"Magkakurso kayo?" Tanong nila.

"Hindi po, Tourism Management siya eh." Sagot ko.

Tumango tango lang sila.

Ilang minuto ang lumipas ay tapos na kaming kumain sinabi ko kay mommy na may lakad ako mamayang gabi dahil inaya ako ni Jazlyn na pumunta sa bahay nila dahil Homecoming ng kuya niya. Naintindihan naman ni mommy, siya pa ang nagsabi sa akin kung anong damit ang dapat kong suotin dahil noong dalaga daw siya ay madalas siya sa mga party. Tinandaan ko naman ang sinabi niya at susubukan kong humanap ng damit na kapareho ng sinabi niya.

--

"Where are you going, hija? Bihis na bihis ka." Salubong sa akin ni Tita Avah nang bumababa ako ng hagdan.

I am wearing a gray-glittery backless dress and a high stilleto. I paired my small black pouch with my attire.

Eto ang sinabi ni mommy na isuot ko kaya sinunod ko naman. Hindi kasi ako palaattend ng party kaya hindi ko alam ano ang isusuot.

"Ang bongga naman ata ng party na pupuntahan mo?" Tanong ni Tita Avah.

"Homecoming party lang po." Sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Homecoming party nino?" Kwenstiyon niya.

"Kuya po ni Jazlyn." Sagot ko naman.

"Si Lawrence?" Si Ate Allison naman ang nagtanong.

"Oo."

"He's going home? Saan siya nanggaling?" Tanong ni Tita Avah.

"Nasa UAE siya, as far as I know he went there to work?" Si Ate Allison 'yon.

Kumunot ang noo ko. "How did you know ate?"

"A-ah.... Someone told me lang." Aniya.

"Ah okay. Anyways tita, I'll go ahead baka po naghihintay na si Jazlyn." Sabi ko at bumeso sa kaniya. Kumaway lang ako kay Ate Allison. We're not that close.

Inihatid ako ni Zelmo sa bahay nila Jazlyn at sinabing huwag na niya ako sunduin mamaya dahil baka magpahatid nalang ako kay Jaz pauwi. Hindi ko kasi alam anong oras matatapos ang party, ayoko namang paghintayin hanggang madaling araw si Zelmo.

"Just tell to dad what I told you." Sambit ko. Tumango naman siya at umalis na.

A loud country music welcomes me as I entered the gate of David's house. There are lots of people, but definitely not crowded, which evidently shows that they knew each other.

There are lots of drinks but they definitely run out way faster, some of them are laughing with hints of alcohol on their faces. I barely know all of them and I started to feel shy because their outfits are more on casual while mine is kinda extra! As I walk towards the door of their house some men and women looked at me and started murmuring.

Nakakaloka, bat ba kasi ito ang isinuot ko?

"Hoy!" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakitang si Jazlyn iyon na may suot na white short lacey dress. "Ayos porma natin ah? Kapatid ka ng dumating?" Biro niya sa akin na ikinairap ko.

"Ito kasi pinasuot ni mommy! Malay koba kung ano dapat isuot dito, hindi mo naman kasi ako sinabihan." Sambit ko.

"Kahit ano namang suotin mo ano kaba! Pero ayos suot mo ah, para kang aattend ng night club party." Aniya saka tumawa pa.

"Asan ba alak niyo dito?" Tanong ko kaagad.

"Kakalasing molang kagabi diba?" Aniya.

"Pumunta ko dito para maglibang diba? Inaya mo ako kaya samahan moko." Sabi ko at dumiretso sa garden nila Jazlyn at hinagilap ang lalagyanan ng beer.

"Hinay hinay lang!" Paalala niya sa akin.

Hinablot ko kaagad ang nakita kong bote ng beer na nakalagay sa cooler.

"May pagkain sa loob, nagpacater kami baka gusto mong kumain muna?" Aya sa akin ni Jaz.

Tumango ako at sumunod sa kaniya papasok sa bahay nila. Dinala niya ako sa may dining area nila kung saan nakalagay ang mga pagkain at mga nagca-cater.

"Kumain ka dyan, asikasuhin ko lang mga nasa labas." Aniya saka umalis na.

Tinignan ko ang mga pagkain at kumuha ng kaunti dahil ayokong masuka ng bongga mamaya kapag naglasing na ako.

Oo, maglilibang ako ngayong gabi lintek na Chandler na 'yan!

Ipinatong ko ang pagkain at bote ng beer na dala ko sa island counter nila Jazlyn. Dito nalang ako kakain ayoko makisama sa mga tao sa labas, mga kamag-anak ata ito ng pamilya nila hindi ko masyadong kilala. Immediate family lang ang familiar ako sa mga kamag -anak ni Jaz, yung iba hindi pa niya naipakilala.

Habang kumakain ay may nakita akong mga lalaking nakatingin sa akin, hindi ko sila kasing edad at halatang mas matanda sa akin. Tinitignan nila ako kaya nailang ako.

"Anong problema niyo?" Tanong ko sa kanila.

Tumayo ang isang lalaki at lumapit sa akin.

"Fix your dress, ma'am. You're a little bit showy." Sabi ng lalaki na hindi ko kilala. Tinignan ko ang dress ko at bahagya itong nakataas enough to show the sides of my legs. Inayos kolang ang dress ko saka nagsimulang kumain na ulit. Hindi kona pinansin yung lalaking kumausap sakin kanina.

After kong kumain tumungga agad ako ng bote ng beer na dala ko. Ilang lagok lang ay naubos kona yung isang bote. Ngayon kolang nalaman na mataas pala tolerance ko sa alak. Bwiset na lalaking 'yon, ginawa pakong lasinggera!

"Hija," Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Tita Jazelle na nakasuot ng Fluffy sleeves na red dress.

"Hi tita." Sagot ko at bumeso sa kaniya.

"I like your dress ha, you look good," Puri niya sa akin.

"You too, tita." Ani ko at tinago ang beer na iniinom sa likuran.

"How's the party?" Tanong niya.

"Good tita, kakakain kolang po." Nahihiya kong sambit.

"Huwag kang mahiya ah, sayang hindi mo nakita si Lawrence kanina... Maaga kasi nagsimula yung party, hindi ko na alam nasaan siya ngayon. Anyways, just enjoy the party okay? Drink and eat as much as you can, ako ang bahala sa daddy mo." Ani tita saka tumawa pa.

"Thankyou po." Sabi ko pa.

Umalis si Tita Jazelle kaya umalis nadin ako para hanapin kung saan ko pwedeng ilagay tong bote ng beer. Lumabas ako at nakitang sa gilid pala ng cooler iniipon ang mga bote. Inilagay ko sa gilid at kumuha pa ako ng isa pang bote para inumin. At isa pa.... at isa pa.... at maraming bote pa....

The last thing that I can remember is I started to get drunk and wasted. I danced with no inhibitions, yell and laugh in the middle of the sea of people. All I wanted at that moment is to forget what Chandler did to me. I want to keep my body alive!

Drink. Dance. Drink. Laugh. Just living the moment.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now