Chapter Thirty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Kaya ka basang-basa? Tinulak mo mag-isa ang kotse habang umuulan?"

            Hinubad nito ang polong uniporme at pinapiga sa kanya. "Oo, eh. Wala akong choice."

            "Walang tumulong sa'yong magtulak?"

            "Wala. Ang lakas ko nga, eh! Hindi ko na matandaan kung paanong natulak iyong kotse sa gilid. Pero maya-maya rin na-realize ko kung saan ako nakakuha ng lakas. Ako nga pala si Superman," biro pa nito saka ngumisi.

            Bahagya siyang natawa. "Ikaw talaga. Magbanlaw ka na nga. Baka magkasakit ka pa."

            "Hindi ako magkakasakit. Ako nga si Superman, eh."

            She just rolled her eyes. "Buti na-start ulit ang kotse at nakauwi ka."

            Sinampay nito ang tuwalya sa mga balikat. "Buti nga kamo. Kundi, hanggang dito nagtulak ako. Mababansagan na 'kong 'The hot guy in the rain'."

            "Hot? Wala ka ngang abs."

            "Ang hotness ay hindi nababase sa abs. Minsan sa magandang puwet na."

            Hinila niya na ito papasok ng bahay. "Magbanlaw ka na! Baka sipunin ka pa. Sandali, iinit kita ng tubig panligo." Mabilis na pumunta si Sapphire sa kusina at naglagay ng tubig sa takuri. Pagkatapos ay isinalang niya sa kalan.

            Pumasok na ng kuwarto si Johann. Pagkalabas nito ay dala na nito ang mga basang damit at isinabit sa likod bahay para matuyo bago ilagay sa laundry basket.

            "Anong ginawa mo buong araw?" tanong nito sa kanya habang hinihintay uminit ang tubig.

            "I slept all day."

            "Hindi mo binisita ang bookstore mo?"

            Umiling siya at saka hinarap ito. "Ahm...hindi ka na galit sa'kin?"

            Tinignan siya nito. "Hindi naman ako nagagalit sa'yo."

            Napalabi siya. "Iyong kanina kasi... you were cold. Sabi mo pa, mag-uusap tayo kapag malamig na ang ulo mo. So, I assume that you're really mad at me. And I understand. I lied kasi. Hindi lang iyon ang naging dating sa'yo. Kasi akala mo kinahihiya ko ang kotse mo."

            "Hindi ako galit sa'yo. Nakakainis iyong ginawa mo, oo. Pero, sabi ko nga, naiintindihan ko naman. Sanay ka sa buhay na puro pa-impress. Kumbaga, nakasanayan niyo iyan. Wala naman akong magagawa." Nagkibit-balikat ito. "Ang inaalala ko lang paano kung magkita kayo ulit ng Sylvia at mabuko niya na wala ka namang Mercedez-Benz na—"

            "Actually, may Mercedez-Benz naman ako sa mansyon. Iyong latest model." Nakagat niya ang labi at saka napatungo. "Ireregalo ko sana sa'yo sa Christmas."

            "Reregaluhan mo 'ko ng kotse? Ng mamahaling kotse?"

            Tumango siya at tumingin rito. "I know how much your car means to you. Kasi pinaghirapan mo iyon. Matagal mong pinaghirapang mabayaran noon. Alam ko rin na hindi mapapantayan ng kahit anong mamahaling kotse ang sentimental value ng Vios mo. But, I still want to give you a new car. No, hindi para maipagyabang natin. But you know... I just love you so much...and I think you deserve more, Mister."

            Hindi ito nakasagot. Tinignan lang siya nito nang matagal na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig sa kanya.

            "Mister?"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon