Disclaimer :
Ang lahat ng mababasa ninyo sa kwentong ito, kabilang doon ang mga tauhan, lugar at pangyayari ay gawa lamang sa imahinasyon ng taong sumulat ng istorya. Lahat ng pagkakatulad nito sa totoong buhay ay hindi sinadya, inuulit ko ito po ay pure coincidental....
This story may contain mature contents that are only suitable for open-minded person.
READ AT YOUR OWN RISK
**********
"Grabe ang hot ng CEO. Sana kapag hindi ako makapasa kahit mapangasawa ko nalang siya pero mukhang angtaas niya. Hirap abutin e!", dismayadong pagkakasabi ng babaeng kakalabas lang galing sa loob.
"Wala ka ng pag-asa doon. Paniguradong ang mga tipo nun ay yung mga international model.", sagot naman ng kasama niya.
"Miss Melatha, ready na po ang mag iinterview sa inyo, maaari na po kayong pumasok sa loob", napalingon ako sa isang empleyado ng kompanyang balak kong pagtrababuhan ng marinig ko ang pangalan ko. Mas lalo akong kinabahan dahil baka hindi ko mapantayan ang mga style na gusto nila. Tinignan ko lang ang suot kong pantalon at polo na kulay puti.
"Sige...... maraming salamat!", sagot ko nalang. Handa kana ba Melantha? Kayang-kaya mo yan. Malalim akong napabuntong hininga.
"Naku!Miss. Huwag kayong mag-alala. Kayang-kaya niyo iyon. Good luck!", nakangiti niyan sabi saakin na siyang nagpagaan ng loob ko.
"Salamat!", sinserong kong pagkakasabi nagthumbs-up lang siya. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at nakayukong pumunta sa harapan nila. Unti-unti kong itinaas ang mukha ko para makita ko na sila.
Apat sila....mukhang mayayaman at mahahalin. Dalawang babae ang nasa magkabilang gilid ang isa ay naka kulay pulang fitted dress at ang isa naman naka off-shoulder dress na kulay asul at merong sinturong Gucci.
Pinasadahan ko naman ang mga lalaki........ pero............. nanlaki ang mga mata ko ng mapunta sa kaniya ang mga paningin ko........... wala parin siyang pinagbago mas lalo lang siyang gumwapo at naging mature.
Hindi ako pwedeng magkamali.........
..............................Tyler
______________________________________
YOU ARE READING
Admiring Memories Of Him
RomanceSchoolmate Series #1 (Tagalog-English Story) Childhood memories with you. 🌠He who's always been there for me. 🌠He who protected me. 🌠He who treasured me as his own universe. ❄But I left him. ❄Until that day every memories we made and the past t...