G.A Part 2

10 1 0
                                    


Raven's POV

"Alis na po ako La" paalam ko saka mabilis na tumakbo palabas sa bahay, mag-iinsayo ako dahil matagal ko na rin itong hindi nagawa simula ng napunta ako sa lugar na ito.

"Mag dahan-dahan ka baka marapa ka, jusko kang bata ka!" sigaw ni Lola, matanda na pero masigla pa rin HAHAHA, siya nga pala si Lola Elida ang kumupkop sa akin 3 taon na ang nakakalipas. Mabait siya ngunit estrikto pagdating sa akin, ako lang kasi ang nag-iisang apo niya dahil matandang dalaga si Lola Elida.

" Opo La!"

Sinabi ko kay Lola na mag-isa lang ako lumaki kaya siya na ang nag aruga at nag-paaral sa akin, ngunit hindi niya alam mga ginagawa kong ito.

"Good morning Ven!"

"Good morning!"

"Ven! Magandang umaga!"

Bati sa akin nang iilan, ewan ko ba sa kanila parang dati ayaw nila sa akin, ngayon naman.

"Ven pakasalan mo ako!"

Ang kulit!

Mas binilisan ko pa ang takbo ko papunta sa lugar na pag iinsayuhan ko, ang lugar kung saan ako lumaki. Doon ako natuto na gumamit nang matatalim na bagay at malaman ang mga bagay na dapat kong malaman sa pakikipag laban.

Bata pa lamang ako simula nang matuto ako gumamit ng armas, lumaki ako mag-isa at hindi alam kung asan ang mga magulang. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba sila o hindi na. Napapaisip na lang ako madalas kung asan sila, bakit nila ako inabanduna.

Siguro hindi ako naging mabuting anak kaya nila nagawa 'yon. Hindi ko maalala ang araw na napunta ako sa lugar na 'yon pagkagising ko na lang bigla na lang akong andon. Ilang taon ba ako simula ng inabanduna? 3 taon? 5 taon? Hindi ko na matandaan.

Ang na aalala ko lang ay ang kwintas na iniwan sa akin, isa itong crystal na itim maliit lang siya pero may kasama itong kalahati na buwan.

Ang daming tanong sa isipan ko noon na gusto ko malaman ngunit ngayon ay hindi na. Hindi ko na kailangan ng mga sagot sa tanong dahil simula nang inabanduna nila ako, doon nila ako kinalimutan.

Tumingin ako sa relo ko nang makarating ako sa lugar na ito. 10 na ng umaga, tatlong oras  na pala akong natakbo, kailangan ko na mag simila. Inilagay ko ang bag ko sa malapit na bato at nag simula na.

Makalipas ang ilang iras nag-pahinga ako at kinuha ang bag, sandali. "Asan na ang bag ko?" inilibot ko ang paningin sa paligid at hinanap ang bag ko dahil andoon ang pagkain ko. Nakarating na ako sa kuweba na kung saan ako nakakulong noon at nakita ko ro'n ang hinahanap ko. 'Paano' to napunta rito?'

Nilapitan ko kung asan ang bag ko ngunit pagkalapit ko rito may malaking itlog na nasa bag ko at wala na ang pagkain ko, ano 'to? Bakit may itlog dito? Saka asan na ang pagkain ko? Tumingin pa ako sa paligid at baka may naka iwan nitong itlog ngunit wala.

[Egg cracks]

"Ahh!" napasigaw ako sa gulat dahil sa itlog, anong nangyayari? Mababasag na ba 'to? Nasa kalahati na ang crack kaya siguro mababasag na ito, bahagya kong hinawakan ang itlog at bigla na lang itong umilaw at naramdaman ko nag buong katawan ko na sumasakit.

"Ughh!!!" sigaw ko sa sobrang sakit, ano bang nangyayari? Nawala na ang liwanag ganon din ang paningin ko.

...

"Ahh!" daing ko, iminulat ko ang mata ko at nakitang waka na ro'n ang crack na itlog. Saan napunta 'yon? Tumingin ako na relo ko at nanlaki ang mata dahil alas sain na pala ng gabi.

Genesis AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon