Prologue

28 0 0
                                    

-


"Jaz, are you ready? Where are you?"


Boses ni Bam lang ang naririnig ko sa mga sandaling ito. Hindi ako sigurado sa gagawin kong ito, but this is for my family. Wala akong magagawa kundi maging handa. Sumagot ako sa kanya habang may nakapalsak sa tenga ko. Earpiece, para makausap ko siya habang isinasagawa ko ang huling misyon ko para makalaya ako.


"Malapit na 'ko sa mansion, Bam."


"Good," komento niya. "We have eyes everywhere. Don't worry, you're not alone."


Napairap ako. Hindi ako mag-isa technically, pero physically, ako lang ang pinapunta rito. Bam and I planned it all out with the help of someone unexpected. The plan is to take ten million pesos inside the Mayor's house, make him think that the leader of the Centaur's did it and from there, we'll see if they'd take the bait. 


Ilang linggo na rin namin itong pinaghahandaan at sa loob ng ilang linggong 'yon, napag-aralan namin ang bawat lusutan, bawat pintuan, mga bintana, mga tao sa loob at kung ano pa para makatulong sa maisagawa ng ayos 'to.


Doon ako dumaan sa likod ng bahay and I was sure that there's no one here at the moment. 


"Narito na ako sa may pinto," sabi ko.


I unlocked the door using a specific tool that Bam gave me when I started working for them. Nang magbukas, maingat akong sumilip sa loob. I have my flashlight with me and my beanie mask is on. If there's anyone inside here, kayang-kaya ko namang umalis dito nang mabilis.


"Basement, Jaz. The safe's down there," Bam informed me.


Unang sumalubong sa akin ang kusina. Hindi ako gumawa ng ingay noong sinaraduhan ko ang pintuan kung saan ako pumasok. There was no light at all, maliban sa flashlight ko, sa streetlight sa labas at ang buwan. I can see properly, so I turned off my flashlight and turned it into a weapon if there's any encounter.


"Go to your right. There's a door that will lead you straight to the basement," si Bam.


"Alam ko. Matagal ko nang nasaulo ang lugar na ito," sagot ko. Parang pinapahiwatig niyang hindi ko matatandaan ang mga pinag-aralan ko sa misyon na ito. Ito ang huling beses na gagawin ko ito. I'm leaving this shithole once I return the favor to someone.


At gagawin ko ang lahat para magawa ko agad 'yon. Hindi ko na pwedeng ipagpatuloy ang ginagawa ko. Masyadong delikado para sa kapatid at sa tatay ko. Baka mapahamak sila at kung sakaling pumalpak ako dito, sigurado akong madadamay ang pamilya ko.


"I'm just trying to help, Jaz. That's a very dangerous place and we both know it."


"You're trying to distract me," napairap ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang katao-tao at sobrang dilim. Mabuti na lang at hindi ako takot sa multo at sa dilim. I picked the lock and I safely unlocked it without making any noise.


May narinig ako kalampag sa taas kaya napatigil ako saglit. Tinatanong ako ni Bam kung ano 'yon pero imbes na intayin kung ano ang tunog na 'yon, nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawa. Mabilis kong sinaraduhan ang pintuan nang makapasok. I waited for another couple of minutes to see if there's someone out there, but I got nothing.

The Winds Of Change (Disney Series #2)Where stories live. Discover now