G.A PART 3

10 1 0
                                    


Raven's POV

"Sino kayo?" walang emosyon kong tanong, sigurado ako na hindi sila taga rito sa village dahil sa kanilang pananamit, iba ang uniporme ng pa-aralan sa amin, kung kaya't saan sila nanggaling?

"Ikaw na lang ba ang natirang survivor dito?" pag-iibang isapan ng lalaking kulay puti ang buhok, para bang wala silang narinig. Ganito pala sila makipag-usap, tatanungin mo at tanong rin ang isasagot sa iyo.

"Sino kayo?" pag-uulit ko.

"Oh! How rude of us. Kami pala ang na atasan ng Genesis Academy para tumulong dito." pagpapaliwanag niya, tumulong? Sinong niloko niyo.

"Mukha bang may natulungan kayo?" pabalang kong sagot kaya naman bakas sa kanilang mukha ang pag-tataka.

"Huh?"

Wala pa rin akong emosyon na ipinakita dahil sino ba ang matutiwa sa sagot na yon, wala silang natulungan, wala silang na iligtas ni isang tao sa village na ito. Namatay ang Lala ko na naniniwala sa kanila.

"Umiiyak ka ba? Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag aalalang tanong ng babae na kulay orange ang buhok, umiiyak?

Hinawakan ko ang pisngi ko at nabasa muli ang natuyong dugo sa aking mukha, hindi ko namalayan na natulo na pala ang mga luha ko. Bakit ako umiiyak?

Hahawakan niya na sana ako pero umalis na ako sa kanilang harap, hindi ko sila gusto makita at hindi ko kailangan ng tulong nila.

"Sandali saan ka pupunta? Kailangan mo sumama sa amin"

"Hindi ko kailangan ng tulong niyo." pagmamatigas ko, kahit na wala akong mapupuntahan hindi ako sasama sa kanila.

"Hayaan mo siya kung ayaw niya sumama sa atin, hindi naman natin siya kailangan. Pwede naman natin sabihin kay HM na walang natirang buhay dito." napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sagot na yun mula sa babaeng nasa likuran ko.

[Flashback]

"Lala gusto ko po malaman kung gaano kalakas ang mga estudyante sa Genesis Academy." gusto ko manggaling kay Lala ang tungkol sa kanila kahit na nabasa ko nanito sa mga libro at diyaryo.

"Hahaha. Gusto mo ba na ikwento ko sa'yo kung gaano kalakas sila at gaano kabait?"

"opo."

"Ang mga estudyante sa Academy ay malalakas, kaya nilang talunin kahit na sino man ang makalaban nila. Tinutulungan din nila ang maraming tao, inililigtas nila kahit ibuwis nila ang kanilang buhay." pagkekwento ni Lala, sobra akong namamangha sapagkat gusto ko rin maging parte ng Genesis Academy.

Ngunit noon 'yon.

[End of Flashback]

Humarap ako sa kanila na may galit sa aking mukha at sila naman ay nag taka.

"Sino ang nag sabi no'n? " tanong ko

"Ah-eh wag mo siyang pakinggan nagbibiro lang siya" sagot ng lalaking kulay asul ang buhok. Hindi iyan ang sagot na nais kong marinig.

Naglakad ako papalapit sa kanila ang muling tinanong, "Sino ang nag sabi no'n?"

"Tss, ako bakit? May magagawa ka ba?" taas noong sagot ng babaeng kulay yellow ang buhok, tinignan ko siya ng masama at tinaasan niya lamang ako ng kilay kaya mas lalo akong nairita, sirang-sira na ang araw ko sisiraain pa niya.

"Tiffany ano ka-" hindi natuloy ng kasama niya ang sasabihin dahil nasipa ko na ang nag ngangalang Tiffany.

Malakas itong tumalsik sa mga sira-sirang bahay at kita ko kung ano ang naging reaction nila.

"Anong!? Sino ka? Bakit mo siya sinipa?"

"Nababaliw ka na ba?"

Lahat sila nagulat sa ginawa ko pero wala naman akong pake doon, nilapitan nila si Tiffany at tinulungan tumayo. Malakas ang pagkakasipa ko at alam ko yon. Tumalikod na ako at uamlis sa kanilang harapan, ayoko na silang makita-

"AHHHH!!!" sigaw ko dahil sa kidlat na tumama sa akin, hindi naman maulan. Saan nanggaling 'yon?

Napaluhod ako sa sobrang sakit, sigurado akong siya ang may gawa nito.

"Sa tingin mo kaya mo ako!? Sino ka para saktan ako?" rinig ko mula sa malapit

"Tiffany ano ba tigilan mo na yan bago mo pa siya mapatay!" sigaw mula sa malayo, ininaas ko ang ilo ko at kita ang malaking bilog sa paligid, barrier?

"Tiffany ano ka ba tanggalin mo itong barrier!" sigaw pa nila ngunit parang walang narinig ang baliw na 'to.

"AHHHHHH!!!" mas dumoble ang sakit nang tumama sa akin ang kidlat at mayroon pang tumusok sa aking katawan na espada. Baliw na siya.

"Tiffany tigilan mo na yan"

Na-nandidilim ang paningin ko.

"Hey! Open uour eye!"

Puting buhok ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay...








Short update kasi wala pang napasok sa isip ko na matino HAHAHAHA gomen, gomen

Thank you for reading <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Genesis AcademyWhere stories live. Discover now