Simula

17.8K 553 30
                                    

Rain

Nagagalit ako sa mundo. Walang ibang ginawa ang mundo kundi bigyan ako ng mga pasakit.

Alam kong hindi tayo pantay pantay sa mundong ito, at iyon ang ikinagagalit ko. Bakit kailangang ako ang makaranas nito? Bakit kailangang mabuhay ako ng mag-isa at harapin ang bawat araw ng sarili ko lang ang kasama?

Sawang sawa na ako, sawang sawa na sa puntong sinubukan ko ng kitilin at wakasan ang sarili kong buhay. Pero bakit? Bakit narito pa rin ako? Buhay at humihinga. Hindi pa ba sapat lahat ng napagdaanan ko para tuluyan Mo na akong pagpahingahin?

Nagising na lang ako dahil sa sakit ng aking ulo na wari'y parang binibiyak ito. Naparami na naman pala ang inom ko kagabi, nailabas ko na naman lahat ng hinanakit na dinadala ng dibdib ko.

Mabigat man ang katawan ko ay pinilit kong bumangon dahil kailangan ko na namang kumayod para malampasan ang araw na ito.

Habang naghahanda papasok sa trabaho ay siya namang sunod sunod na kalampag ng aking pinto. Sinilip ko ito mula sa bintana at napakagandang bungad nga naman talaga nito para simulan ang aking umaga.

"Hoy! Rain!" sigaw ni Aling Siony habang patuloy pa rin sa kalampag ng aking pinto.

Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ng maigi at pinto ay itinulak niya na ito, sabay ng sermon at talak niya ngayong umaga.

"Nakung bata ka" panimula niya. "Dalawabg linggo ka ng huli sa upa mo, kailan mo ba balak magbayad? At kagabi nakita kitang lasing na naman na umuwi. Kung yang pinag inom mo sana ay pinambayad mo sa'kin ay edi wala ako ngayon dito sa harap mo" mahaba niyang talak.

"Pasensiya na po kayo Aling Siony. Hayaan niyo at mamaya ay magbabayad ako. Pangko ko yan" sabay bigay ko ng pagkatamis tamis na ngiti sa kaniya.

"O'siya sige. Aasahan ko yan mamayang hapon ah. Sige na mukhang papasok ka na" sabi niyang nakapagpaluwag sa dibdib ko.

Mabait naman talaga iyang si Aling Siony, renta na nga lang ng apartment ang pinababayad niya sa'kin at sagot niya na ang tubig at kuryente. Matalik kasing kaibigan ito ni Mama, at ipinagbilin niya ako sa kaniya. Ang gusto nga ni Aling Siony ay sa mismong bahay nila ako manirahan pero mukhang sobra naman na iyon. Ngayon pa't kaya ko naman ng kumayod para sa sarili ko.

Kaya kahit ayaw ni Aling Siony ay hinayaan niya ako, sa isang kundisyon niya na isa sa mga apartment nila ako manunuluyan.

Hindi naman ganun kasama ang mundo sa'kin gaya ng sabi ko kagabi. Dahil may mangilan ngilan pa rin na tao na mabuti sa'kin.


***




Dale

"Goodmorning Dale, come and sit, let's have our breakfast" saad ni mommy habang papasok ako ng dining room upang mag-agahan.

"Goodmorning Son" mautoridad na bati naman ni Dad.

"Goodmorning bro" sabay na saad naman ng kambal kong kapatid na sina Ken at Ren. Habang tahimik naman na kumakain ang dalawa ko pang kapatid.

"Goodmorning to all of you too" nakangiting balik na bati ko naman sa kanila. Bago umupo sa aking silya at nagsimula na ring kumain ng agahan.

"So how's business Son?" kapag kuwan ay tanong ng aking ama.

"It's fine Dad. My hotel's and resort's are doing good. And actually later today, I'm going to meet a new investor" sagot ko naman rito.

"That's good. You've been very dedicated sa mga business mo, how about getting married Son?" tanong niya na medyo ikabigla ko naman "I mean you're not getting younger anymore, how old are you? 28? Malapit ka ng maalis sa kalendaryo" dagdag pa nito.

"Alam niyo namang marriage is not my priority for now Dad. I am busy earning my money at sa patuloy na pagpapalago ng business ko" sagot ko naman rito

"Iyon na nga anak, busy ka sa pagpapalago ng negosyo at sa pagpaparami ng pera mo. Pero kanino mo naman gagamitin iyon?" sigunada naman ni Mom.

Napatingin ako sa hapag at nakita kong
nakatingin din sa'kin ang aking mga kapatid.

"Oo nga Kuya, why dont you find a partner already" sabat din ni Ken "O baka naman may natitipuhan at hinihintay ka Kuya" nanatawang dagdag naman ni Ren.

"Listen Son, I'm giving you 3 days. And in that 3 days, I want to meet your partner. Pero 'pag wala kang naipakilala within 3 days. Sorry to say this pero maraming gusto makasal sayo. Maraming mga kasosyo ko sa business ang gustong mapangasawa ka ng mga anak nila. So 3 days son. 3 DAYS! Alam kong higit sa lahat ay arrange marriage ang ayaw mo. And please don't be mad at me, you know that I'm doing this for" mahaba habang salaysay ni Dad na siyang nagpatigil sa'king pagnguya.

"Okay, okay. I'm going to find a partner in 3 days. Para naman hindi niyo na ako kulitin sa bagay na iyan." sagot ko na lamang upang manahimik na sila at tigilan na nila itong usapan tungkol sa kasal kasal na yan.

Alam kong seryoso si Dad. I need to find a person who's willing to act like my partner. Nasabi ko na lamang sa sarili ko.

Nakita ko naman na napangit si Dad and Mom kaya di ko mapigilang sabihin na "Happy now Dad? Mom? Atat na nga siguro kayong magka apo ano?" natatawang huling saad ko bago tinapos ang natitirang laman ng aking plato.

"Yes gusto ko na magka-apo anak, please give me one na" saad ni Mom, habang papalapit ako sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisnge.

"Okay Mom, just give me enough time and I'll give you a lot of apo's" natatawang saad ko rito bago magpa-alam na papasok na sa aking trabaho.

VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon