Prologue

27.9K 807 569
                                    

'Something's wrong.' 

Iyan ang unang naisip ni Aibe habang nakatitig sa kisame. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero sigurado siyang may mali. 

Alas kwatro pa lang ng umaga, gising na siya dahil ang bigat-bigat ng dibdib niya. Parang may nakadagang bagay na hindi niya alam kung ano.

Sinubukan niyang huminga nang ilang beses, baka sakaling maibsan ang bigat at sakit na hindi niya mawari kung ano. Paulit-ulit niyang iniisip kung ano ba ang ginawa niya kahapon, noong isang araw, noong isang linggo. Pero wala siyang maisip na dahilan para makaramdam nang ganoon.

Kinuha ni Aibe ang phone sa gilid. Naka-charge pa iyon mula kagabi dahil maaga siyang natulog. Ni hindi na siya nakakain ng dinner na binili niya pa sa kabilang kanto dahil nag-crave siya sa pancit bihon na maraming lechong kawali. 

Excited dapat siyang uuwi para kumain, ngunit nang makapasok sa bahay, bumigat ang pakiramdam niya dahilan para matulog na lamang.

Bumangon si Aibe at nagsuot ng workout clothes niya para mag-jogging sa UP Diliman. Maaga na rin naman, paniguradong marami nang tao roon. Gusto niyang i-release ang stress at anxiety na nararamdaman niya. 

She was overthinking, that was for sure.

May kalayuan ang UP Diliman sa tinitirhan niya, hindi iyon walking distance kaya naman kinailangan niyang mag-book ng Grab. Madilim pa ngunit pasilip na rin ang araw.

Aibe breathed multiple times, trying to calm herself, but couldn't. 


Nang makarating sa UP, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Kaagad niyang isinuot ang aipods, tinalian ang buhok, masikip na masikip halos ramdam niya ang pagbanat ng anit niya, hinigpitan ang pagkakatali ng sintas ng sapatos, at nagsimulang tumakbo.

Mabagal sa umpisa, warming up muna . . . hanggang sa maisipan niyang bilisan. Madalas naman niya iyong ginagawa kaya hindi na siya nabigla. 

Mabilis, mabagal, depende na lamang kung kailangan niyang huminga. Humihinto rin siya kapag kinakailangan.

Ramdam ni Aibe ang pagdaloy ng pawis sa iba't ibang parte ng katawan niya. Nag-iinit na rin siya, nagsisimula na ring gumaan ang pakiramdam, at mas nakahihinga na siya ng maayos kumpara nitong mga nakakaraan.

Habang nakaupo sa gilid ng puno, nakaharap si Aibe sa papasikat na araw. Umiinom siya ng tubig mula sa bote nang marinig niyang tumugtog ang kantang Love the Way You Lie ni Rihanna at Eminem.

Biglang kumabog ang dibdib niya. For some reason, Aibe struggled to breathe but she tried to calm herself. Dahil bago tumugtog ang kantang iyon, nakatitig siya sa kalangitan at humingi ng sign.

Kaagad niyang hininto ang kanta at sinubukang tawagan si Yuel, ang boyfriend niya. Walong taon na silang magkasintahan, simula college. Biglang gusto niya itong makausap kahit na magkasama lang sila kahapon . . . kahit na katatapos lang nilang mag-usap kinagabihan bago siya matulog.

Pero hindi niya ginawa. Nakatitig lang siya sa phone niya kung saan wallpaper niya ang picture nilang dalawa na kuha pa sa Palawan noong isang buwan. They celebrated their eight year anniversary in Palawan, regalo nila sa isa't isa.

Tuluyan nang sumikat ang araw, hindi niya nagawang tawagan si Yuel. Nagmadali na rin siyang umuwi dahil may pasok siya sa opisina. Aibe's working as an executive secretary from a known bank. Boss niya ang vice president ng nasabing kompanya.

Buong maghapon niyang isinubsob ang sarili sa trabaho para kalimutan ang nararamdamang bigat sa dibdib. Ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano, hindi siya ganoon. She's not an overthinker ngunit ilang araw na siyang nag-iisip ng kung ano-ano.

No Gain All PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon