"Thanks, Zelmo. Maghihintay ka ba rito? Kung oo, pwede ka namang pumasok muna sa loob." Aya ko sa kaniya.

"Naku, hindi na po. Dito nalang ako." Sagot niya.

"Ikaw ang bahala."

Bumaba na ako at tumungo sa pintuan ng bahay namin nila mommy. Inayos ko muna ang suot kong palda at damit.

Si Tita Charlotte ang nagbukas ng pintuan, babaeng kapatid na sumunod kay mommy.

"Valerieeee!" Sigaw niya sa pangalan ko sabay yakap sa akin.

Nabigla ako pero nakabawi rin, kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Tita, nasaan si mommy?" Tanong ko nang kumalas kami sa yakap ng isa't isa.

Tumingin muna siya sa loob saka humarap muli sa akin. "Nasa sala, nanunuod. Tara, pasok ka muna sa loob. Andoon ang tata mo." Aniya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko si tata Ceziana na bumababa ng hagdan. Kitang kita ang gulat sa mukha niya dahil namilog ang kaniyang mga mata.

"Valerieeee!" Sigaw nito at dali daling bumaba para mahagkan ako.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Nandito ka na pala." Si mommy iyon. Nabaling lahat ang aming atensiyon patungo sa kaniya.

Ako naman ang lumapit para bumeso sa kaniya. Bumeso naman siya pabalik pero halatang may halong pagkadismaya.

"Bakit ka naglasing kagabi?" Ito na nga ba ang inaasahan kong sasabihin niya.

"Sorry po, I was just emotional and.... wasted." Sambit ko. Napayuko pa ako dahil nakaramdam ako ng hiya sa mga tita ko. Hindi nila ako pinalaking lasinggera, pero what should I do? Pakiramdam ko alak lang ang magiging takas ko.

"Anong dahilan para maging emosyonal ka at umabot sa puntong nagpakalasing ka ha?" Tanong niyang muli.

Hindi ko na pwedeng itago. Tumingin muna ako sa mga nagtatakang mukha nila mommy, tita and tata. I know they are all expectig me to say something.

I pressed my fingers towards each other before i finally speak up.

"Mommy, I had a boyfriend...." Pag- amin ko. Sa loob ng higit dalawang taon, tinago ko iyon sa kanila at tanging si daddy lang at mga tao sa mansiyon ang may alam na may boyfriend ako. Pero kahit alam nila, ni hindi nagpakita sa bahay si Chandler para pormal na ipakilala ang sarili niya kaya buong akala nila daddy ay wala na akong boyfriend.

"You had?"

"Nagbreak po kami kagabi." Sagot ko.

"At kailan pa ito?" Nang-uusisa ang kaniyang mga titig. Handang sipatin ang katotohanan sa aking mga mata.

"We're almost as three years together." Sambit ko.

"At kung hindi kayo nagbreak hindi ko malalaman, ganoon ba?" Aniya, naghihintay sa nakakadismayang sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Si Tita Charlotte naman iyon.

"Sorry po, alam ko po kasing magagalit kayo..." Turan ko at yumuko dahil nakaramdam ng hiya.

"Alam mo naman palang magagalit kami, ginawa mopa. Ganyan ba talaga ang natutunan mo sa bahay na'yon? Ang magtago ng sikreto?" Rinig ang tinig ng pagkadismaya sa boses ni mommy.

"Mommy, hindi po.... Sorry po." Ani ko at nagsimulang humikbi.

Hindi ko na nakayanan ang pasan ko sa puso ko, pakiramdam ko unti untig nalulusaw ang batong nakadagan sa dibdib ko dahil sa halos magtatatlong taon kong pagtatago ng relasyon na hindi naman pala seryoso. Ang bigat na ng loob ko. Akala ko nailabas kona lahat kagabi, hindi pa pala.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now