"Bago pa lang tayo, Val." Sabi niya. "Hindi ba masyadong mabilis kung sasabihin mo agad sa kanila?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"Ayaw mo ba?" Hindi ko naitago ang pait sa pagkakasabi ko noon.

"Hindi naman sa ayaw... Pero one week palang tayo baba, diba? I mean, I guess we still need more time to know each other before we finally introduce ourselves to our family? Hindi pa muna siguro ngayon..." Sabi niya. "I hope you understand." Dugtong niya pa.

Ayaw ko namang maging immature na girlfriend para ipagpilitan ang akin kaya ngumiti nalang ako at tumango. Baka nga maaga pa para sabihin namin yung tungkol sa amin.

After a few minutes, nakarating narin kami sa bahay nina Jazlyn.

"I'll go ahead." Sabi ko kay Chandler. He tried to kiss me but I declined. Hindi ko alam pero parang mabigat ang loob ko sa napag-usapan namin. I hope he understands.

Bumaba na ako ng kotse niya saka dumiretso sa gate nila Jaz.

Pinindot ko ang doorbell nila, at nakita kong lumabas si Jazlyn para pagbuksan ako.

"Hoy bakla!" Salubong niya sa akin.

Ngumiti lang ako. Sa tingin ko ay napansin niyang wala ako sa mood.

"Napano?" Agad niyang tanong habang patungo kami sa loob ng bahay nila.

Umiling lang ako.

"Valerie!" Si tita Jazelle iyon na patungo sa kinatatayuan namin ni Jazlyn. Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang bumeso. "Hija! Naku, namiss kita.... Buti at napagdesisyunan niyo ni Jazlyn na dito mag-study session?"

"Wow, parang hindi mo nirequest ma?" Pabirong sabi ni Jaz.

Nagtawanan naman kami. Tita is really welcoming everytime I visit here in their house. Sabik kasi si Tita na magkaroon ng babaeng kapatid si Jazlyn, at sa tuwing nandito ako feeling niya daw may dalawang anak siya na babae.

"Oh, doon na kayo sa sala. Nagbreakfast ka na ba hija?" Tanong ni Tita.

"Hindi pa po eh." Sagot ko naman.

"O sige, magluluto muna ako para makakain na kayo. Doon muna kayo sa sala."

Tumango naman ako at ngumiti. Dumiretso na si tita sa kusina para siguro ay maghanda ng pagkain.

"So, ano nga nangyari sayo?" Balik ni Jazlyn ng atensiyon niya sa akin.

Tumungo muna kami sa sala bago ko tuluyang sinagot ang tanong niya.

"Si Chandler kasi...." Pauna ko.

"Anong ginawa sayo ng boyfriend mo?" Sindak na tanong ni Jazlyn na parang handa ng makipagbakbakan.

"Mukhang ayaw niya pang gawing legal yung relasyon namin sa mga pamilya namin." Sabi ko.

"Oh? Diba ganun din naman gusto mo?" Sinsero niyang tanong.

"Eh, oo pero...." Kumunot ang noo ko.

"Pero ano?"

"Pero parang gusto ko na siyang i-legal, parang ayoko ng magtago." Pagbibigay klaro ko.

"Edi sabihin mo sa kaniya," Tugon ni Jaz.

"Oo nga, pero ramdam ko kasi na ayaw pa niya. Ayoko namang ipilit yung akin, baka magsawa siya sa akin." Pabulong kong sabi.

"Kung mahal ka niya, icoconsider niya yung gusto mo. Relasyon nga diba? Ibig sabihin, dalawa kayo diyan.... Hindi lang puro siya, o hindi lang puro ikaw." Ani Jazlyn sa seryosong himig.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now