Napahilot ako sa sentido ko bago tuluyang umupo sa upuan kung saan ako palaging nakapwesto.
"My head hurts, parang gusto kong sumuka." Reklamo ko.
Hinilot ko pa ang ulo ko at pumikit sandali dahil kauntig galaw ko lamang ay parang umiikot ang paningin ko.
Ang hirap magfeeling strong sa inuman, lagapak pag-uwi.
"Kumain ka muna, saka ka uminom ng gamot pangpaalis ng sakit ng ulo mo." Si Yaya Astrid iyon na sinasalinan ako ng juice sa baso ko.
Nagsimula na akong kumain pero ramdam ko parin ang pagkibot ng ulo ko. Gusto ko ng uminom ng gamot.
Akmang tatayo na ako para kumuha ng gamot nang biglang nagring ang phone ko. And to my surpise, it's my mom! Grabe, umagang kay ganda nga naman.
"Goodluck." Si Jazlyn iyon na nakatingin sa akin sabay subo ng bacon sa kaniyang bibig.
I made a face and rolled my eyes before finally picking up the call.
"Hello?" Ako ang unang sumagot.
"Valerie, anak! Buti naman at sumagot kana, kagabi pa kita tinatawagan at tinetext ni hindi ka man lang sumasagot. Tapos ngayon umaga nakatanggap ako ng tawag galing sa daddy mo at isinusumbong ka sa akin? Naglasing ka raw! Totoo ba yon, Valerie?" My mom is panicking on the other line.
Napakamot nalang ako ng ulo ko. There's no way to go outta here.
"Opo, totoo po." Magalang na sagot ko.
"Kailan ka pa natutong maglasing? Ha? Umuwi ka rito ngayon, mag-uusap tayo. Naku, sinasabi ko talaga sayong bata ka!" Galit na utas ng ina ko sa kabilang linya.
"May lakad ho ako ngayon, hindi po—"
"Uuwi ka dito o ako ang pupunta diyan?" She cut my words off.
Marahas akong napabuntong hininga. You're doomed, Valerie. Huwag ka ng tumakas.
"Pupunta nalang ho ako diyan." Magalang kong turan kahit na mahihinuha sa tinig ko ang pagkadismaya.
"Bilisan mo at rito ka magtanghalian." Sabi ni mommy saka ibinaba ang tawag.
"Ano raw?" Pambungad na tanong ni Jazlyn.
"Pupunta ako roon for lunch." Sagot ko saka uminom ng juice sa baso ko.
"Doon ka manggagaling bago pumunta sa house?" Tanong ni Jaz.
"Hindi.... Uuwi pa ako rito. Nandito mga damit at gamit ko, hindi ako makakapag-ayos doon." Tugon ko saka sumubo muli ng isang kutsara ng pagkain.
"Malelate ka? Ayos lang naman." Aniya.
Umiling ako. "I'll be there before or at six.... Hindi naman siguro magtatagal ang usapan namin."
Tumango naman siya. "Okay, basta pumunta ka kapag free kana."
--
"Ma'am andito na ho tayo." Ani Zelmo, driver ko na hinire ni daddy. He is a year older than me. Anak siya ng driver ni daddy, naghahanap kasi ng trabaho kaya hinire na ni daddy dahil sakto wala akong driver kapag umaalis ako or pumupunta ng school.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 4
Start from the beginning
