CHAPTER 2

121 70 3
                                        

+++

"Uy bro nagpasa na ako ng form. Sure na tayo ah." umupo sa tabi ko si Pablo.

Nga pala kaming tatlo nina Aki at Pablo bukod sa magkakaibigan kami magkakagrupo rin kami sa banda. Kasama talaga namin sa banda sina Jigs at Ara kaso sa ibang school sila nag-aaral. Paminsan-minsan nag gigig kami sa mga bars, resto-bars, at iba pa.

Si Pablo ang sa drums, si Aki Bass guitar, si Jigs keyboard, si Ara at ako ang bokalista and ako rin ang nanggigitara.

Dahil nalaman ata ni Sir Evans na may banda kami, kami kaagad ang nilapitan niya pagka-announce nila na may magaganap na Battle of the Bands. Ang magkakalaban ay ang mga courses. So kami ang representative ng Engineering Dep.

"Oo bro sure na. Sinabi rin ni Sir Evans na start na tayo magpractice at babantayan tayo ni Pres."

"Ano? Magpapractice lang kailangan pa ng bantay? Aso lang?" sabi ko.

"Bat ba ang init ng dugo mo don bro?" curious na tanong ni Art.

"Wala. Ang yabang kasi niya. Porket president siya akala niya ay siya na ang prinsipe."

•••

Hinatid ko muna si Jesse sa room niya bago ako sumunod sa practice namin. Nandun na sila, baka ako nalang ang wala kaya binilisan ko na ang paglalakad.

Pagbukas ko ng pinto narinig kong tinetesting nila ang kani-kanilang mga instrumento.

Pumasok na'ko at nilapag sa sahig ang bag ko. Dumiretso ako para kunin ang gitara at tingnan kung nasa tono ba ito.

"Ano ba yan 4:30 ang pinag-usapan dadating ka 5:15." galing sa kinaiinisan kong boses.

Dumeretso lang ako na parang walang narinig.

"Susunod pag late kapa isusumbong na kita kay Mr. Evans. For now, pagbibigyan kita Mr. Markus Delgado." aniya pa.

Nagkunwari akong walang narinig. Aba alam niya buong pangalan ko.

"Let's start. Di Ka Sayang muna." sabi ni Aki.

Nag-umpisa na nga kami sa pagpractice. Nakailang kanta pa kami. Pero nagfocus kami sa kakantahin namin sa first round ng laban which is Ride Home by Ben&Ben.

"🎶 Took a morning ride to the place where you and I were supposed to meet.
The city yawns, they echo on, my thoughts are spinning on and on my head it seems 🎶" panimula ko ulit sa kanta habang nakapikit at tumutugtog ng gitara.

"They lead me back to you, I keep coming back to you..."

Pagbukas ko sa mga mata ko ay siya naman pagbukas ng pinto at iniluwal nito si Nathan.

"Okay na muna yan guys. Here, binili ko kayo ng burgers at tubig." sabi ni Nathan habang nilalabas sa supot ang mga pinamili niya.

Tumigil na nga kami, habang sila ay nag-uunahan makakuha ng makakain naupo na muna ako dun sa gilid para icheck ang phone ko kung nagtext or call sa'kin si Jesse.

Pangalawang beses ko na siyang hindi nahahatid sa kanila buti nalang hindi siya yung toxic na girlfriend na konting mali lang away agad.

"Hmm. Kain ka muna." nagtaka ako bakit ang bait niya ngayon kanina lang parang matandang nagsasabisabi.

Kinuha ko nalang, wala rin naman ako gana makipag-away ngayon. Next time nalang.

"Thanks."

"Marunong ka pala magpa-thank you." aniya na parang natatawa.

"Oo naman pre. May problema?"

"Wala naman. Eat well baby!" nabilaukan ako sa kinakain kong burger pagkarinig ko sa sinabi niya.

Ano daw?! Baby?!

"I mean baby bubut. Ganyan ka kasi kumain tignan mo may ketchup ka sa side ng labi mo." natatawa niyang sabi.

"Pinagtatawanan mo ba'ko Mr. Carter? Alis ka na nga diyan baka masuntok pa kita. Wag mo na painitin ulo ko. Alis!" inis na sabi ko.

"Ito na nga boss aalis na. Bye guys una na ako. May bibilhin pa akong gift para sa girlfriend ko na ipapadala ko." nakipag-fist bump pa siya sa mga kasama ko.

"Ayown oh galawang Carter." -Art

"Sige una na'ko. Ingat kayo. Paki-lock nalang ang room pag uuwi na kayo." paalam niya at umalis na nga siya.

"Baby! Este bro may ketchup kapa sa gedli ng labi mo HAHAHAHAHA" sabay tawanan silang lahat.

Binato ko sa kanila yung bottled water na ginamit ko.

"Ulul niyo! Una na rin ako. Baka mahabol ko pa si Jesse. Bye mga single!" tumayo na'ko at kinotongan ko sila isa-isa at tumakbo na palabas.

"Tagos naman yung 'single' edi kayo na may girlfriend" rinig ko na sabi ni Pablo.

"Hoy Delgado humanda ka bukas sakit na nga ng ulo ko kinotongan mo pa'ko" sabi ni Aki.

+++

Lifetime (BL) OngoingМесто, где живут истории. Откройте их для себя