Chapter Thirty-Three

Beginne am Anfang
                                    

Tumango lang ito at agad na lumapit sa kapatid. "Hello, Kuya! How are you feeling?"

"Agatha? Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Johann sa kapatid.

"Kasi may sakit ka. Mamaya pupunta rin dito sila Daddy." Hinalikan nito ang noo ng kuya nito. "Tinakot mo si Sapphire. She's crying na kanina over the phone nang unconcious ka pa."

Napatingin sa kanya si Johann ngunit hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa isang couch doon at nagbasa-basa ng magazine.

Limang oras na nandoon si Agatha at inaasikaso si Johann na madalas namang tulog. Mas maalaga naman ang kapatid nito kaya agad talagang pinakiusapan ni Sapphire si Reeve na payagan si Agatha na doon muna. Para rin may makasama siya.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Agatha matapos makainom ng gamot at makatulog ni Johann.

Habang natutulog ang asawa ay umupo siya stool na nasa gilid ng kama nito. Tinitigan niya at hinaplos-haplos ang buhok at mukha nito. Kahit paano, nawala na ang inis sa sistema niya.

Hindi naman siya nagagalit o naiinis talaga mismo kay Johann. Mas parang naiinis siya sa sarili. May mga na-realize siyang mga bagay. Wala pang kalahating taon na nagsasama sila ni Johann ngunit marami na talaga itong napatunayan sa kanya.

"Alam mo ba..." aniya rito kahit hindi siya nito naririnig. "Naiinis ako kanina kasi gusto kong sisihin ang sarili ko. For the past months, you have always taken care of me. You always make sure that I'm healthy and happy. Then I realized, eh ako? Ano kayang ginawa ko para masiguradong naalagaan kita?" Napabuntong-hininga siya. "Nagi-guilty ako. Dahil sa maliban na pagbibigay ko sa'yo ng trust at love ko, wala na 'kong ibang ginawa. When you fainted, my heart stopped beating. When I can't w-wake you up, I lost my mind. My world stopped. Ang OA, but that's how I really felt. Helpless. Hindi ko kaya kapag wala ka."

Oh, she hates being dramatic and all. But hell, she's talking with Johann, anyway.

Namumutla pa rin ng bahagya si Johann at nagbabalat ang tuyong labi nito. But it didn't stopped her to leave a kiss on his lips.

"I love you, Mister. Sana gumaling ka na agad." Hinawakan niya ang kamay nito at niyukyok niya ang ulo sa higaan. Hanggang sa nakatulog na siya ng tuluyan.

Nagising si Sapphire sa mga katok na naririnig niya sa pintuan. Pag-angat niya ng ulo ay nahihimbing pa rin sa pagtulog ang asawa. Agad niyang binuksan ang pinto at binati ang isang doktor at dalawang nurse na tumitingin kay Johann.

After the check-up, pinaalam lang sa kanya ng doktor na maganda ang response ng mga gamot kay Johann at baka after three days ay makalabas na ito. Hindi rin naman kasi ganoon talaga kahina ang baga nito ayon sa doktor.

Kinagabihan ay dumating ang in-laws niya at nasaktong gising si Johann. Groggy lang ito nang kaunti dahil sa gamot ngunit nakakausap naman ng maayos.

Sumunod na araw, medyo malakas na si Johann. Saktong bumisita ang mga pinsan nito nang sabay-sabay. Ang gulu-gulo tuloy sa kuwarto nila.

"Uy, huwag nga kayong maingay, nahihilo ako," angal ni Johann.

Pinindot ni Charlie ang dextrose sa kamay ng asawa niya.

"Aray!" daing ni Johann.

Tumawa ang lokong pinsan. "Masakit?"

"Pucha! Malamang! 'Aray' nga, diba?"

"Ahh. Okay." Inulit ni Charlie ang pagpindot. Mabilis na nilayo na rito ni Johann ang kamay.

"Ang bait mo talaga, Charlie. Gusto mong nasasaktan ako. Iyan tayo, eh."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt