Chapter 4

1.4K 22 3
                                    

''So, ano ang gusto mong pag-usapan?" pagtatanong ni Giovanni Rossi sa kaniyang kapatid na si Abraham habang magkasama silang dalawa sa isang Pub.

''Here are your orders." wika ng lalake na nag-aalok ng mga inumin.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Giovanni nang makita nito na mabilis at isang lagukan lamang na ininom iyon ni Abraham na para bang napakalaki ng problema nito.

''Mukhang importante nga ang sasabihin mo kaya mo ako tinawagan." Natatawang wika ni Giovanni bago ininom ang kaniyang alak.

''Kuya," tawag ni Abraham at halos masamid naman si Giovanni sa kaniyang narinig dahil sa pagtawag sa kaniya ni Abraham na Kuya. Daretsong tinitigan ni Abraham si Giovanni sa kaniyang mga mata na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin sa gulat. "I want you to fire Desiree Bianchi."

"What?" pagsisiguro ni Giovanni. "But why?" tanong nito at napaiwas naman nang tingin si Abraham at sinenyasan ang lalake nang isa pang order ng alak.

"So that I can hire her as my secretary." Sa sinabing iyon ni Abraham at tuluyan nang napahalakhak si Giovanni. Gusto lang pala ng kaniyang kapatid na mapunta sa company nito ang dalaga.

''Still head over heels for that woman?" pang-aasar ni Giovanni sa kaniyang kapatid. "But what if I don't want to do that?" paghahamon nito at sinamaan naman siya ng tingin ng kaniyang kapatid na si Abraham.

''You will do that!" matigas na pahayag ni Abraham. Ngayon ay dito na talaga masusubukan ang What Abraham wants, Abraham gets.

"Miss Bianchi is very professional, Abraham." wika ni Giovanni at muling uminom ng kaniyang alak habang nakatingin sa mga nakalatag na alak na nasa kanilang harapan. "Malaki ang naitutulong niya sa akin sa Company kaya naman mahirap para sa akin iyang hinihiling mo."

"Come on, Gio!" pagpupumilit ni Abraham. "As if naman na ibang tao ako sa'yo. Just this once." Sa sinabing iyon ni Abraham ay muli siyang tinignan ni Giovanni. Bakas sa mukha ng binatang si Abraham na gusto talaga nitong mailipat sa company niya ang dalaga.

''Tell me the reason first. And if it's valid for me, sige papayag ako." Naghintay nang ilang minuto si Giovanni sa sasabihin ng kaniyang kapatid ngunit tila nag-aalinlangan ito kung sasabihin niya o hindi. "You know, Abraham. Hindi ko puwedeng tanggalin na lang basta si Desiree sa trabaho niya kung wala akong mailalatag sa kaniyang dahilan kung bakit ko siya tatanggalin. Kung sasabihin mo sa akin ang reason, malay mo maisipan ko ng paraan."

''She said my kiss tasted like trash and it has a stinky smell." mabilis na sagot ni Abraham at iniwang natigilan si Giovanni. Nang bumalik na sa wisyon ay kukurap-kurap ang binatang si Giovanni bago pinigilan ang kaniyang malakas na pagtawa. ''Oh, shut the fuck up, Gio!" suway ni Abraham.

''I-I'm sorry, Abraham." natatawang sagot ni Giovanni bago pinakalma ang arili para naman hindi magalit sa kaniya ang kapatid dahil sa pagtawa nito. ''You mean, you kissed her?"

''Yeah. And she said those words." galit na sabi ni Abraham.

''Wait, ito ba iyong nangyari noon sa party kaya bigla na lang nawala si Desiree?" pagtatanong ni Giovanni at tumango naman si Abraham. "Ikaw naman pala ang may kasalanan kaya umalis, e." Hindi na nakasagot pa so Abraham sa sinabing iyon sa kaniya ng kaniyang kapatid dahil tama ito. Kasalanan nga niya kung bakit biglang umalis si Desiree noon sa party.

''That's why I need you to fire her so that I can make it up for her."

''Wait," pigil ni Giovanni. "Baka naman ako ang mapasama kay Desiree dahil diyan sa gusto mo, Abraham?" pagtatanong ni Giovanni sa kapatid at hindi naman nakaimik kaagad si Abraham. Naiiling na lamang na napapikit si Giovanni dahil mukhang ganoon nga ang mangyayari kung sakali. "Hindi ko na itatanong kung bakit o kung ano ang gagawin mo kay Desiree kung sakali man na mapunta na nga siya sa company mo dahil kilala kita. You are head over heels to Desiree Bianchi. Grabe, malala ka na talaga!" natatawang wika nito sa kapatid. 

''And hindi ko rin alam kung bakit." sagot ni Abraham at mahigpit na hinawakan ang kaniyang baso na may lamang alak bago iyon nilaro-laro. "You know me, Gio. Hindi ako nawawalan ng babae. Marami ako no'n and lahat sila, one call away lang. I just don't know kung ano ang nakita ko kay Desiree at ganito ako sa kaniya. Like, what the actual fuck, right? For the first time! Si Abraham Rossi, hindi maka moveon sa ginawa sa kaniya ni Desiree Bianchi!" hindi makapaniwalang sambit nito at napangiti naman si Giovanni.

''Yeah. For the first time in the history. Mukhang nahanap mo na nga talaga ang katapat mo, Abraham." mahinahong wika ni Giovanni at napatigil naman si Abraham dahil doon. "Hindi nga ako makapaniwala na sa wakas ay mayroon na rin na babae na hindi mo madala-dala sa mga pambobola mo."

"Hey, it's not pambobola!" angal ni Abraham. "Mabait lang talaga ako kaya pinagbibigyan ko sila na malandi ako."

"Whatever." sagot ni Giovanni. "Natutuwa lang din ako na sa wakas ay may nakita ka na talagang babae na ipe-pursue mo."

"Pursue?" pagtatanong ni Abraham sa kapatid.

''Yeah. Hindi ba at ganoon naman talaga kapag mahal mo?" 

''Mahal?" ulit na tanong ni Abraham. "Gio, love is a scam. Walang gano'n. Also, I didn't said that I love her. I mean, she's interesting and I like her attitude but I never said I love her."

"Then what's the point kung sisisantehin ko siya para mailipat sa company mo?" pagtatanong ni Giovanni at dahan-dahan naman na nagkibit-balikat si Abraham.

''For revenge?" hindi siguradong tanong nito at napailing na lamang ang kapatid nito knowing na nasa in-denial stage pa lang pala ito.

''I advice you not to do that, Abraham. Mabilis ang karma kung ang pakay mo lang kay Desiree ay paglaruan dahil natapakan niya  ang ego mo." sabay iwas ng tingin ni Giovanni sa kapatid.

"Karma my ass." sambit ni Abraham nang biglang nag ring ang cellphone ni Giovanni. ''Who's that? Ate Yuna?" pagtukoy nito sa asawa ng kaniyang kapatid.

Tinignan naman ni Giovanni ang cellphone niya at nakita na ang asawa nga nito ang caller. "Yeah. Mukhang papauwiin na ako." sabay tingin sa kapatid nito.

Nagmake face naman si Abraham pagkarinig nito sa sinabi ng kaniyang Kuya. "Ipinagpapasalamat ko na lang na wala pa akong asawa. Ayoko magaya sa iyo na mukhang under sa asawa at may curfew." 

''Sira! Masaya ang buhay may-asawa at anak." natatawang wika ni Giovanni. "Sige na, Abraham. Mauuna na ako. And about doon sa gusto mo. Palabasin na lang natin na magkakaroon tayo ng palitan ng empleyado para naman hindi masakit kay Desiree kung pagsisisante ang gagawin ko. Mag email ako sa kaniya bukas about this. Ako na bahala magpaliwanag basta I have told you, Abraham. Totoo ang karma kung sakali na gagawan mo ng masama si Desiree at ihahanay mo sa collections mo. Malaki ka na. Mag-isip ka nang naaayon sa edad mo." huling sabi ni Giovanni sabay tayo at alis sa lugar na iyon. Hindi na lamang pinansin ni Abraham ang sinabing iyon sa kaniya ng kaniyang kapatid basta masaya siya na lilipat na si Desiree sa kumpanya niya at madalas na niya itong makikita.










SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSIWhere stories live. Discover now