"One week dating, kahapon kolang sinagot." Sagot ko sa kaniya.

She bumped her head with her palm. "Ilang taon na ba 'yan?"

"Ahm... Twenty five?" Sagot ko na ikinalaki ng mata niya.

"What?! That's abuse! You're only seventeen, my goodness!" Pabulong niyang sigaw.

"Huwag ka ngang OA diyan. He's a decent man, he's a Mechanical Engineer. Hindi ko naman siya sasagutin kung alam kong tambay at nagshashabu 'yan noh?" Sabi ko pa. "Look at him..." Ani ko at tumingin sa direksiyon ni Chandler. Napatingin rin si Jazlyn. "Does he look like a druglord?" Pabulong kong tanong kay Jaz.

Chandler is silently ticking on his phone while leaning on the wall. He looks dashing and charming with his clean white polo shirt and khaki pants together with his white sneakers. His clean-cut adds up to his decency. At first glance, you can easily say that he is a decent man.

"Gwapo naman 'yang boyfriend mo kaso mukhang manloloko." Sambit pa niya.

"Grabe ka naman makapangjudge, Jaz. Ano tingin mo sakin? Tanga?" Tanong ko pa.

"Slight." Sagot niya na ikinairap ko.

"Akala ko pa naman--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Oo na, hindi na ako tututol. Baka magdrama ka pa diyan. Kung saan ka masaya doon na din ako." Aniya pa.

Napangiti naman ako. Akala ko bestfriend ko pa ang tututol sa akin eh.

"Alam na ba ni daddy mo yan?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Ng mommy mo?" Tanong niya ulit.

Umiling muli ako.

"Ayun lang. Lagot kang bata ka." Palatak niya.

"Huwag mo munang sasabihin sa kanila, please?" Pagmamakaawa ko.

"Eh, ikaw? Kailan mo sasabihin?" Tanong niya.

"Kapag one month na kami." Sagot ko sa kaniya kahit pa ang totoo ay hindi ko alam kung papayag si Chandler sa desisyon kong iyon.

"Okay, siguraduhin mong pag sinabi mo may uuwian ka pa." Sambit niya.

Hinampas ko siya sa balikat na ikinasigaw niya.

Dumiretso na ako kay Chandler at hindi siya pinansin, kalaunan ay sumunod narin naman siya.

"Let's go?" Tanong ni Chandler.

"Jaz, sabay kana sa amin?" Alok ko kay Jazlyn.

"Osige, para di na ako magtaxi." Sagot naman niya.

Dumiretso na kami sa kotse ni Chandler, ako ang umupo sa passenger seat samantalang sa backseat naman si Jaz. Una naming idinaan si Jazlyn sa bahay nila bago tuluyang dumiretso sa bahay namin.

"I'll be there tomorrow morning ha? Tell to tito and tita!" Sabi ko kay Jazlyn bago kami umandar ni Chandler. Mag-aaral kami ni Jazlyn bukas kaya pupunta ako sa bahay nila.

"Baba..." Ako iyon, trying to catch Chandler's attention.

"Hmm?" Sagot niya.

"Baka makita ka nila kapag inihatid mo pa ako sa bahay." Sabi ko, expecting him to say na it's okay.

"Oh, edi hindi nalang kita ihahatid sa mismong harap ng bahay niyo? You know, para maiwasan natin sila?" Sambit niya. Tumango nalang ako.

Nang nakarating kami sa village, akala ko ay hindi niya tototohanin ang sinabi niya pero bumagsak ang balikat ko nang ibaba niya ako sa harap ng bahay ng kapitbahay namin. Seryoso ba?

My Only ExceptionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ