"Alam ng daddy mo?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako saka humikbing muli.

"Hindi siya nagalit?"

"Nagalit po...." Sagot ko.

"Kilala niya yung lalaki? Pormal bang nagpakilala? Pumupunta ba sa bahay niyo?" Sunod sunod na kwestiyon sa akin.

"Hindi po siya pumupunta sa bahay.... Pero kilala po siya ni daddy, by name." Sabi ko.

"At ngayon umiiyak ka dahil sa lalaking duwag at ayaw ipakilala ang sarili niya sa ama mo maging sa akin? Kinunsinti ka pang itago sa akin ang katotohanan? Anong klaseng lalaki 'yan?" Galit si mommy at alam kong nagtitimpi lang siya at pinipigilan ang sariling tuluyang sumigaw.

"Sorry po..." Tanging nasabi ko nalang at tuluyan ng namalisbis ang luha sa aking mga mata. Hindi na napigilan pa ang nadaramang bigat sa aking kalooban.

Ilang segundo akong nakayuko at naramdaman ko ang mga palad na dumampi sa aking mukha. Inalu ako ng aking ina at tuluyang niyakap.

"That's the reason why I don't allow you to enter in a relationship at this age..." Aniya habang hinihimas ang buhok ko. "You're too vulnerable... Masyado ka pang bata para makipagrelasyon, masyado kang mapusok, masyado mong pinairal ang puso mo, anak."

Tumingala ako at tinignan siya. "I thought he loves me.... Nagtagal kami ng higit dalawang taon. Besides, I thought he is mature enough to handle our relationship.... He's 8 years older than me." Ani ko.

"What?!" Narinig ko si Tata Ceziana na bumigkas mula sa aking likuran.

"Ceziana!" Sigaw ni mommy. "Hindi nababase sa tagal ng pagsasama niyo ang pagpapatotoo ng pagmamahal niya sa'yo, Valerie. Pwedeng matagal kayong nagsasama pero hindi ibig sabihin sa mga panahong magkasama kayo e minamahal ka talaga niya." Ani mommy.

Napatango ako at tumulo ang isang patak ng luha mula sa akin mata.

"Hindi rin dahil mas matanda siya ay iisipin mong kakayanin niyang ihandle ka at ang relasyon niyo. Sinasabi ko sayo, ang relasyon para sa dalawang tao. Kung aasahan mong siya lang ang maghahandle ng lahat, hindi relasyon ang tawag don anak. Pumasok ka sa relasyon dahil sabay niyong bubuuin ang sarili niyo pati ang pagsasama niyo.... Pero sa nangyari? Binuwag niyo na pagsasama niyo, nasaktan pa puso mo."

Napakagat ako sa aking labi dahil sa mga narinig.

"Not all older men are mature. Yung iba may edad lang, pero hindi kasamang nagmatured ang isip." Aniya.

Nag-usap lang kami nila mommy tungkol sa nangyari kagabi at pinakalma muna nila ako bago ako inaya nila tita na pumanhik sa itaas. Pero bago ako sumama sa kanila sinabi ko muna na may kasama akong driver, baka kasi naiinip na si Zelmo sa labas kaya aayain ko muna sa loob. Pumayag naman sila.

"Zelmo?" Tanong ko paglabas ko dahil hindi ko siya nakita sa loob ng sasakyan.

Ilang segundo lang ang dumaan ay nakita ko siyang naglalakad patungo sa akin at may dalang isang baso ng sa tingin ko ay buko juice.

"Pumasok ka muna sa loob." Sabi ko.

Nahihiya pa siya nung una pero napilit ko rin.

Pinakain muna siya ni mommy samantalang ako naman ay sumunod kila tita sa itaas. Dumiretso kami sa kwarto ni tita Charlotte at umupo sa kama niya. Sinipat ko ang bawat sulok ng kwarto at nahalatang hindi nagpapalit ng mga kagamitan si Tita. Eto parin ang mga muwebles at kasangkapan na nasa kwartong ito magmula dati.

"Gwapo ba yung ex mo?" Nagulat ako sa biglang tanong ni tata.

"P-po?" Nauutal kong sagot.

"Bat kasi hindi mo kinwento sa amin, edi sana may nakakausap ka tungkol sa kaniya diba?" Dugtong pa ni tata.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now