Hindi na ako nag sayang ng oras, at finallow back ko nalang to.



Lumabas na si Amy ng bathroom. Ako na ang sunod, nilapag ko ang phone sa table.



AMY'S POV


Nakalabas na ako ng bathroom. Tumayo naman agad si Jaydee, para siya na ang sunod.



Dumeretso ako ng kusina para mag handa ng makakain namin. Biglang nag vibrate yung phone ni Jaydee sa table.



Madelain: is this Nandy?


Ang nakita ko sa notif ni Jaydee sa lockscreen. May naalala naman ako sa sinabi niya kagabi.



FLASHBACK

"I'm fine, i have kwento par usap tayo mamaya" sambit nya at ngumiti ng tipid at derederetsong pumunta sa unit.


END OF FLASHBACK



Siguro itong nag dm kay jaydee nakilala niya lang dyan sa tabi tabi. Baka siguro siya dapat ang iku-kwento sakin ni Jaydee.



Hindi naman kami nag usap ni Jaydee kagabi, baka siguro nakalimutan niya na.



Pinagpatuloy ko na ang pag hahanda ng pagkain. Pagkababa ko ng plato sa table, sabay lumabas si Jaydee ng bathroom.



Nakapulupot lang yung towel sa batok niya. Masasabi kong hot siya, pero nakakairita yung muka niya sa true lang.



Kumain na kami at nag ayos ng mga dadalhin. It's already 5:30 am, at sabi ko nga ganitong oras ako umaalis. Tuesday pala ngayon.



Palabas na kami ng unit at pababa na ng building. Pumunta kami sa parking lot dahil doon naka park si jaydee, kotse na niya ang gamit namin. Mas mabuti at makakatipid ako.



JAYDEE'S POV


Nandito na kami sa kotse ko at nasa Passenger seat si Amy. Agad kong pinaandar ang kotse at pumunta sa school nila.



10 minutes lang ang layo ng school sa condo. Ewan ko kung malapit lang o sadyang walang traffic.



Nandito na kami sa tapat ng school. Ang daming studyanteng pumapasok.



Agad naman akong naghanap ng paparkingan. Sa loob ako ng school nag park, dahil doon daw pwede mag parking ang mga studyante.



Nakapag park na ako at bumaba na kami ni Amy. Pinagtingin naman ako ng iilang studyante dito, Wala akong pake dahil sanay nako sa mga ganto.



Papunta na ako kay Amy, nang may bigla siyang niyakap. Matangkad ito at singkit din, muka siyang koreana..


"Jaydee, halika papakilala ko sayo si ate Sela" Sambit niya sakin, lumapit naman ako.



"Ate Sela, this is Jaydee yung sinasabi ko sainyo kahapon na bestfriend ko" Sabi ni Amy doon sa ate sela.



"Yung mag papa transfer?" Tanong nung Sela, at inilahad na ang kamay niya sa tapat ko agad ko itong tinanggap.



"Jaydee" Pagpapakilala ko ng walang emosyon at humiwalay na.



"Una na kami ate Sela. Malapit na mag bell pupunta pa kami sa Principal Office" Sabi ni Amy doon kay sela at ngumiti.



"Sige ingat kayo. Kita kita nalang mamaya" Sabi nung sela at ngumiti din.



"Ate Sela ang tawag mo sakanya jaydee ha. Dapat may ate kasi karamihan dito tawag sakanya Ate Sela" Sabi ni Amy sakin. Tumango naman ako, hindi naman mahirap sakin iyon.



Papunta kami sa Principal office, para kausapin na ang Principal.



LANEY'S POV


Anong oras na. Nandito ako sa corridor at mag bebell na wala parin si Amy, siguro tulog mantika iyon ngayon.



Lumapit naman ako kay ate gabb, dahil siya ang seatmate ko.



Umupo ako sa upuan ko at tumingin kay ate gabb "Ang gwapo naman" Natatawang sabi ko sakanya at ngumiti naman siya.



"Crush mo nanaman ako Laney" Natatawang sabi ni ate gabb sakin. Agad naman akong sumagot.



"Hindi, hindi ka nagkakamali" Sabi ko, at natawa kaming dalawa. Ang lakas ng tawa namin at parang nabulabog namin ang room.



Kahit na ganito kami ni ate gabb. Alam ko namang kay ate Ella lang siya uuwi.



Napansin ko namang nakakunot ang noo ni Coco na nakatingin samin. Isa pa ito crush pala nito si ate Gabb.



Naaninag ko si Amy papasok sa pintuan. Buti nalang nakaabot pa sya at hindi pa nag be-bell.



"Goodmorning bhie!" Sigaw na bati ko. Napatakip naman ng tenga si ate Gabb.



"Ang aga aga, nambubulabog ka bhie!" Sabi sakin ni Amy. Sasagot na sana ako nang biglang mag bell.



5 minutes na, at wala pa si Sir Kurosawa.



Nakita na naming nag lalakad si Sir sa hallway, dahil kitang kita to sa bintana. May kasama siyang babae at parang dito ang tuloy niya.



Pagkapasok nila, laking tuwa ko nang makita si Jaydee. Hala namiss ko siya, dito na ba siya mag-aaral?



"Class, this is Jennifer Nandy your new classmate" Sabi ni Sir Kurosawa at lahat kami ngumiti kay Jaydee. Ang pormal ng suot niya, hindi parin siya nag babago.



Nagtama ang tingin namin ni Jaydee. Ngumiti siya sakin, at halata sakanya na miss na miss niya din ako.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now