"Thank you" Wika ni Jastine.

Naupo siya sa malambot na upuan saka inayos ang pag kakaupo. Gusto na niyang natulog at mag pahinga dahil pakiramdam niya ay nanghihina na naman siya.

Dahan-Dahan siyang nahiga sa kama. Nakatingin lang sa kanya ang binata, pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

"I need to rest, Dew" Nakapikit na ang kanyang mata at hinihintay na lang na tuluyang hilain ng antok.

"Babantayan kita" Naramdaman niyang lumubog ang kama niya kaya naman iminulat niya ang kanyang mata at nakangiting nilingon si Dew na unti-unting tumatabi sakanya.

Hindi na hinintay pa na tuluyang lumapit sa kanya ang binata. Siya na mismo ang lumapit at mabilis itong binigyan ng mahigpit na yakap.

Simpleng yakap lang pero parang nawala ang lahat ng pagod niya.

Yung nararamdaman niyang antok ay unti-unti ng nilalamon siya.

Siguro dahil katabi na niya ang pinakamamahal niyang lalaki sa buong mundo.

"I love you, Dew" Bulong niya at tuluyan ng hinatak ng antok.

Tahimik na nakatingin lang si Dew sa katabi. Yun naman ang lagi niyang ginagawa sa tuwing katabi niya ang dalaga habang natutulog ito. Ano pa ba ang hihilingin niya? Masaya na siya at masaya na ito pareho sa isat isa.

Dahil dinadalaw na din siya ng antok ay itinulog na lang din niya.

NANG magising si Jastine kinabukasan ay wala na sa tabi niya ang binata.

Tumayo siya kaagad at lumabas ng kwarto saka tinahak ang daan papunta ng kusina at salas. Nang makapasok sa kusina ay nadatnan niyang nag uusap ang tatay niya ang mahal niya. Pareho itong may kape sa harap at ang kanilang pag uusap ay tungkol yata sa kanya.

Siya lang naman kase ang pwedeng maging topic ng dalawa.

Dahil sa nakita ay piniling bumalik na lang ni Jastine sa kwarto. Nag pasyang mag hanap ng damit pambahay upang makaligo na.

Gusto na niya maligo kase parang nangangamoy na ang sarili niya. Naalala niya dalawang araw siya sa hospital dahil isang araw siyang nakatulog sa subrang antok na nararamdaman.

MALAWAK ang ngiti ni Jastine habang binabasa ang text na galing kay Dew. Balik trabaho na kasi ito at sa text na lang ulit sila nag uusap dahil kasalukuyang nasa Davao ang binata upang asikasuhin ang ina na dinala sa hospital dahil sa sakit.

Itʼs been two weeks.

Dalawang linggo na niyang hindi nakikita at nayayakap ang binata.

Gusto man niyang puntahan ay hindi niya magawa dahil kailangan siya ng mga batang nag hihintay sa kanya.

"Why you are smiling?" Napaangat si Jastine ng tingin sa nag salita.

"Why are you here again?" Mataray niyang tanong.

"Sinusundo si Nixi"Umirap si Jastine. Ilang araw na niya naririnig ang dahilan na iyon sa binata at wala yata itong planong baguhin ang dahilan niya. "Araw-Araw ka na lang nakangiti baka sa susunod na pumunta ako ay umiiyak ka na" Lumapit ang binata sa kanya kaya naman napaatras siya.

"Huwag kang lumapit sakin, baka ma virus ako" Ayaw niyang may lumalapit sa kanya dahil ayaw niyang mag karoon sila ng issue.

"Hindi naman ako isang virus pero handa akong maging mapa"

Tumaas ang kilay ni Jastine. "Mapa? Nag papatawa ka ba?" Tumawa si Jastine hanggang sa tumigil siya dahil sumakit ang tiyan niya.

Tumango ang binata sabay ngiti. "Mapa sayo"

Jastine stilled.

"Let me court you, Jastine" Nawala ang ngiti sa labi ni Jastine. Napalitan iyon ng seryusong emosyon.

He want to court me.

Bumuntong hininga siya at deretsong tinignan sa mata ang binata. "Look, okay ako na ipakilala ka sakin ni Nixi" Para lang naman sa katahimikan ng kapatid niya. "Pero hindi para ligawan mo ako o ano pa"

"According to my source.. Hindi ka pa naman daw taken. Youʼre not married either" Biglang napatingin si Jastine sa kamay niya. No ring.

"Let me court you and l will promise that i will wait until youre ready---"

"Wala kang pake kung wala akong boyfriend o hindi pa ako kasal. My heart belongs to one man only." Mabilis niyang kinuha ang gamit niya at nilagpasan ang kausap.

Bakit ba kinakausap niya ang walang iyon? Pang gulo lang naman siya.

"Your heart belongs to him but you're not sure if his heart belongs to you"

Hindi ko pinansin ang isinigaw niya.

Kami lang nakakalam ng tunay na nararamdaman namin ni Dew sa isat isa kaya sino siya para husgahan ang isang bagay na hindi naman niya nasubaybayan simula palang!

Inis na inilapag ni Jastine ang gamit niya sa sofa. Subra ang inis na nararamdaman niya pero bakit nga ba naiinis siya? Gusto lang naman yata siyang pikunin nun.

"Inis na inis ka, ah" Wika ng kanyang amang nag babasa ng libro sa harap niya.

"Sino naman pong hindi maiinis sa taong nang iinis"

"Isumbong ko na ba kay Dew?"

"Pa, gutom na po ako" Kailangan niyang baguhin ang usapan. Ayaw niyang mas lalo lang niyang mamiss ang binata.

Tumayo ang kanyang ama at inilahad ang kamay sa harap niya. Gusto pa sana niya magtanong nang biglang hilain siya nito sa kusina.

"Hinihintay na lang talaga kita para sabay tayong kumain" Ipinaupo siya sa bakanteng upuan at nilagyan ng pag kain ang plato.

Napangiti si Jastine. Ito kasi ang unang beses na kakain sila ng sabay ng kanyang ama.

"Thank you, Pa" Ani saka sinimulang kumain.

Her father stilled pero kaagad ding napangiti. Pareho silang natawa sa hindi malamang dahilan.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Onde histórias criam vida. Descubra agora