Sasagot na dapat ako ng bigla namin marinig ang malakas na ringtone ng cellphone.
"Sa'yo yun?" Tanong ko kay Jaz. Umiling siya.
Ilang segundo lang ay nakita namin si Tita Jazelle na tumatakbo patungo sa lugar kung saan nagmumula ang tunog. Sa kaniya siguro iyon.
"Baka si kuya..." Sambit ni Jazlyn.
Hindi ko naman pinansin dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Ibinalik ko nalang ang usapan sa pinag-uusapan namin kanina.
"Sasabihin ko sa kaniya mamaya para mapag-usapan namin." Tugon ko. Tumango lang si Jazlyn.
"May dala kang book?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ako nagdala, notebook, ballpen at damit lang dinala ko."
"Dito ka maliligo?" Tanong niya.
"Oo sana." Sambit ko.
"Osige, sa kwarto ka nalang ni kuya maligo. Ginagawa pa yung banyo sa labas eh." Utas ni Jazlyn habang hinahalungkat ang libro sa may bag niya na nakapatong sa sofa.
"Bakit sa kwarto niya? Nakakahiya!" Tugon ko naman dahil umiral ang hiya ko. Hindi kopa nga nakikitang muli ang kuya niya tapos sa kwarto pa ng kuya niya ako makikiligo?
"Gaga, wala siya sa Pinas." Sagot ni Jaz na ikinakunot ng noo ko.
"Really? Asaan siya?" Usisa kopa.
"Ayun oh, kausap ni mama." Saka ngumuso sa direksiyon kung saan nakikipag-usap si Tita sa telepono.
"Nasaan ba siya?" Tanong kong muli. Ngayon ay umaasa sa mas maayos na sagot mula sa bestfriend ko.
"UAE, nagtatrabaho." Sagot naman niya.
Tumango tango naman ako at patuloy na tinignan si Tita na kausap ang isa pa niyang anak sa telepono. Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Tita Jazelle habang kausap ang anak.
"Matagal na siya doon?" Tanong ko pa.
"Last month siya umalis, may kontrata siya doon ng two years." Sagot muli niya saka umupo sa carpet kasama ko at inilapag ang mga librong kinuha niya mula sa bag.
"Buti doon siya nagtrabaho?" Tanong kong muli.
"Mas malaki sweldo doon eh, mababa kitaan dito kapag Videographer, Photographer and Editor ka." Sambit pa ni Jaz habang hinahalungkat ang librong hawak niya.
"Oh, so photographer and videographer and editor kuya mo?" Pagkukumpirma ko.
"Oo, ginamit lang niya yung natapos niyang course na IT.... Pero gusto niya talagang magpiloto, kaso alam mona.... Mahal." Aniya pa saka tumayo muli at kumuha ng papel at ballpen sa bag niya.
Napatingin naman ako sa librong iniwan niya sa lamesa. May malaking letrang nakalagay na "ANATOMY AND PHYSIOLOGY".
Kinuha ko na ang mga gamit ko saka nagsimula ng hanapin ang topic na itinalaga sa amin ng Professor namin.
Ilang minuto lang kaming nag-ayos ni Jazlyn at nagsimula na kaming mag-aral siguro ay isang oras na kaming mag-uusap patungkol sa AnaPhy nang pumunta si Tita Jazelle patungo sa lugar kung nasaan kami at inaya kaming kumain muna. Hindi pa nga pala kami nag-aalmusal.
Tumayo naman agad kami ni Jazlyn at inilagay muna ang mga gamit sa lamesa bago tuluyang tumungo sa hapag kainan.
Nakita kong naghanda ng bacon, hotdog and fried rice si tita. Nagtimpla pa siya ng mainit na choco para sa amin.
"Thank you tita, nag-abala pa ho kayo.... Nakakahiya." Sabi ko naman.
Tinapik ni tita ang balikat ko at tumawa. "Naku, alam mo namang hilig ko talaga ang magluto! Maliit na bagay. Tikman niyo nga." Aniya.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Chapter 3
Start from the beginning
