Tumango tango si Tita. "May problema ba kayong dalawa?" Tanong ni tita tinutukoy ang tungkol sa amin ng boyfriend ko.
"Sabihin mo na kasi!" Pagpilit sa akin ni Jazlyn.
Nakita ko ang mukha ni tita na naghihintay ng salita mula sa akin.
Bumuga muna ako ng hangin dahil mukhang masasabi ko na nga ang nasa utak ko kanina pa.
"Pakiramdam ko ho kasi hindi siya seryoso sa akin." Pauna kong sambit. "Ayaw niya po kasi na ipakilala ko siya sa pamilya ko. Ayaw niya rin ho akong i-legal sa side niya... Para ho kaming nagtatago." Pagsasalaysay ko.
Uminom ng tubig si Tita bago nagsalita.
"Ilang buwan na kayo? Taon?" Tanong niya.
"One week." Si Jazlyn ang sumagot.
Pinanlakihan ko ng mata ang kaibigan ko.
"One week na kayo?" Tanong ulit ni Tita.
"Opo." Sagot ko.
"Nasabi mo na ba sa kaniya yung gusto mong gawin?"
"Hindi pa ho, pero tinanong ko po siya kung ayaw niya... Ang sagot niya hindi padaw po siya handa na gawin naming legal ang relasyon namin sa pamilya namin." Sambit ko.
Tumango tango si tita. "Kausapin mo, sabihin mo ang gusto mo. Kasi kung ako ang lalaki at alam kong seryoso akong mahal kita, matutuwa ako kung ikaw mismo ang nagsabi na ipapakilala mo na ako sa pamilya mo." Sagot ni Tita.
Ngumiti ako.
"You deserve someone who is willing to tell the world or atleast his family that he has you." Dugtong pa ni Tita Jazelle.
"Told yah!" Si Jazlyn iyon. Natawa naman ako.
From then, narealize at nakapagdesisyon na akong sasabihin ko kay Chandler ang plano at ang gusto ko.
Matapos naming kumain ng almusal ay nagsimula na muli kaming mag-aral ni Jazlyn. Tumigil lang kami ng tinext siya ng kakilala niyang nagbebenta ng medkit na bibilhin namin. Sabi niya ay available na daw iyon sa physical store nila kaya sinabihan ako ni Jazlyn na maligo na.
"Bakla, baka maubusan tayo. Bilisan mo maligo ha." Paalala ni Jaz.
"Maliligo kana rin?" Tanong ko.
"Oo, sa kwarto ko... Doon ka sa kwarto ni kuya pumunta." Aniya at inginuso ang direksiyon kung saan ang kwarto ng kuya niya.
Dala dala ang bag ko na may lamang damit ay pumasok ako sa kwarto ng kuya niya.
Alam kong walang tao dito pero parang nahihiya parin akong pumasok sa kwarto ng taong hindi ko naman lubusang kilala.
As I entered the room, a white, black, and gray themed room spike my eyes. The wooden designed floor is well-polished as if it is maintained regularly. Aesthetic airplane displays caught my attention. A white-colored airplane is placed above the ledge, near the attached TV on the wall. There's another airplane display on the shelf above the study or work table. You can easily say that the person who owns this room has a deep interest in flying airplanes.
I examined the white and blue abstract designed bedsheet, then gaze upon the elegant frame above the striped designed wall where the bed is leaning.
"Hmm, nice color huh." Sambit ko sa sarili.
Hinawakan ko ang mga airplane figurines na nakita ko... Napangiti ako sa hindi malaman na dahilan. Siguro dahil ganito rin ang nakita ko minsan sa kwarto ni ate. Saka palang nag sink in sa akin na flight attendant nga pala siya.... I hope maging close rin kami para makapasok ako palagi sa kwarto niya at makita yung mga airplane displays niya.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 3
Start from the beginning
