Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininum yun. Napa-isip ulit ako.

Duchess Hina...

Bakit sa tingin ko ay sa Isang araw na tulog ako ay may napanaginipan ako? Pero bakit wala akong maaalala? Kagaya nanaman ba ito sa weirdong panaginip ko kung saan wala kaming maalala ni Walter tungkol sa sinabi samin ni Andromeda? Punyeta naman. Baka Importante yun, na magaganap nanaman ang War. Susugod ang mga Demons, binigyan kami ng Babala ni Andromeda, tapos nakalimutan lang namin. Sayang. Kung naalala sana namin ni Walter yun ng maaga, edi sana hindi na dumating ang araw na nakapasok ang mga Demons dito.

Pero... Mukhang hindi na ata yun mangyayare? Siguro? Tshaka may nagsasabi sa sarili ko na Iba ang napanaginipan ko ngayon. Hindi si Andromeda. Kundi Iba. Basta, wala akong maalala. Tss!

'If there are Darkness in Life, so there must be also a Light...'

Tuluyan kong nabitawan ang baso. Napasigaw naman si Sophia dahil nabuhos ang ibang laman nito sa aking suot. Pero ako ay hindi ko yun nagawang pansinin. Dahil sa pagkatulala ko, ay ni hindi ko na nga naramdaman ang basa.

"Y-yung libro?..." tanong ko. Nagtaka pa ako nang nautal ako. "... May nakita ba kayong libro sa tabi ko nung nawalan ako ng malay?" tanong ko ulit.

"Libro?." sumeryoso ang mukha ni Keith.

"Ghadd! Catarina! Ano ba naman yan!..." sabay kuha nya sa mga kagamitan na ginamit ko sa pagkain. Pinunasan nya nadin ang damit kong nabasa. "... Pati ba naman ikaw nagiging weird din? Tch!" huminga ako ng malalim.

"Ako na." sabay kuha ko sa kanya ng pampunas. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit parang nabahala ako nang maalala ko ang librong yun? Weird.

"Paanong nasayo yun, Cath?" napaangat ang tingin ko kay Keith. Bakit ang seryoso nya?

"Nakita ko yun sa library dito." sagot ko. Mas lalo lang sumeryoso ang mukha nya. Alam kong naniwala sya na totoong sa Library ko yun nakita, hindi ko nga lang alam kung bakit seryosong-seryoso talaga ang mukha nya.

"I though..." tinitigan nya ako sa mata. At dahil curious ako sa pagiging seryoso nya, sinubukan kong basahin ang Isip nya. "... Don't even try to read my mind, Cath." bumuntong hininga nalang ako. Kahit hindi nya padin sasabihin, wala padin akong nakikita o nababasa sa kanyang isipan. Ang hirap nya talagang basahin. Tss!

"Interesado ka ba sa librong yun Keith? Nagtatanong ako. Nakita nyo ba o wala?" kunot-noo kong tanong. Wala man ako nababasa kanya, pero may bigla nalang lalabas sa isip ko na hint kung bakit naging ganyan sya.

"You mean yung libro na tungkol sa School nato?..." patanong na wika ni Sophia. Tumango naman ako. "... Na kay Keith. Napansin kong kinuha nya yun kahapon sa tabi mo, Catarina." dagdag nya.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon