naman.”

“Hindi ka ‘man lang ba nagulat na gwapo ng magiging boyfriend mo?” natatawang umiling lang si Stellar. “Hoy, ang sakit ah.” nakangusong ani ni Shanlex.

“Pero seryoso, ang cute mo.” nagmula ang tainga ni Shanlex sa sinabi nito. “Enebe, pereng tenge ‘te.”

“Amp.” natatawang napairap lang ito sa kawalan. “What I mean is cute, pwede ka na maging pet.” napanguso ulit si Shanlex.

“Stellar...” mahinang ani ni Shanlex. Nilingon lang ito stellar habang nakataas ang isang kilay. “Ano ‘yon?”

“I love you.” nakangiting anito bago tinakluban ang mukha gamit ang mga kamay. Pinilit alisin iyon ni Stellar para makita kung paano ito kiligin. Hindi mapigilan ni Stellar na humalakhak nang makitang namumula si Shanlex.

“See? Ang cute mo.” natatawang ani ni Stellar. Mas lalong tinakluban ni Shanlex ang kanyang mukha dahil sa hiya. “H‘wag kang mahiya, ako lang naman ‘to. Amp.” pang aasar pa nito.

“Tse.”

“Tol.” inalis ni Shanlex ang pagkakataklob ng kanyang mukha bago hinarap si Stellar. “Ang cute pala kapag sa'yo galing ‘yong salitang tol? HAHAHA”

“Cute pero bakit tumatawa ka, ha? You want sapak?” mabilis na umiling si Shanlex nang ambahan ito ni Stellar.

“Pero ano nga pala ang sinasabi mo kanina?” balik na tanong ni Shanlex dito.

“Gusto ko lang sana itanong kung nasaan si Mommy.”

“Omaygad ka.” napatawa lang si Stellar sa reaksyon nito. “Tawagin ko na ba?” tumango si Stellar dito.

“Sige. HAHAHAHA”  kumaway muna si Shanlex bago patakbong tinahak ang daan, patungo kung saan sila nanggaling kanina. Natatawang itinuon lang ni Stellar ang kanyang paningin sa buwan habang hinihintay ang mga ito. Nang maramdaman n‘ya ang presenya ng mga ito ay humarap kaagad ito at sinalubong ng ngiti. Nawala ang ngiti n‘ya nang mapagtantong hindi si Shanlex ang nasa harap n‘ya.

“Who are you?” takang tanong ni Stellar sa babaeng nasa harap n‘ya.

“Hindi mo na kailangan malaman pa iyon. Nandito ako para itanong ang bagay na gusto kong malaman.” saglit na tumaas ang kilay ni Stellar.

“Okay, ask me, then.” malumanay na anito.

“D-Do you like Ryland?” nginitian ko ito bago umiling. “No. I like someone else ” lumawak ang ngiti ng babae dahil sa sagot ni Stellar. “Okay, thanks.” tumango lang si Stellar bago ito tinalikuran. Nagulat s‘ya nang makitang nakatayo doon sina Shanlex at ang Mommy nito. Napapahiyang napayuko lang si Stellar bago lumapit at nagmano sa Mommy ni Shanlex. “Good evening po.”

“Ikaw na ba ang Girlfriend ng anak ko?” napakagat na kanyang labi si Stellar. “O-Opo. Hehe.” gulat na nilingon ni Shanlex si Stellar, napangisi lang ito.

Naupo sila sa isang bench habang naiwan naman sa ‘di kalayuan si Shanlex para hayaang makapag-usap ang dalawa. “K-Kamusta po kayo, Tita?” kinakabahan ma‘y pilit pinakalma ni Stellar ang sarili.

“Okay lang naman, ito, maganda pa rin.” napangiti lang si Stellar sa sinabi nito.

‘Mukhang alam ko na kung kanino nag mana si Shanlex. Pfft.’ ani ni Stellar sa kanyang isip.

Saglit pa silang nag usap bago naisipang pumasok sa loob. Marami pa rin ang tao na naroroon ngayon. Tahimik lang si Shanlex habang nasa likod nila. Saglit napalingon sa kanyang relo si Stellar. Hindi kasi s‘ya pwedeng magpa-late ng uwi. Ang usapan kasi nila ng kanilang Inay ay before 8 pm dapat nakauwi na ito. 7:14.na kaya dapat na s‘yang umalis. Nagpaalam ito sa ina ni Shanlex at muling nagmano. Lumapit si ito sa pwesto ni Shanlex at hinila palabas. “Mauuna na ako. Baka mapagalitan ako e.” anito.

“Hatid na kita.” alok ni Shanlex.

Umiling lang si Stellar dito.

“Hindi na. Malapit lang naman e. Tsaka nasa kanto lang ang sundo ko. Sige na, aalis na ako.” ani ni Stellar bago humakbang palapit kay Shanlex at niyakap ito. “I love you too.” matapos n‘yang sabihin ang mga salitang iyon ay tumakbo na ito papalayo.

Ilang minuto pang napatulala si Shanlex sa kawalan bago napagtanto ang nangyari.

“O-Owemgi k-ka, Stellar...”




***

Callsign Series #2: Am I Your Babybabe? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon