Sumubo muna ako ng kaunting porsyento ng pagkain sapat lang para malasahan ang mga nailuto ni tita. "Masarap po." Pagsasabi ko ng totoo.
Pumalakpak pa siya dahil sa narinig. "Very good!" Sabi niya.
Napangiti kami.
Umupo din si tita sa hapag kainan at nakisabay kumain sa amin.
"Si tito po? Hindi po kakain?" Tanong ko.
"Naku, nasa trabaho na. Kumain na yon kanina." Ani Tita.
Tumango lamang ako.
"Kamusta na ang inaaral niyo?" Tanong niya sa amin.
"Hindi pa tapos ma, pero nakapagsimula na." Sabi ni Jazlyn sa ina.
"Mamaya po tita, aalis kami ni Jaz para bumili ng medkit." Sabi ko.
"After lunch?"
"Opo."
"Dito siya maliligo, ma." Sambit ni Jaz.
"Sure! Kaso hindi pa gawa yung cr sa ibaba eh. Bukas palang itutuloy ng mga gumagawa, doon ka na muna sa kwarto ni Rence." Sambit ni tita.
Familiar yung Rence pero hindi ko kilala sino.
"Saan po yun?" Tanong ko naman.
Itunuro ni tita ang kwarto sa itaas na katabi ng kwarto ni Jazlyn.
"Kwarto ni kuya." Pagkaklaro ni Jaz dahil nahalata niyang hindi ko kilala sino si Rence.
"Ay, hindi niya kilala si kuya?" Tanong ni tita sa anak.
"Hindi ata, baka kilala niya Lawrence." Kibit balikat ni Jaz.
Oh. Oo nga, alam ko Lawrence ang pangalan niya.
"Siya po ba yung kausap niyo kanina?" Tanong ko kay Tita.
"Ah, oo. Kinamusta lang kami dito.... Nasa ibang bansa kasi siya, hija. Alam mo na, nagtatrabaho." Sambit pa ni tita.
Tumango naman ako.
"Ma, sabi ko magpipiloto si kuya." Si Jaz iyon.
Ngumiti si Tita. "Oo, gusto niya magpiloto kaso hindi pa namin kaya ngayon eh... Kaya nagtrabaho muna siya sa ibang bansa para magamit naman niya yung napag-aralan niya nung kolehiyo."
"Para po siyang boyfriend ko." Hindi ko alam bakit naisingit ko pa iyon pero huli na nang naisip kong dapat ay hindi kona sinabi yon.
Natigil si tita sa pagkain. Pero patuloy naman si Jaz sa pagsubo, dahil alam na niya ang tungkol sa amin ni Chandler kaya hindi na siya nagulat.
"May boyfriend ka?" Tanong ni tita sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Opo." Tipid na sagot ko.
"Kasing-edad ni kuya," Ani Jaz nang walang pakundangan. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Twenty five?" Pagkaklaro ni Tita.
Tumango lang ako. "I love matured men." Natawa pa ako sa nasabi.
"Matured ba 'yon? Ayaw nga tanungin side mo about--" Napatigil si Jaz sa mga sinasabi dahil pinanlakihan ko siya ng mata.
Mukhang naguluhan si tita dahil pabalik balik ang tingin niya mula sa akin patungo kay Jazlyn.
"Anong nangyari?" Usisa ni Tita.
"Wala po, gusto rin po magpiloto ng boyfriend ko." Paglilihis ko sa usapan. "Kaso, nagtatrabaho po muna siya ngayon bilang Mechanical Engineer... Nag-iipon daw po muna." Sambit ko.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 3
Start from the beginning
