"Uhm... Dito na?" Nag-aalangan kong tanong.

Tumango lang siya. Inalis ko na ang seatbelt ko at bumeso sa kaniya bago tuluyang bumaba at dumiretso patungo sa totoong bahay namin.

Sa tingin ko ay hinintay ni Chandler na makapasok ako sa gate bago siya umalis dahil pagkapasok ko sa gate ay saka ko lamang narinig ang pagkaripas ng sasakyan niya.

Nagulat ako nang pagkapasok ko ay nakita ko si ate na nakatayo sa may gazebo. Akala ko ay may kausap siya sa phone, ayun pala ay hinihintay niya akong makauwi.

"Ate?"

"Sino naghatid sayo?" Salubong niyang tanong.

"W-what?" Pag-aalinlangan ko.

"Oh, c'mmon. Sino naghatid sayo?" Pag-ulit niya sa tanong.

"Kaibigan ko." Pagsisinungaling ko.

"Hindi mo ako maloloko." Iyon lang ang sinabi niya at saka pumasok na patungo sa loob ng bahay. Kumunot naman ang noo ko.

Hindi niya naman alam diba?

--

It's saturday morning and I planned to go to Jazlyn's house because we have study session regarding our first topic in Anatomy and Physiology. Inaya niya din ako dahil namimiss na daw ako ni Tita, dahil ang huling bisita ko doon ay noong bakasyon pa.

I wore a white squared neck crop top and maong pants. I just chose to wear my slip ons so I can easily remove it once I entered their house.

"Marah, pakisabi nalang kila daddy umalis na ako ha? Maaga ata pumunta sa office eh." Sabi ko kay Marah.

"Oh sige. Ingat ka ha!" Paalala niya.

"Salamat." Sabi ko saka tumakbo na palabas. Dala dala ko lang yung maliit na backpack ko, enough to serve as storage for my things including my clothes dahil doon na ako maliligo.

Naglakad ako patungo sa labas ng village namin para doon humanap ng taxi papunta sa bahay nina Jaz.

Habang naghihintay ng taxi ay naaninag ko ang isang pamilyar na kotse na palapit sa akin. Nang binaba ng driver ang bintana ay saka kolang nasiguradong si Chandler nga iyon.

"Baba?" Gulat na tanong ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Jazlyn's house."

"Hatid na kita." Prisinta niya.

Tumango naman ako at dumiretso na sa passenger's seat.

"Buti napadaan ka dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah, may pinuntahan lang." Tipid na sagot niya. "Ikaw, buti pupunta ka kina Jazlyn?"

"Mag-aaral kami." Tanging sagot kolang.

Nakita kong tumango siya.

"Baba?" Tawag ko sa atensiyon niya.

"Yes, bab?" Ngumiti siya sa akin.

"Nakita ata tayo ni ate kahapon." Nakita kong naglaho ang ngiti niya. Napakagat naman ako sa labi ko. Alam kong ayaw niyang ibulgar ang relasyon namin kahit kanino.

"Anong sabi mo?" Seryosong tanong niya.

"Sabi ko kaibigan lang kita." Tumango naman siya.

"Pagagalitan ka kapag nalaman, kaya huwag mo ng sabihin." Sabi niya pa.

"Pero, baba... Parang gusto ko ng sabihin sa kanila para hindi na tayo nagtatago." Nagagalak kong sabi. Pero kabaligtaran ang tugon niyang emosyon.

My Only ExceptionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora