Then naalala ko, napakahirap niya nga palang gisingin -_____-

Naaalala ko pa lang nun, para lang magising siya kikilitiin ko pa siya, sisigawan at tatadyakan. Kaya ko pa kayang gawin yung ngayon?

Kami na lang ngayon ang tao sa bus, kaya I've made my mind!

Huminga ako ng malalim at... kinurot ang magkabila niyang pisnge. AHAHAHAHA! Nakakatawa yung itsura niya but still he's cute.

"F*ck, ano ba?!"

Bigla ko agad inalis yung mga kamay ko, he opened his eyes ng nakakunot ang noo niya. He raised his eyebrows.

"Eh kasi, di ka magising. Andito na kasi tayo sir."

Bigla siyang tumayo at kinuha yung gamit niya, kinuha ko rin yung gamit ko at sumunod sa kanya paglalakad.

Habang naglalakad kami medyo nahuhuli ako, ambigat kaya nung bag ko. May laman kasi yung steel, kung sakaling reypin niya ko mahahambalos ko siya. AHAHAHA! JOKE YUN, TUMAWA KAYO PLEAAASE ^_____^

Actually backpack lang kasi yung dala niya, ako kasi maleta yung may gulong. HOHOHO! Girlssss, diba naiintindihan niyo naman ako? Hirap kaya maging babae, pero masayaaaaa :D

Bigla siyang lumapit sakin at inagaw yung maleta ko.

"What the f*ck? Sa tingin mo makakarating tayo sa hotel kung ganyan ka maglakad?! Ano ba Kath? Bakit pa kasi ganto dinala mo, sabi ko 3 days lang. Di ko matandaang sinabi kong 2 weeks."

Halata mo sa boses niya na naiirita na siya, eh kasi naman mabigat kasi yung brassiere ko.

"Ako na magdadala ng backpack mo."

Kinuha ko na agad para di na siya umangal pa, well, ganun talaga. Pagbuhat ko, seriously? Anong dala niya? Isang brief lang? O baka naman props lang 'to? AHAHAHA! Medyo magaan kasi di tulad nung akin.

Nakarating naman agad kami sa hotel na tutuluyan namin. Pumunta agad siya sa lobby at kinausap yung hotel staff.

"Miss, the reservation for two VIP rooms?"

Nagmamadaling tanong ni Clarence, siguro natitibi na 'to kaya nagmamadali? AHAHAHA! LAPTRIP ABA!

"Sir, your name?"

Hoy babaita, malagkit na naman ang tingin nitong babaeng 'to kay Clarence! Saka ang arte mo magsalita umayos ka...

"Clarence Santos."

May kung anong pinindot yung babae, at bigla uling nagsalita ng maarte.

"Ser, 2 VIFI rems. The full sele set, with chandeliar. 1 king-size-bed in each rem, a 38 inches LZD TV in each rem with the 4 big speakars for movie watching and the di------"

Naputol yung pagsasalita nung babae, nag-eenjoy pa naman akong panoorin siya kung pano siya lumandi.

"Will you please just give me the keys? The f*ck, I know that already kaya nga VIP rooms ang pinareserve ko and if you're thinking na wala akong pambayad for that rooms, you're absolutely out of your mind."

Kahit ako matatakot na ako kung ako ang nasa position nya ngayon, hayan kasi dapat lang yan sayo. Malandi ka!

"Sorry sir, eto na yung mga susi."

Basta-basta lang niyang hinablot dun sa babae at sumakay na sa elevator. Ako naman sumunod lang sa kanya siyemre.

Pumindot siya at maya-maya binigay niya na sakin yung susi ko.

"Magkatabi lang tayo ng room, if I need something. I'll just call you, yun lang. Bukas pa yung event and I know you're tired. You should rest."

Biglang bumukas yung elevator at pumasok na kami sa kanya-kanyang room. Ibinaba ko muna yung dala ko and sh*t sobrang ganda naman ng room ko parang di ako makapaniwala.

Parang sa ibang bansa lang meron nito ah? Meron na rin pala sa Pilipinas, gusto ko talaga 'to! Nilibot ko muna 'tong room ko, medyo malaki rin kasi and I want to take a bath tub.

Pinuno ko agad yung tub at nagsimulang maghubad. I should enjoy this, minsan lang 'to at libre pa!

"Lalalala-lalalala-lalalalalalaaaaaa!"

Kumakanta pa ko niyan ha? Wag kayo. Lumublob na ko sa tub at nilagyan ng bath soap. Ambango naman nito, amoy lavender.

I just relax at walang inisip na kung ano, at the same time. Natulog din ako, mga 30 minutes lang.

After 30 minutes nagbanlaw na ako at nagshower, lumabas na ako ng CR at hinanap yung maleta ko, saan ko ba yun nilagay?

Bigla kong nakita yung backpack ni Clarence sa couch. Nagkapalit kami ng gamit, hindi ko nakuha sa kanya yung gamit ko -_______-

Andun pa naman yung phone ko. Pano na yan? ARRRGHHHHH!

I opened his bag, baka sakaling may maisuot ako eh. Nakita ko yung brief niya, boxers niya at mga damit niya. Wala akong bet isuot.

Damn!

Kinalikot ko na lang gamit niya, wala namang interesting except sa isang necklace. Buti nga wala siyang dalang, alam niyo na. hahahaha!

Biglang may kumatok sa pinto ko, sana si Clarence 'to. Pumunta ako sa tapat ng pinto at agad kong binuksan yun.

Si Clarence nga, pumasok siya agad sa room ko at iniwan ang maleta ko sa labas ng pinto ko, kaya ako pa yung nagpasok, nakakainis, maging gentleman ka naman -______-

Kinuha niya yung bag niya at tumingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Gross. Wag kang magpapakita sakin ng nakaganyan ka, kung di lang din naman ako maaakit." He smirked.

Lumabas na siya bigla.

What? GROSS? ANO?

Nakarobe naman ako eh, saka duuuuuuh. Wala akong balak akitin siya and in fact I'm sexy!

He's got to be kidding. Tama nanloloko lang siya, sexy ako alam ko. At alam ko naaakit siya sakin, alam na alam ko yun.

Tumunog yung phone ko, may nagtext.

You're not sexy, bare it in your mind. I'm not kidding when I said it, additionally I'm not interested in such body like yours kaya hindi ako naaakit sayo. Save it, it's me. Clarence.

F*ck you CLAAAAARENCE! NAIINIS AKO SAYO! ARRRRGGGGH!

I saved his number.

PERV :x

Yun talaga yung sinave ko sa phone ko, sana mabasa niya.

#Perv

Woman to Womanizer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon