#TeamAriDon

369 13 8
                                    

A/N: Dedicated to @RebelCrayon. Kahapon pa dapat 'to kaso naiiyak ako habang nagtatype e. We'll miss you. 'Di mo na nalagyan ng EP 'yung Part 3 ng collab. 'Til next time Superman.

Jaidon Louderback's:

Lutang pa rin ang pakiramdam ko habang nakatingin sa Prinsesa kong si Ariadne na naglalagay ng pagkain sa paper plate na ikinakunot-noo ko kasi halos umapaw na ang pagkain na inilalagay nya. Eating monster talaga siya.

Pagkatapos ay saka naman nya ito iniabot sa'kin. "Ninja ko, kain na."

"Ha? Bakit ang dami naman nito Prinsesa?" I scratched my head but I accepted the offer.

"Akala mo sa'kin 'yan 'no?"

"Ahm...Oo?"

"It's for you. Payatot mo na Jai, kain kain din."

"What?!"

"Sabi ko PAYATOT MO NA."

I narrowed my eyes. "Ah gano'n?"

"Gano'n na nga."

Ibinalik ko sa kanya ang plato. "Hawakan mo muna saglit Prinsesa."

Tinaasan naman nya ako ng kilay. "At saan ka naman pupunta aber?"

"Sa stage. Ipapakita ko sa inyo ang sinasabi mong PAYATOT," at akmang tatakbo na ako sa stage pero pinigilan nya ako.

"Seryoso? Binibiro lang kita!" at humagalpak siya ng tawa. Silly girl.

"Weh? Baka naman ayaw mong makita nila ang yummy body ko!"

Binatukan nya ako. Sweet nya 'no? "Yabang mo na a!"

"Ariadne Sandoval, masama nga kasi ang magsinungaling," I flashed my killer smile at ginulo ang buhok nya.

Iniabot nya muli ang plato sa'kin. "Gutom lang 'yan Jaidon Louderback. Kumain ka na kasi!"

"Salo tayo?"

"Sure! Basta ba susubuan mo ako," at ngumiti rin siya. Ang ganda ganda nya talaga woo!

"Wag nga kayong mang-inggit, kain na aba uubusan namin kayo!" natatawang wika ni Tita Charie.

"Heto na nga po Tita, salo daw kami ng Prinsesa ko. May instant taga-subo siya," I grinned at her.

"Sweet naman. Naalala ko tuloy ang Papa mo baby Ari. Swerte mo kay Jaidon," nakangiti na din si Tita Anie habang nakatingin sa'min.

Namula tuloy si Prinsesa ko kaya hinila ko na siya sa isang bench para masimulan na ang 'bakbakan' sa sandamakmak na pagkain.

*****

Pagkatapos kumain ay ngiting-ngiti ako habang iniisip ang 'banat lines' na sasabihin ko kay Ari. So here it goes:

"Hey Prinsesa, tao ka ba?" I poked her nose.

Sinabunutan naman nya ako, grabe sa pagka-sweet. "Bakit?"

"Kasi MAHAL KITA!"

"Boom!" biglang singit ni Bethel sa'min.

"Prinsesa ko, bagay ka ba?"

"Bakit na naman ninja ko?"

"Kasi BAGAY TAYO!"

"Boom!" sabay hagalpak ni Dennelle.

"Prinsesa, prinsesa hayop ka ba?"

Tinaasan na naman nya ako ng kilay. "Bakit, bakit?"

"Kasi HAYOP KA SA GANDA!"

"Boom galing!" nag-thumbs up pa si Candace.

"Heto pa. Prinsesa lugar ka ba?"

"Bakit, bakit, bakit?"

"Ikaw kasi 'yung LUGAR NA GUSTO KONG PUNTAHAN!"

"Boom pwede!" si Charish naman 'yan.

"Pangyayari ka ba Prinsesa?"

"Daming pick-up ah. Bakit?"

"Ikaw kasi ang PANGYAYARI NA 'DI KO MALILIMUTAN!"

"Boom sagad sa sweetness!" tumawa naman sa'min si Janine.

"Maubos man lahat ng pick-up ko..."

They're all waiting for the next line.

Umubo muna ako. "HOT PA RIN AKO!"

Hagalpak naman sila ng tawa sa sinabi ko. Wala e, inlove ang kuya nyo kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Pero totoo 'yang last statement. Wag na kumontra!

"Nagagawa nga naman ng pag-ibig!"

"Ang mais mo classmate!"

"Malupit sa pick-up!"

"Pagbigyan! Birthday boy e!"

"Happy, happy birthday Jaidon Louderback!" at isa-isa nilang ibinigay ang mga regalo nila sa 'kin.

Ang totoo nyan, matagal ko nang natanggap ang pinakamagandang regalo. Iyan ay ang pagdating ni Ariadne Sandoval sa buhay ko. Naks!

Mahal kita. Break na tayo... Okay lang ako!Where stories live. Discover now