CHAPTER 2

2 0 0
                                    

SUZZIE'S POINT OF VIEW...

"Dito ka matutulog sa kwarto ni Joylee gusto niya kase---" Di ko siya pinatapos

"Ituturo mo lang kung saan ako matutulog ang dami mo pang sinasabi ng blah blah blah" Irita kong sabi kaya tumahimik na lang siya.

Hindi ko gustong bastusin sila pero bakit hindi na lang nila ako pabayaan sa gusto kong gawin sa buhay ko tulad ng ayaw kong tumira dito.

Alam kong nagtatanong kayo kung bakit galit ako sa buong angkan yun ay dahil wala man lang isa sa kanila na nagtangkang iligtas ako maliban kay Ate Joylee.

Galit lang ako sa kaniya dahil ni minsan hindi man lang ako binisita ngayon ko lang siya nakita araw-araw, gabi-gabi ang pagdarasal ko na sana kahit isang beses lang sa isang taon makasama ko siya pero hindi siya dumating.

Kaya nangunguhulugan lang na kaaway ko din siya na kampi siya sa pamilyang kinasusuklaman ko na kahit kailan ay hindi ko mapatawad.

Pumasok ako sa kwarto at pagpasok ko malaki-laki naman kaso iisang bed lang ng kingsize ang laki.

"WHAT?!" Pagtataray ko ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.

Pansin niyang galit ako at wala sa mood na makipagusap sa kaniya kaya umiwas na lang siya.

Kailangan kong mag mukhang masama sa harapan nila para pabayaan na nila ako hindi ko intensiyon ang maging bastos pero kailangan para makaalis na dito dahil hindi pa ako nakakatagal dito halos di na ko makahinga.

'Tok Tok tok'

Pumasok ang tukmol kong pinsan na feeling niya siya ang nagmamay-ari ng bahay dahil ang may ari naman talaga ang mga magulang niya.

"Bukas, sa MIHS ka magaaral kasama ng ate mo" Sabi niya

"Yeah, whatever" Bored na mataray kong sagot ayan nagsisimula na sila kontrolin ang buhay ko I'm sure ginagawa lang nila toh para makuha ang perang pinamana sa akin ni Inay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Suzzie Perez" Maikli kong sagot sa totoo lang ayaw kong mag aral dito sa Maxwell International High School.

"Kapatid mo ba yan, Lee?"
"Ganda sana ang kapatid mo kaso mukhang tomboy"
"Mukhang masungit"
"Siya ba yung nag drama kahapon?"

Now I get it! Kaya pala pamilyar Tong mga toh dahil sila yung mga bisita kahapon ibig sabihin kaaway ko din sila.

Mukhang ang mas nakakatanda silang lahat sa akin at wala akong pake sa kanila dahil kaibigan silang lahat ni Joylee.

Lalaki silang lahat except sa aming dalawa ni Joylee siguradong lumalandi na naman ang isang toh.

Inayos ko na lang yung sumbrero ko patalikod at inayos ang wig ko lagi akong nakawig na panlalaki kahapon nga nakawig ako ng panlalaki.

Ayaw kase ni Mama na magpaputol ako ng buhok inaalis ko lang ang wig ko tuwing nasa bahay kame at kapag lumalabas kame pinapapasok ko yung buhok ko sa sumbrero.

Kase yung sumbrero kasi gawa ni Mama para sa akin that's why I treasured it so much.

She even changed my name into a girly one ang sabi ko sa kaniya Totoy na lang yung pangalan ko pero di siya pumayag dahil babae daw ako.

Wala naman akong magagawa kundi pumayag na lang sa gusto niya dahil ayaw kong maging malungkot siya.

"Umupo ka sa tabi ng kapatid mo para komportable kang umupo sa inuupuan mo" Sabi ni Sir

Sunset Between Night And DayWhere stories live. Discover now