"If nagwoworry ka na isusumbong ka namin kay ate, ssshhh lang kami." Sumenyas pa si Tita Charlotte na parang zinizipper ang bibig.
Natawa naman ako sa naging reaksiyon nila.
"Nahihiya po kasi ako, saka ayaw kasi ni Chandler na ipakilala ko siya kahit kanino." Sagot ko.
"Ay? Nahihiya?" Si tata iyon.
"Hindi ko alam. Ayaw lang po niya." Turan ko.
"Ilang taon na ba?" Usisa ni Tita Charlotte.
"Twenty-five po siya nung naging kami. That was more than two years ago, actually mag t-three years napo dapat kami in a couple of months so turning twenty-eight napo siya... I'm nineteen, turning twenty." Sambit ko.
Napatango tango naman si Tita Charlotte at Tata Cez.
"Anong trabaho? I mean, syempre medj matanda siya sayo diba? So, may work?" Tanong ni Tata.
"Mechanical Engineer.... Sa electrical company siya nagtatrabaho." Sagot ko.
Namilog ang mga bibig nila.
"Ay bigtime!" Si Tita Charlotte iyon.
"Ba't ba nagbreak pa kayo?" Si Tata Cez.
Napakibit balikat ako. "We just didn't work that well? Saka, masyado kaming tago. May mga panahon na gusto ko nang ipagmalaki yung relasyon namin pero ayaw niya. Gusto ko ng makilala ang mga kaibigan at pamilya niya pero ayaw niya. Pinag-aawayan namin 'yon pero nagkakaayos naman kami, sa bandang huli ako lang ang umintindi kasi yun ang desisyon niya pero ganun po pala 'noh? Dadating yung panahon na magsasawa kang umintindi kaya nagreklamo ako sa kaniya hindi ko naman alam na dahil sa pagrereklamo ko na'yon makikipaghiwalay siya." Salaysay ko.
"So sa higit dalawang taon at magtatatlong taon na magkasama kayo ikaw lang ang nag-adjust sa gusto niya?" Tanong ni Tita Charlotte.
Tumango ako at pagak na ngumiti. "How fool am I, right?" Hilaw akong natawa.
"Siya pa may lakas ng loob makipaghiwalay." Ani Tata.
"Mas mabuti na po 'yon, kasi kung hindi siya makikipaghiwalay wala ho akong lakas ng loob na hiwalayan siya." Sambit ko. "Minahal ko ho ata ng todo."
"Naku, sa susunod piliin mo yung mamahalin mo... Dapat yung kaya kang ipakilala sa buong mundo." Ani Tita Charlotte.
"Hindi na po muna ako magmamahal.... Nakakapagod, nakakaubos." Sambit ko at ngumiti ng pilit.
"Kumain na kayo." Napalingon kami sa nagsalita. Si mommy iyon. "Huwag na kayong magdramahan diyan, ayusin mo sarili mo Valerie hindi kita pinalaking sumusuko. Umayos ka!" Ani mommy na ikinalaki ng mata ko.
"O-opo!" Sagot ko.
Bumaba na kami at naabutan namin si Zelmo na nanunuod ng TV nang makita kami ay tumayo siya.
"Aalis na ho tayo, ma'am?" Tanong ni Zelmo.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Kakain muna kami." Sabi ni mommy.
Tumango lang siya.
Dumiretso na kami sa hapag kainan at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay hindi napigilang magsalita ni Tata Cez.
"Alam mo gwapo yung Zelmo. Ilang taon na 'yon?" Tanong niya.
"Hoy! Bata pa 'yon, umayos ka diyan." Sabi ni Tita Charlotte.
Natawa naman ako sa reaksiyon nila.
"One year older than me po. Graduating na po siya." Sambit ko.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 4
Start from the beginning
